You are on page 1of 2

“Kahirapan sa

Pilipinas.”
Kung bibigyan ka ng papel na lukot at punit, itatapon mo lamang ito. Dahil sa tingin
mo ay hindi mo na ito mapapakinabangan pa. Ngunit kung ikaw ay bibigyan ng lukot
at punit na pera ay magagawan mo pa ito ng paraan. Ipinapahiwatig nito na mahalaga
ang pera sa atin at laging mayroong paraan tungkol dito.

Mayroon ngang kasabihang “hindi namumunga ng pera ang mga puno.” Na siyang
totoo. Dahil ang mga pera ay hindi basta-bastang pinipitas sa mga puno.

Ang kahirapan ay parte na ng ating lipunan. Ito ay araw-araw na nararanasan ng mga


taong kabilang sa mababang antas ng lipunan. Pilit na nilalabananng bawat
indibidwal ang suliranin na ito upang mabuhay at makapagpayuloy ng bagong yugto
ng buhay.

Maraming kabataan ang hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan. Maaaring dahil sa


kawalan ng trabaho ng mga magulang. Ngunit ang kahirapan ay hindi hadlang sa
tagumpay. Bagkus, gawain itong inspirasyon sa pagkamit nito.

Ang mga pera ay hindi rin napupulot sa basurahan. At hindi ito basta-basta
itinatapon. Kailangan mo pa itong paghirapan. Kung mayroon ka naman nito, dapat
ay hindi mo ito sinasayang o ginagamit sa hindi importanteng bagay.

Kung sa tingin ninyo ay malabo na ang pag-asa na malagpasan ang paghihirap, ay


nagkakamali kayo diyan. Marami pang paraan, para umahon at guminhawa. Para sa
mata, kailangan lamang ng salamin para luminaw ang paningin.

Maraming kapos sa pera na hindi makabili ng kanilang pangangailangan dahil sa


pangungurakot ng ilan at ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Sana ay unahin ng
gobyerno ang pagtulong at hindi ang kung anu-ano pang ginagawa. Kailangan lang
natin maging matibay sa mga dadaanan nating pagsubok sa buhay. Pagsubok
lamang iyan, huwag mong itigil ang laban! Pagsisikap ang tunay na sikreto ng
tagumpay.

You might also like