You are on page 1of 2

ROCAPOR,JANICE E.

12 STEM RCM

Reflection Essay

Mula bata pa ako, naging saksi ako sa pagpupursigi at pagsusumikap ng aking


mga magulang upang itaguyod ang aming pamilya. Sa kabila ng mga pagsubok at
hirap sa buhay, ginugol nila ang kanilang lakas at oras para sa amin. Hindi lamang
para sa kanilang sarili kundi para sa aming kinabukasan ng aking mga kapatid.

Nauunawaan ko na ngayon kung gaano kalalim ang pagmamahal ng aking mga


magulang sa amin. Madalas silang mawala sa aming piling upang magtrabaho sa
malalayong lugar. Subalit ang kanilang sakripisyo ay nagturo sa amin ng halaga ng
pagtitiyaga at determinasyon sa buhay.Isang pangarap ng aking mga magulang na
ibigay sa amin ang magandang edukasyon. Ipinaliwanag nila na ito ang susi para sa
mas magandang buhay. Ipinakita nila sa amin na ang edukasyon ay isang puhunan
sa kinabukasan. Kaya't kami ay pinaalalahanan na mag-aral nang mabuti. Ang
kanilang halimbawa ay nagpapalakas sa aming layunin na maging successful.

Sa kabuuan, ang pagta-trabaho ng aming mga magulang, ay nagturo sa amin ng


mga mahahalagang aral.Itinuturo nila sa amin na ang pagtitiyaga, determinasyon, at
edukasyon ay mahalaga upang umangat at guminhawa ang aming buhay. Ang
kanilang kwento ay nagsilbing inspirasyon sa amin upang maging matagumpay sa
buhay.
ROCAPOR,JANICE E.
12 STEM RCM

Posisyong Papel

Dapat na ipagbawal ang paggamit ng plastic


sa lahat ng tindahan sa buong bansa

Ako'y lubos na sumusuporta sa ideya na dapat nang ipagbawal ang paggamit ng


plastic sa lahat ng tindahan sa buong bansa. Bilang isang mag-aaral, ito ay isang isyu
na may malalim na kahalagahan para sa ating kalikasan at kinabukasan. Eto ang
mga dahilan kung bakit ako sumusuporta sa pananaw na ito:

Mahalaga ang kalikasan para sa aking henerasyon at ang mga susunod pa. Ang
plastic pollution ay isa sa mga pangunahing dahilan sa pagpapabuti ng kalagayan ng
kalikasan. Kung hindi natin ito pigilan, mas mahihirapang mabawi ang kagandahan
ng ating kalikasan para sa susunod na henerasyon. Bilang isang kabataan, ang
kalusugan ay isa sa mga pinakamahalagang bagay sa buhay ko. Ang basurang plastik
na nagkakalat sa paligid ay maaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan
namin. Ito ay isang hakbang para sa kalusugan at kagandahan ng aming kalalagyan.
Sa panahon ngayon, mahalaga ang pagtutulungan upang malutas ang mga problema
ng kalikasan. Dapat tayong magkaisa para sa ikabubuti ng kalikasan. Ang pagpapasa
batas na nagbabawal sa plastic ay isang paraan upang mas lalong magkaisa at
magkaruon ng kaalaman tungkol sa mga isyung pangkapaligiran.

Sa konklusyon, ito ay isang isyu na may malalim na kahalagahan para sa mga


kabataan tulad ko. Gusto kong maging bahagi ng pagbabago at pagtutulungan upang
protektahan ang kalikasan at kalusugan ng aming henerasyon. Ang pagbabawal sa
plastic ay isang hakbang na makakatulong sa pangarap na mas magandang
kinabukasan para sa amin. Sabi nga “Mahalin ang kalikasan gaya ng pagmamahal sa
ating sarili”.

You might also like