You are on page 1of 21

CABALLERO 1

Caballero, Jean Mari Prudence L.

FILI 11 – II

Dr. Joseph T. Salazar

Malayuning Komunikasyon

Pag-ibig ng Bayan: Sikoanalitikang Pag-aaral ng Paglalarawan ng

Pag-ibig bilang Pag-asa sa mga Pelikulang Pilipino

Abstract

Nagmumungkahi ng mga karaniwang pag-ibig at “love-teams” sa mga pelikulang

pangkasalukuyan ang tanong: Ano ang kahulugan ng pag-ibig para sa kanila? Itatalakay iyon gamit

ng sikoanalitikang pag-aaral lalo na ang teorya ni Jung tungkol sa mga arketipo upang tignan ang

mga karaniwang tema at larawan ng pag-ibig ayon sa mga pelikulang Pilipino. Gagamitin ng papel

ang content analysis kung saan ipapaliwanag ang halaga ng tauhan, naratibo at mga bahagi ng

eksena, habang ang thematic analysis ay gagamit upang ipaliwanag kung paano nagamit ang mga

ginawang naratibo na matatagpuan sa realidad ng mga Pilipino upang ilarawan ang pag-ibig bilang

pag-asa.
CABALLERO 2

Introduksyon sa Pag-aaral

Sa panahon ng pag-uunlad ng kulturang at pelikulang Pilipino, mayroong bagong kontento

na nagbibigay ng pag-asa para sa mga Pilipino tulad ng pag-asa na maghanap ng pagmamahal o

masayang wakas. Makikita na makakatagpo ang mga ginawang naratibo sa totoong buhay, ngunit

makikita rin ang paggamit ng mga tauhan, koneksyon at pag-uunlad ng kwento upang ipakita sa

mga Pilipino na posible ang pag-ibig sa kanilang buhay. Kumbaga sa pelikulang romantiko,

pinapakita ang positibong pananaw sa mundo at kung paano naging larawan ng pag-asa ang mga

naratibo tungkol sa pag-ibig. Gamit ang mga teorya ng arketipo bilang pamamaraan, sinusuri ng

sanaysay ang paggamit ng mga tauhan at relasyon upang ilarawan ang pag-ibig bilang pag-asa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Una, sasagutin ng papel ang tanong: “Paano ginamit ng mga direktor ang mga bahagi ng

pelikula upang ilarawan ang pag-ibig bilang pag-asa?”. Aaralin ang papel ang kasiningan ng mga

direktor tulad nina Cathy Garcia-Molina, Antoinette Jadaone at Theodore Boborol upang

maintindihan ang nais nilang ilarawa. Maari ring alamin kung ano ang subhetibidad nila, ang

pagkakaintindi sa subhetibidad ng lipunan at ang kanilang ”unconscious”. Pangalawa, sasagutin

rin ang tanong: ”Ayon sa mga pelikula, ano ang makikitang implikasyon at paniniwala tungkol sa

pag-ibig?”. Sa pagkakaintiindi ng mga direktor, ano ang mga karanasan ng mga Pilipino at ano

ang ninanais nila, dahil naging impluwensya ito sa pagbuo ng kwento sa mga pelikula.
CABALLERO 3

Mga Limitasyon

Naging limitasyon ang pagsusuri, dahil isang pananaw palang ito. Sa paggawa ng thematic

analysis at content analysis, ginagamit ang mga anotasyon at mise-en-scene upang maintindihan

ang layunin ng mga direktor. Subalit, dahil ito ay isang uri ng qualitative research, posibleng may

bias o sariling subhetibidad ang mananaliksik. Sinusuri ng mananaliksik ang paggamit ng mga

kasiningan ayon sa sariling pagkakaintindi sa mga teorya at konsepto nakikita sa mga pelikula.

Bukod dito, posibleng iba ang subhetibidad, nararamdaman at pagkakaintindi ng mga pelikula ang

mananaliksik sa subhetibidad ng mga direktor, aktor o yung ibang mga manonood. Gayunman,

ginagamit ang mananaliksik ang mga teorya ng arketipo upang maintindihan ang mga tema at

implikasyon tungkol sa realidad at ninanais ng mga Pilipino.

Ang Impluwensya ng Pag-ibig sa Medya sa Kaisipan ng mga Manonood

Sa kasalukuyan, mahalaga ang mga medya na nagpapakita ng pag-ibig at nagbibigay ng

impluwensya sa mga nanonood. Sa pag-aaral ni Banaag, et. Al, makikita ang mga datos na

nagsasabi na ang media ay nakakaapekto sa pananaw ng mga tao tungkol sa pag-ibig. May

eksperimento na naganap kung saan dahil sa media, nagbago ang pananaw ng mga tao sa pag-ibig

at (para sa mga nanood ng mga pelikula tungkol sa pag-ibig) mas naging masintahin sila.

