You are on page 1of 1

Ang kalikasan ay isang biyaya.

Dito sa ating bansa, Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng


kalikasan, abusadong paggamit nito at walang disiplina at limitasyon pagpapatayo ng mga
inprastraktura, maling paraan pagtatapon ng basura, mali paraan ng pangingisda ang naging dahilan
kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna. Halos taon-taon tayong nakakaranas ng
matinding pagbaha, landslide, at pagbabagobago ng klima. Tayong lahat mapa bata o matanda at lahat
ng nabubuhay dito sa mundo ang naaapektuhan ng mga sakuna at hindi magandang pagbabagong nito.

Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman sapagkat dito tayo kumukuha ng ating
mga pangangailangan sa ating pamumuhay at dito rin nakasalalay ang ating kaligtasan. Huwag na nating
antayin pa na mailagay sa panganib ang buhay natin, at magkaroon ng realisasyon sa kahalagahan ng
kalikasan.

Simulan natin sa ating sarili, sa sariling bakuran at sa maliit na komunidad. Kumilos na tayo habang
pwede pa nating isalba at maenjoy ang biyayang binigay sa atin.

Ako Ikaw Kami Tayo Lahat lahat tayo Ay pinanganak na may obligasyon sa ating Mundo sa ating
kalikasan. Aking tandaan. Ating Tatandaan, ito ay hindi atin lamang Ito rin ay para sa mga susunod na
henerasyon upang kanilang magamit. Tayo ang may responsibilidad na siguraduhin ito ay hindi masisira.

You might also like