You are on page 1of 6

KONSEPTONG PAPEL

ISINUMITE NI:

STEPHANIE U. CUBOL

BAITANG 11- STEM A

ISINUMETE KAY:

GNG. AGNES MATILLA

2019-2020
LAYUNIN NG PAPEL NA ITO:

1.) Malaman kung mas nakakatulong ang paggamit ng social media sa negosyo bilang

promosyon.

2.) Malaman ang bilang ng mga taong gumagamit ng social media sa pagnenegosyo.

3.) Mapalawak ang pagunawa ng magiging epekto ng paggamit ng social media sa

pagnenegosyo.

4.) Mailahad ang ibat ibang paraan kung paano magtatagumpay sa paggamit nito.

METODOLOHIYA

Gumamit ang mga mananaliksik ng iba’t ibang libro na may

kinalaman sa “social networking” na maaaring makatulong upang mapatunayan nila ang kanilang

ginagawang pagaaral. Kumuha din ng mga impormasyong galling sa online reference upang

makadagdag at makatulog sa pagsuporta sa pananaliksik na ito. Gumamit din ang mga mananaliksik

ng “survey questionnaires.” Ito ay pinasagutan ng mga mananaliksik sa 50 tao na may kakayahang

bumili ng sari – saring kagamitan. Ilan sa mga ito ay mga kakilala, kaklase at kaibigan upang

malaman ang opinion ng karamihan ukol sa pananaliksik na ginawa ng mga tagapagsaliksik.

Mayroon din naming mga taong tinanong na may kinalaman sa pagbebenta ng mga lumang

kagamitan upang makakuha ng inpormasyon tungkol sa estado ng kanilang hanap buhay gamit ang

“social networking sites” sa pagbebenta ng lumang personal na kagamitan.


INAASAHANG BUNGA

Unang una, mahalaga ang pananaliksik na ito dahil nakatutulong ito, hindi lamang doon sa

mga negosyante kung hindi doon rin sa mga tao na nag hahanap ng pagkakakitaan sa madaling

paraan. Mahalaga din ito dahil nag bibigay ideya ito tungkol sa negosyo sa iba’t ibang uri ng tao

lalong lalo na sa mga negosyante. Binibigyan ideya din ng pananaliksik na ito ang mga taong walang

sapat na kapital para mag tayo ng sariling tindahan o yung mga tao na walang sapat na oras para

bantayan ang nasabing tindahan. Magbibigay din ito ng ideya dun sa mga taong may trabaho ngunit

nangangailangan pa rin ng “extra income”, makatutulong ang ganitong negosyo dahil mapapataas

nito ang kanilang kinikita ngunit hindi naman ganoong nauubos ang kanilang oras. At ang pang huli,

mga lumang kagamitan sa paraang mas madaling mapansin ng madla.

SANGGUNIAN

https://prezicom/2zpemxmnmqup/kahalagahan-ng-social-networking-sites/

https://www.academia.edu/23301547/_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAMUMUHAY_NG_MGA_MAG-

AARAL

https://www.scribd.com/document/338636749/Ano-Ang-Social-Media
“KAHALAGAHAN NG PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA SA PAGPROPROMOSYON NG

NEGOSYO SA PILIPINAS”

RASYUNAL

Ang teknolohiya ay kadalasang iniuugnay sa mga bagong imbentong mga kagamitan at gadget na

ginagamit na kamakailan lang na natuklasan. Tinutukoy din ang teknolohiya bilang isang talino na

maaaring magamit upang mapadali ang gawain ng mga tao. Maraming uri ang teknolohiya,

mayroong mga kasangkapan, makina, kagamitan, proseso na maaaring makatulong sa paglunas ng

mga suliranin ng tao at marami pang iba .Ayon kay Florangel Rosario-Braid na sumulat ng aklat na

Communication Strategies for Productivity Improvement, “Technology has been defined as the

systematic application of the science of organized knowledge to practical concrete tasks…

Technology is the scientific, engineering and managerial knowledge that makes possible the

conception, design, development, production and distribution of goods and services. Technology

within these definitions including both software (philosophy or technical skills) and hardware

(materials). Isa ang mga social networking sites sa usong uso teknolohiya ngayon. Ang mga social

networking accounts na kilalang kilala ngayon ay Facebook, MySpace, Twitter, Multiply at marami

pang iba. Marami ang magagawa sa mga social networking sites tulad ng makipagkomunikasyon,

makipagkaibigan, gumamit ng iba’t ibang mga application, maglaro at makapagsimula ng negosyo.

Maaaring kumita ng pera sa paggamit lang ng social networking.

Maraming kagamitan sa “online communication” at pagbebenta. Isa sa anim na kagamitan ang

“search engines” na kung saan sinasailalim ang “web address” na medaling hanapin at

makakapagpaakit o magbibigay ng pangangailangan ng bumibili o bumibisitang mga mamimili.

You might also like