Nabanggit din na diyan natututo ng mga dalaga ang mga katangian ng pag-ibig. Sa pag-aaral,

Nakita diyan na ang medya ay may epekto sa pananaw tungkol sa pag-ibig.1

1
Banaag et. Al 2014
CABALLERO 4

Kita ang mga tema at mga bahagi na madalas ginagamit upang magdala ng pag-asa sa

pamamagitan ng pag-ibig. Para magpakita ng pag-ibig sa media, minsan ginagamit ang mga “love

teams” para magpakita na mas totoong pag-ibig at pag-asa sa mga Pilipino. Isa sa mga

pinakakilalang “love teams” ay ang AlDub.(Alden Richards at YayaDub). Sa tesis ni Portillo-

Corodeanu, inaral niya ang mga dahilan kung bakit silang gusto ng mga Pilipino. Ayon sa pag-

aaral, gusto ng mga Pilipino ang AlDub, dahil natuto nil ana ang pagmamahal ay dadating sa

tamang panahon at ang pagiging mas magandang bersyon ng sarili. Ang mga ganyang tema ay

nagbigay ng pag-asa at ang magandang uri ng pagmamahal.2

Arketipo: Pamamaraan sa Pagsusuri ng Imahe ng Pag-ibig bilang Pag-asa sa mga Pelikula

Ang pamamaraan ng pag-aaral ay ang psychoanalytic film theory galing sa konsepto ng

psychoanalysis. Nagsimula ang konsepto ng psychoanalysis kay Sigmund Freud kung saan pinag-

aralan niya ang mga panaginip at istraktura ng pagkatao. Iyan ang id (“unconscious”), ego (malay)

at superego (mga impluwensya sa labas)3. Ang psychoanalysis ay nagagamit para aralin ang mga

dreams na nagaganap sa “unconscious”. Sa pag-aaral ni Teodoro et. Al, nilahad nila ang konsepto

na ang “unconscious” ay hiwalay sa malay sa pamamagitan ng mga panaginip. Bukod diyan,

nilahad din nila na ang pelikula ay naging isang paraan sa pagpapakita ng mga panaginip ng mga

tao 4 . Bukod diyan, inaral din ni Allen ang paggamit ng psychoanalysis sa paghahanap ng

kahulugan ng mga pelikula, Kahit hindi ito ang tanging paraan, ito ay nakakatulong sa

2
Portillo-Corodeanu 2016
3
Britannica 2020
4
Teodoro et. Al 2021
CABALLERO 5

pagkakaintindi ng motibo at “unconscious” sa pelikula. Ito ay nagging paraan upang makita kung

ano ang nais sabihin ng pelikula.5

May teorya na naglahad tungkol sa pag-ibig sa tingin ng psychoanalysis. Isa sa mga teorya

ay ang teorya ni Carl Jung tungkol sa mga arketipo kung saan nilalahad niya ang mga tema na

nagaganap sa buhay6. Bukod dito, ayon kay Guerin, Wilfred L., et. Al sa aklat “A Handbook of

Critical Approaches to Literature”, may mga tema na mahanap sa iba’t ibang kultura at mitolohiya.

Dito rin mahanap ang mga arketipo. Tinuturi ito bilang “unibersal” na tema na nagaganap sa

lipunan.7

Sa ilalim ng arketipo, mayroong iba’t ibang klaseng tauhan. Tinutulungan ng mga arketipo

sa pagbuo ng mga tema na makikita sa mga tauhan. May mga arketipo sa inayos ayon sa kasarian

tulad ng pag-aaral nina Cuzie at Cuzie tungkol sa mga arketipo. Ayon sa kanilang pag-aaral,

mayroong apat na arketipo ang lalaki: ”father” na pinoprotekta sa iba, ”eternal boy” na naghahanap

ng pakay sa paghahanap ng sarili, ”warrior” na humahanap ng kasiyahan sa mga tagumpay,

at ”sage” na nagbibigay ng kahulugan sa iba gamit ng mga kaisipan. Sa isang banda, mayroong

apat na arketipo ang babae: ”mother” na pinoprotekta sa iba, ”hetaira” na nahahanap ng kasiyahan

sa iba ”amazon” na humahanap ng kasiyahan sa mga tagumpay, at ”mediatrix” na humahanap ng

kahulugan sa pagmumuni-muni at paghahanap ng sariling pagkakakilanlan8. Bukod sa kanilang

pag-aaral, sa pag-aaral ni Jonas, nilahad niya ang konsepto ni Pearson tungkol sa mga ibang

arketipo tulad ng: ”the innocent” na naniniwala na lahat ay magiging mabuti, ”the orphan” na

5
Allen 2007
6
Britannica 2011
7
Guerin, Wilfred L., et. Al 2005
8
Guzie at Guzie 1984
CABALLERO 6

nawalan ng pag-asa dahil nasaktan o naiwan, ”the seeker” na naghahanap ng mas magandang

buhay, ”the lover” na nagiging masaya sa lahat ng pagmamahal, ”the destroyer” nam ay natatagong

galit, at ”the ruler” na humahanap ng kontrol.9

Bukod sa mga arketipo ng mga tauhan, makikita rin ang mga arketipo sa mga relasyon.

Sinusuri ito ang mga katangian sa dalawang tao. Ayon sa pagsusuri ni Parks, mayroong anim na

uri ng mga relasyon: ”nurturing love” kung saan isa ay magbibigay ng mahal sa kanyang

kasintahan (”boy/girl lover” at ”loving man/woman”), ”ecstatic love” kung saan pareho na

marunong ang mga dalawang nagmamahal (parehong ”loving man” at ”loving woman”), ”chaotic

love” kung saan pareho ay may galit (”female shadow lover” at ”male shadow lover”), ”abusive

love” kung saan isa ay may galit at isa ay nasasaktan sa galit (”male/female shadow lover”

at ”boy/girl lover”), ”romantic love” kung saan pareho ay may kailangang malaman (”boy lover”

at ”girl lover”), at ”healing love” kung saan may isang marunong na sa pag-ibig na tumutulong sa

isa na nararamdaman ng galit (isang ”shadow lover” at isang ”loving man/woman”).10

Pagsusuri ng mga Bahagi ng Eksena para Gumawa ng Larawan ng Pag-ibig

Sa pag-aaral ng konsepto ng pagmamahal sa mga pelikulang Pilipino, gagamitin ng pag-

aaral ang content at thematic analysis. Ang content analysis11 ay gagamitin upang tignan ang mga

konsepto na maaring makuha sa mga mise-en-scene12 at diyalogo na nakakatulong sa paggawa ng

naratibo at kung paano mauugnay sa sikoanalitikang pag-aaral. Pagkatapos niyan, gagamitin ang

9
Jonas at Pearson
10
Parks 1995
11
Vaismoradi 2013
12
Central Conneticut State University, n.d.
CABALLERO 7

thematic analysis13 upang makita ang mga tema at para magbuo ng tungkol sa pag-ibig at ang

kahulugan ayon sa “unconscious” at paniniwala galling sa pelikula at mga Pilipino.Magkakaroon

ng content analysis sa mga pelikulang Pilipino (My Ex and Whys, Never Not Love You at Finally

Found Someone) at ang thematic analysis ay gagamitin upang ipaliwanag ang mga arketipo sa

mga pelikula at paano naging pag-asa ang konsepto ng pag-ibig.

1. Introduksyon sa Pag-aaral

2. Kahalagahan ng Pag-aaral

3. Mga Limitasyon

4. Ang Impluwensya ng Pag-ibig sa Medya sa Kaisipan ng mga Manonood

5. Arketipo: Pamamaraan sa Pagsusuri ng Imahe ng Pag-ibig bilang Pag-asa sa mga Pelikula

6. Pagsusuri ng mga Bahagi ng Eksena para Gumawa ng Larawan ng Pag-ibig

7. Ang mga Arketipo Pinakita sa mga Pelikula

a. Imahe ng Babae at Lalaki sa mga Tauhan ng Pelikula

b. Relasyon bilang Larawan ng Dinamika at Interaksyon ng mga Tao

8. Pag-asa at Pagnanais: Ano yung Inaasahan ng mga Pilipino?

Ang mga Arketipo Pinakita sa mga Pelikula

Sinusuri ang sanaysay ang iba’t ibang pelikula tungil sa pag-ibig: ”My Ex and Whys” ni

Cathy Garcia-Molina, ”Never Not Love You” ni Antoinette Jadaone at ”Finally Found Someone”

ni Theodore Boborol. Inilarawan ng mga pelikula ang tatlong kwento: ang kwento ng pagkakaroon

13
Vaismoradi 2013
CABALLERO 8

ng pangalawang pagkakataon para makipagbalikan sa dating mahal, ang kwento ng pagiging

matiyaga sa pagmamahat at ang kwento para maghanap muli ng ibang mamahal sa iyo. Sa

pagpahayag ng mga naratibo, nagpakita rin ng mga eksena ang mga imahe ng pag-asa sa mga

tauhan at mga relasyon.

Imahe ng Babae at Lalaki sa mga Tauhan ng Pelikula

Sa paglalarawan ng mga imahe ng pag-ibig bilang pag-asa, nagsimula ang mga direktor sa

paggawa ng mga tauhan. Bilang mga pelikula nakatuon sa masang Pilipino, mahalaga ang kwento

at mga katangian ng mga tauhan, dahil nakakatulong ito sa paglalarawan ng mga karanasan ng

mga Pilipino. Mahalaga tignan na nagtatrabaho ang mga tauhan para magkaroon ng magandang

buhay o para maabot nila sa kanilang pangarap. Habang nagtatrabaho sila, nakakatagpo sila ng

uring pag-ibig na nagbibigay ng pag-asa muli magmahal na maari maging inspirasyon para sa mga

Pilpino na makahanap ng pagmamahal.

` Una, pinakita sa tauhan ni Cali sa ”My Ex and Why’s” ang pag-asa magmahal pagkatapos

masaktan. Nagsimula ang pelikula sa ”slow-motion” ng pagsalo ng isang lalaki sa isang babae na

nagpakita ng drama ng pag-ibig sa unang tingin. Pagkatapos niyan, sinasabi ni Cali: ”T***a,

lolokohin ka lang niya”. Nagiging patawa ang pagsalo sa babae, dahil ito ay nagiging pantasiya ng

pag-ibig na naging drama o perpekto. Pinupuna ni Cali ang ganyang kaisipan ng pagmamahal. Sa

ganitong eksena, dito nagsisimula ng pagkikilala kay Cali bilang ”orphan”. Pinapakita ng

pagtatanong ng ”bakit nagmamahal pa rin pagkatapos masaktan?” ay ang pagpakita ng pagkawalan


CABALLERO 9

ng pag-asa sa pag-ibig14. Bilang ”orphan”, naging mapang-uyam si Cali dahil nasaktan siya dati.

Nakikita ang sikolohiya niya bilang biktima ng panloloko ni Gio noong kasama niya ang isang

babae at ang pag-iwan ng tatay niya ang pamilya niya15. Naging sanhi sa pagkakawalan ng pag-

asa at ang pagpapatunay na si Gio ay isang manloloko. Dahil dito, nagpakita rin na ang motibasyon

na magtrabaho para sa mga kapatid na nagpakita ng pagiging ”mother”. Pagkatapos niyan at

habang kasama niya si Gio para sa blog niya, nahihirapan siya magpatawad kay Gio na ginagawa

ng paraan upang ipatunayan na ”manloloko” siya. Umabot ito sa punto na stag party ni Lee kung

saan dinala ni Cali ang mga babae, pero nasaktan ang relasyon ni Lee at ang kanyang kasintahan

dahil sa paghihiganti kay Gio. Diyan nakilala si Cali bilang ”destroyer”. Pagkatapos maging

malungkot dahil wala na siyang pag-asa, nadala siya sa galit niya na hindi niya naisip kung

masaktan ang relasyon ng iba. Dahil sa pinagdaanan ni Cali, hindi lang naging ”Orphan” siya,

kung hindi naging ”destroyer” siya16. Pagkatapos ng pangyayari, nagkaroon ng pagbabago ulit. Sa

lakbay niya sa Korea, habang lasing si Cali, inamin niya ang kanyang ninanais na mahal niya pa

rin si Gio. Nagkakaroon din siya ng realisasyon na may nasaktan siya at kailangan niya magmahal

muli 17 . Galing sa pagiging ”orphan”, ”mother” at ”destroyer”, dahil nakita niya ulit si Gio,

nagkaroon siya ulit ng pag-asa. Makikita mamaya kung ano ang halaga ng relasyon niya sa

pagbago niya.

Pangalawa, sa tauhan ni Joanne sa ”Never Not Love You”, nakikita na, kahit may

nararanasan siyang kahirapan, maabot rin siya sa pangarap at mahahanap rin niya ang sarili niya.

Sa unang bahagi, makikita niya na parang siyang ”warrior” kung saan nag-iisa siya at mahalaga sa

14
My Ex and Why’s 1:25-3:33
15
My Ex and Why’s 5:30-13:45, 27:07-28:55
16
My Ex and Why’s 49:00-58:50
17
My Ex and Why’s 1:23:55-1:26:38
CABALLERO 10

kanya ang pangarap. Makikita rin na responsable si Joanne dahil nais niyang umabot sa kanyang

pangarap. Pagkatapos niyan, may eksena sa ilog kung saan kinukwento ni Joanne ang kanyang

kwento. Kinukwento ni Joanne ang kaniyang pangarap na magtrabaho para kunin ang kanyang

mga niyang maging ”brand manager” ng malaking negosyo. Kinuwento niya rin na nais niyang

bumili ng jyip para sa kanyang tatay at kotse para sa sarili niya. Inilarawan siya bilang ”seeker”

na gusto ng magandang buhay18. Isa probinsyana siya na pumunta sa mga lungsod upang makamit

niya ang kanyang pangarap, ngunit nagbago siya noong nakuha ni Gio ang trabaho sa UK.

Nagbago ang kanyang pangarap o ang kanyang gusto dahil pupunta siya sa UK. Dahil

pinanindigan niya ang pagmamahal niya para kay Gio, nagbago ang kanyang pangarap19. Nakikita

dito ang pagiging ”Hetaira” niya kung saan nakikita niya ang kasiyahan niya kay Gio. Patumbalik

ang mga kwento kung saan, dati meron ng trabaho si Joanne (yung naghahabol sa pangarap na

magkaroon ng magandang buhay) habang hindi lagi nagkikita si Gio (yung pinapanindigan ang

kasiyahan), pero ngayon mayroong magandang trabaho si Gio habang walang trabaho si Joanne.

Naging sanhi ito sa away at pagbalik sa Pilipinas ni Joanne. Pagkatapos bumalik sa

pagiging ”seeker”, pinanindigan ulit niya ang pangarap niya hanggang sa kanilang paghaharap

kung saan pinakita na pareho siya, ngunit pinanindigan niya rin ang pangarap20.

Pangatlo, sa tauhan ni Aprilyn, makikita nam ay pag-asa maghanap ng totoong

pagmamahal at ang sariling halaga. Makikita sa simula ng pelikula na ”Hetaira” siya na

humahanap ng pag-ibig sa fiancee niya na si Randy. Nagsisimula si Aprilyn bilang babae na

naghahanap ng ”future husband”. Mahalaga ang eksena kung nagtatanong siya kung bakit tapos

18
Never Not Love You 24:00-25:36
19
Never Not Love You 40:49-46:44
20
Never Not Love You 1:26:58-1-32:02
CABALLERO 11

ang mga eksena ay pumupunta kay Raffy. Hindi niya alam na si Raffy ang tinuturi niyang ”future

husband”. Ginagawa itong ”foreshadowing” ng mga susunod na pangyayari21. Bukod diyan, sa

eksena nina Raffy at Aprilyn noong nag-usap sila at naganap ang unang ”Two Truths, One Lie”,

naging malinaw na nais niya magpakasal para magkaroon ng pamilya at mag-alaga ng mga bata.

Diyan rin sinabi ni Aprilyn na nagbibigay siya ng mga liham, dahil iyan ang nakita niya sa kanyang

magulang. Inilarawan ang pagmamahal nais maranasan ni Aprilyn. Maari rin sabihin dito na

nagpakita siya ng mga katangian ng ”the innocent” kung saan patuloy na hinahanap niya ang lalaki

na umalis sa kanilang kasal. Makikita rin iyon sa pag-alaga ng mga bata bilang guro22. Nakikita

rin dito ang pagiging ”Mother” sa pag-aalaga. Bilang ”Mother”, gusto niyang magpakita ng mahal

sa pag-aalaga. Sa susunod ng mga eksena, nakikita na unti-unti hinahanap ni Aprilyn ang sarili

niya. Sa pangalawang ”Two Truths, One Lie”, inamin ni Aprilyn na hindi niya iniisip si Randy

(ang iniwan sa kanya sa kasal), pero inisip niya si Raffy. Unti-unti nawawala ang pagdedepende

kay Randy, ngunit nakikita naman na mahal niya si Raffy. Sinasabi niya rin na naselos siya sa

dating kasintahan ni Raffy. Makikita na ”hetaira” at ”the innocent” siya, dahil pinanindigan niya

ang pag-asa nakikita niya kay Raffy sa pagmamahal23. Pagkatapos nito, noong hindi makasabi na

mahal ni Raffy si Aprilyn, diyan na nanindigan ang kanyang nararamdaman at ang kanyang sarili24.

Dito nagbago ang kanyang pagtingin sa sarili. Kahit sa wakas, pinanindigan niya ang

pagiging ”mother”, lumabas na siya sa pagdedepende sa isang ”future husband”. Hindi na siya

naghanap, pero dumating pa rin. Maaring masabi na naghanap pa rin siya ng pagmamahal, ngunit

natuto niya ang pagmamahal sa sarili at ang pagmamahal sa pamilya.

21
Finally Found Someone 11:15-13:25
22
Finally Found Someone 35:33-43:00
23
Finally Found Someone 1:15:52-1:23:46
24
Finally Found Someone 1:32:19-1:35:19
CABALLERO 12

Maaring masabi na naismahanap ng mga babae sa mga pelikula na may ninais silang

pangarap na magkaroon ng kapayapaan, mas magandang buhay at kasiyahan sa pagmamahal.

Napapansin rin na nagbago rin dito ang mga kababaihan dahil nasaktan sila. Sa susunod, makikita

rin ang mga katangian ng mga mga pelikula.

Sa tauhan ni Gio ng ”My Ex and Whys”, makikita dito na may pag-asa ng magkaroon ng

pangalawang pagkakataon magbago. Sa unang eksena ni Gio, makikita na malaya si Gio kung

saan masaya lang siya kasama ng mga kaibigan niya. Maari siyang maging ”eternal boy” na

nagiging bukas sa iba’t ibang karanasan. Sa unang pagsama nina Gio at Cali, sinabi ng mga

kaibigan ni. Gio na dati, maraming siyang mga relasyon. Inilarawan siya bilang ”the lover” 25.

Maari itong naging alaala ng pagloloko ni Cali. Nadagdag na ito noong, habang lasing si Gio,

kasama niya ang isang babae26. Pagkalipas ng ilang taon, hindi na sila nagkita hanggang hinanap

ni Gio ulit si Cali. Nagpakita ng pagiging halo ng ”The Lover” at ”The Seeker”.

Bilang ”TheDahilListBoy”, binobola niya si Cali habang nagpapakita na nagbago siya.

Naging ”the lover” pa rin siya sa paggamit ng mga biro, sa tulong mga kapamilya niyang lalaki na

babaero. Subalit, nagpakita rin na ”the seeker” siya noong ginawa niya ito para ipaliwanag ang

sarili niya27. Sa mga plano ni Cali, pinapatunayan ni Gio na nagbago siya, kaya nagiging ”the

seeker” siya sa paghahanap ng pagbabago sa sarili hanggang sa paghaharap nila Cali at Gio tungkol

sa pagloloko. Dito nalaman ni Gio ang sakit ginawa niya kay Cali. Dito naging punto na tinanggap

niya ang ginawa niya at dito talaga nagbago si Gio28. Naging paraan ito para maging ”the seeker”

na maghahanap ng ”liwanag” sa Korea. Sa lakbay niya sa Korea, natuloy ang pagbabago niya.

25
My Ex and Why’s 6:20-11:19
26
My Ex and Why’s 27:07-28:55
27
My Ex and Why’s 18:05-22:13
28
My Ex and Why’s 49:00-59:49
CABALLERO 13

Umaabot ito sa punto na nalaman niya na mahirap kunin ang tiwala muli. Isa pang punto ang

paghaharap pagkatapos ng lakbay, dahil nagsimula na ang pagbabago niya kahit wala si Cali29.

Subalit, sa wakas, pinatawad siya ni Cali, pero ang mas mahalaga ay nakabawi siya at naging ”the

seeker” siya magkakaroon ng mas magandang buhay.

Pangalawa, sa tauhan ni Gio sa ”Never Not Love You”, nagpakita ang pag-asa sa

paghahanap ng pangarap at pagmamahal kahit may paghihirap. Sa mga maagang bahagi ng

pelikula, nakikita na wala siyang pangarap maliban sa gusto niya maging masaya at sumunod sa

sariling niyang gusto – sining30. Malalaman din ng mga manonood na nagbabayad ng tatay niya

ang tinitirahan niya31. Bilang ”the creator”, gusto niyang panindigan ang kanyang mahal para sa

sining. Maari rin maging ”eternal boy” si Gio, dahil hinahanap niya ang mga karanasan na

magpapasaya sa kanya, ngunit nagbago iyon noong tinanggap niya ang trabaho sa UK. Hindi siya

naging bukas sa ibang karanasan kapag hindi kasama ang kasintahan. Lalo na sa paghaharap, nais

niyang kunin ang kontrol. Hindi siyang naging masaya para kay Joanne noong nalaman niya na

nais bumalik si Joanne para magkaroon ng mas magandang trabaho 32 . Pinapakita niya ang

pagiging ”The Ruler” sa pagkukuha ng kontrol para maging masaya at komportable. Kahit

pumayag siya na bumalik sa Pilipinas si Joanne, nagkakaroon pa rin siya katangian ng ”the ruler”

noong nagtataka siya o naseselos siya hanggang hindi na sila nag-usap33. Nag-iba siya, dahil dati

gusto lang niya gumawa ng sariling sining at hindi niya iniisip ang pagbayad, pero nagkaroon

ngayon siya ng trabaho. Subalit, sa paghaharap sa 7-Eleven, inamin niya ang kanyang problema

29
My Ex and Why’s 1:34:31-1:38:47
30
Never Not Love You 15:15-17:33
31
Never Not Love You 30:06-34:23
32
Never Not Love You 57:12-1:01:22
33
Never Not Love You 1:15:29-1:20:39
CABALLERO 14

na nakatulong sa pagpapaliwanag kay Joanne34. Pagkatapos ng buong kwento, hinanap niya ng

mas malakas ng pag-ibig at mas magandang paraan gawin ang gusto niya.

Pangatlo, nakita sa tauhan ni Raffy sa ”Finally Found Someone” na may pag-asa

panindigan ang totoong nararamdaman at maghanap ng pagmamahal. Makikita sa unang bahagi

ng pelikula na isang ”warrior” siya na gustong magkaroon ng magandang trabaho. Makikita na

hindi iniisip ni Raffy ang nararamdaman, kung hindi ang mas magandang buhay at resulta 35 .

Makikita rin ito sa ”Two Truths, One Lie” ang mga dahilan sa pagtatrabaho. Nakikita ang

pagiging ”warrior” sa pag-iisip ng ambisyon kaysa sa pagtuturo, ngunit nagsisimula na ang

pagiging "father" at ”seeker”. Sa mga binanggit ni Raffy, sinabi rin niya na iniwan sila ng pamilya

niya, kaya bilang kuya, inaalaga niya ang mga kapatid niya. Bilang ”father” at ”seeker”,

pinapanindigan niya ang responsibilidad niya magtrabaho para magkaroon ng mas magandang

buhay para sa mga kapatid niya 36 . Subalit, sa pag-aamin niya sa pamilya at mahal niya, mas

pinanindigan niya ang pagiging ”father” kung saan nais niyang magturo at maging bukas sa

pagmamahal ng kasintahan at pamilya37.

Sa simula, maari masabi nam ay mga suliranin sila sa sarili nila: babaero, hindi

pinapakinggan ang trabaho, mahilig magkontrol, at hindi matapat sa kanyang nararamdaman.

Pinakita sa mga pelikula ng kwento ng lalaki kung saan naging mas mabuti o nagbago dahil may

babae bilang imahe ng ”liwanag”.

34
Never Not Love You 1:26:58-1-32:02
35
Finally Found Someone 8:43-10:07
36
Finally Found Someone 35:33-43:00
37
Finally Foung Someone 1:36:07-1:55:01
CABALLERO 15

Relasyon bilang Larawan ng Dinamika at Interaksyon ng mga Tao

Makikita sa mga pelikula ang mga relasyon, bukod sa mga tauhan, ang mga larawan ng

interaksyon ng mga babae at lalaki. Maari maging imahe ito ng mga karanasan at pagsasama ng

mga kasintahan. Makikita rin ang mga tungkulin ng mga tauhan sa relasyon. Paano nilalarawan ng

mga pelikula ang pag-asa sa relasyon? Paano nakakatulong ang pag-ibig sa mga personalidad?

Sa unang bahagi ng ”My Ex and Why’s”, makikita dito ang ”romantic love” kung saan

parehong ”boy lover” at ”girl lover” sila Gio at Cali. Sa unang pagsama nila sa isang salu-salo,

nakikita ang dalawang tauhan sa isang saradong lugar. Isa ay si Cali na natatakot, habang yung isa

ay si Gio na komportable. Nakikita ang pagiging ”romantic love” dahil yung hindi nakakaranas

ang pag-ibig si Cali at mayroon pa siyang sakit dahil sa pag-iwan ng tatay niya, habang si Gio,

babaero siya na naging mabait kay Cali. Subalit, pagkalipas ng ilang taon, nagbago na ang relasyon

kung saan naging ”healing love”. Naging ”Female Shadow Lover” na nagpapakita ng sama ng

loob si Cali pagkatapos maloko siya ni Gio, habang naging ”Loving Man” si Gio dahil nais niyang

bumawi at maging mas mabuting tao. Pagkatapos ng mga plano ni Cali para ipatunayan

na ”manloloko” si Gio, nagkaroon ng paghaharap. Nakikita na nagbago na ang pag-ayos ni Cali

ngunit may sama na loob pa siya, habang nagbago si Gio at nagpakita siya ng pagsisisi. Unti-unti

nagbabago ang kanilang relasyon hanggan sa wakas kung saan nagkaroon sila ng pangalawang

pagkakataon. Naging sanhi ang panloloko sa paghiwalay nila, ngunit naging sanhi ito sa paglalakas

ng relasyon. Ito ang naging dahilan sa pag-ayos muli ni Cali at ang pagbawi ni Gio.
CABALLERO 16

Sa ”Never Not Love You”, nagsimula ang pelikula sa dalawang tauhan: Gio at Joanne.

Mayroon silang ”romantic love” kung saan si Gio ay ang ”boy lover” at si Joanne ay ang ”girl

lover”. Pareho silang may problema at may kailangan pang ayusin. Sinabi nila sa isa’t isa ang mga

kanilang gusto: nais magkaroon ng magandang buhay si Joanne at gusto maging masaya si Gio.

Dahil sa kanilang relasyon, tinulungan nila ang isa’t isa sa pagkuha ang kailangan nila. Gumaganda

na ang buhay nila kung saan nakahanap si Gio ng oportunidad at nagkaroon ng pagmamahal si

Joanne. Subalit, pagpunta sa UK, may trabaho si Gio pero walang trabaho si Joanne. Dito

nagkaroon ng kontribusyon ng paglalakbay sa UK sa away ni Gio at Joanne. May problema na

gustong gawin, ang posible at mga pangarap nina Gio at Joanne. Dahil sa mga kahirapan, dito

natuto sina Gio at Joanne ang pag-ibig sa gitna ng mga suliranin. Pagkatapos ng matinding away

tungkol sa pag-alis ni Joanne, unti-unti silang naghiwalay sa paghabol sa mga pangarap nila.

Subalit, sa paghaharap nila noong bumalik si Gio galing sa UK, inisip nila ang mga pinagdaanan

at nagkalinawan sila. Dito, nagsisimula na maging ”Ecstatic Love” kung saan naging ”loving man”

si Gio at ”loving woman” si Joanne. Dahil sa relasyon nila, nalaman ni Gio na pwede siyang

magkaroon ng mas malaking pangarap habang nalaman ni Joanne na pwede rin niyang makamit

ang kanyang pangarap habang nagiging masaya siya.

Sa ”Finally Found Someone”, makikita sa relasyon nina Aprilyn at Raffy ang pagkakaroon

ng ”nurturing love” kung saan si Aprilyn (ang ”Loving Woman”) at si Raffy (ang ”Boy Lover”).

Sa simula, galing si Aprilyn sa isang relasyon kung saan iniwan siya ng dapat niyang ikasal na si

Randy. Habang lumuha si Aprilyn, kinausap niya ang ”future husband”, yung mahal na ninanais

niya. Sa monologo ni Aprilyn, pinapakita ng mga eksena si Raffy na kasama ang pamangkin niya

at tumutuloy sa buhay niya. Tulad ng sinabi kanina, nagiging ”foreshadowing” sa kwento ni Raffy
CABALLERO 17

bilang bagong kasintahan ni Aprilyn. Sa susunod na eksena, nagiging mahalaga ang ”Two Truths,

One Lie” kung saan kinukwento sa isa’t isa ang kanilang kwento. Mahalaga rin ito sa

pagiging ”loving woman” ni Aprilyn kay Raffy na nakakatulong sa naratibo niya. Naging

mahalaga rin si Aprilyn sa pag-uunlad ni Raffy bilang kasintahan niya na nagiging totoo sa

nararamdaman niya. Pagkatapos nito, sa wakas, bumalik sa lugar kung saan umiyak si Aprilyn,

pero dito rin inamin ni Raffy na mahal niya si Aprilyn. Sa kanilang relasyon, habang nahanap ni

Aprilyn ang sarili niya bilang ”loving woman”, nalaman ni Raffy na kayang niyang magmahal ng

totoo.

May mga iba’t ibang karanasan tulad ng pagmamahal muli pagkatapos masaktan, may

pagmamahal muli kahit may pinagdaanan at pagkakaroon ng pag-asa maghanap ng kasintahan.

Mapapansin rin dito na magkakaroon ng masayang wakas. Naging tema ito na sinasabi na may

pag-asa magmahal pagkatapos ng mga suliranin. Mayroon din isang tauhan, mga kababaihan na

naging liwanag para magbago ang mga lalaki. Naging tema ito na naglalarawan na ang babae ay

parang magandang liwanag. Sa aklat ”A Handbook of Critical Approaches to Literature”, tawag

sa konsepto na iyan ay ”the soul mate” kung saan magandang babae ito na naging inspirasyon.

Pag-asa at Pagnanais: Ano yung Inaasahan ng mga Pilipino?

Sa paggamit ng mga tauhan, may mga sitwasyon at uri ng mga tauhan naging repleksyon

ng mga karansang Pilipino. Pinapakinggan ng mga tauhan sa pelikula ang subhetibidad ng mga

masang Pilipino. Naging mahalaga ang mga temang o karanasan tulad ng pagpunta sa ibang bansa

para sa mas magandang trabaho at pagtrabaho para sa mas magandang kinabukasan.


CABALLERO 18

Pinapakinggan ng mga pelikula ang mga isyu ng mga masa o kahit yung gitnang uri na may

pangarap para sa sarili o sa pamilya. Mahalaga rin ito sa pagtatanggap ng pagmamahal o sa

pagmamahal sa iba. Bukod dito, makikita sa mga relasyon at mga dinamika kung paano

nakakatulong ng mga kasintahan sa kanilang problema. Makikita rin na mahalaga ang mga

personalidad (tulad ng nakita sa mga arketipo na napansin sa mga relasyon) sa pag-uunlad ng

relasyonat pagmamahal. Nagbubuo ito ng larawan na, kahit may nararanasan na problema, may

tao na tutulong. Bukod sa subhetibidad ng mga masa na napapakinggan ng mga pelikula, nakikita

rin ang pagkakaiba ng pag-iisip tungkol sa mga babae at lalaki. Binubuo ang pag-iisip na may mga

babae para sa lalaki na magdadala ng liwanag, habang may mga lalaki na magdadala ng pag-aruga

at pagprotekta para sa mga babae. Nakikita rin ang pagkaroon ng pag-asa sa wakas dahil

nagpapakita ng pagkakaintindi sa isa’t isa. Sa buong sanaysay, makikita na ginagamit ng mga

pelikula ang mga larawan ng mga karanasan ng masang Pilipino, pero nagpapakita pa rin ang pag-

asa sa pamamagitan ng mga tauhan at masasayang wakas na magkaroon ng pag-asa muli.


CABALLERO 19

Talasanggunian:

Allen, Richard. “Psychoanalytic Film Theory.” A Companion to Film Theory, Dec. 2007, pp. 123–

145., https://doi.org/10.1002/9780470998410.ch8.

Banaag, Myrien Eulah Kezia G., et al. “The Influence of Media on Young People’s Attitudes

towards Their Love and Beliefs on Romantic and Realistic Relationships.” International

Journal of Academic Research in Psychology, vol. 1, no. 2, Lyceum of the Philippines

University-Batangas, Philippines, July 2014, pp. 7–16.,

https://research.lpubatangas.edu.ph/wp-content/uploads/2014/07/IJARP-The-Influence-

of-Media.pdf.

Britannica, The Editors of Encyclopaedia. "archetype". Encyclopedia Britannica, 22 Sep. 2011,

https://www.britannica.com/topic/archetype. Accessed 7 April 2022.

Britannica, The Editors of Encyclopaedia. "psychoanalysis". Encyclopedia Britannica, 28 May.

2020, https://www.britannica.com/science/psychoanalysis. Accessed 7 April 2022.

Guerin, Wilfred L., et. Al. “Mythological and Archetypal Approaches”. A Handbook of Critical

Approaches to Literature, Oxford University Press, 2005, pp. 182-191.

Guzie, Tad and Guzie, Noreen Monroe. “Masculine and Feminine Archetypes:

A Complement to the Psychological Types .” Journal of Psychological Type, vol. 7,

University of Calgary, 1984, pp. 1-11,

https://www.capt.org/jpt/pdfFiles/Guzie_T_and_Guzie_N_Vol_7_3_11.pdf.
CABALLERO 20

Jonas, J.J. and Pearson, Carol S., PhD. The Twelve Archetypes. CASA: Center for Archetypal

Studies and Applications,

https://www.uiltexas.org/files/capitalconference/Twelve_Character_Archetypes.pdf.

“Mise-En-Scene.” Central Connecticut State University, Central Connecticut State University,

https://www.ccsu.edu/cinemastudies/basicprinciples/mise-en-scene.html.

Parks, George A., PhD. The Union of the Woman and the Man: A Jungian Model of Love Between

the Sexes. Compassionate Pragmatism. January 1995, pp. 1-13.

https://www.researchgate.net/publication/259289455_The_Union_of_the_Woman_and_th

e_Man_A_Jungian_Model_of_Love_Between_the_Sexes.

Portillo-Corodeanu, Samantha. Attracting an Audience for Love: AlDub and Filipino Millenials.

2016. Goldsmiths, University of London. Master’s Thesis. Academia Edu,

https://www.academia.edu/32868785/Attracting_an_Audience_for_Love_AlDub_and_Fi

lipino_Millennials

Teodoro, Elizabeth Fátima, et al. “Psychoanalysis and Cinema: Application of Film Analysis for

Learning the Concept of the Unconscious.” Psicologia USP, vol. 32, Universidade do

Estado de Minas Gerais, Divinópolis, Minas Gerais, Brazil, 23 July 2021, pp. 1–10.,

https://doi.org/http://dx.doi.org/10.1590/0103-6564e180141. URL:

https://www.scielo.br/j/pusp/a/tNB6JcfkbZJYDK9Y8gL7GXm/?format=pdf&lang=en

Vaismoradi, Mojtaba, et al. “Content Analysis and Thematic Analysis: Implications for

Conducting a Qualitative Descriptive Study.” Nursing & Health Sciences, vol. 15, no. 3, 11

Mar. 2013, pp. 398–405., https://doi.org/https://doi.org/10.1111/nhs.12048.


CABALLERO 21

Mga Pelikula (Netflix)

Finally Found Someone. Directed by Theodore Boborol, performances by John Lloyd Cruz and

Sarah Geronimo, ABS-CBN Film Productions and Viva Films, 2017.

My Ex and Whys. Directed by Cathy Garcia-Molina, performances by Enrique Gil and Liza

Soberano, ABS-CBN Film Productions, 2017.

Never Not Love You. Directed by Antoinette Jadaone, performances by James Reid and Nadine

Lustre, Viva Films and Project 8 Corner San Joaquin Projects. 2018

You might also like