You are on page 1of 2

Name: Venice P.

Belandres Filipinohiya

BSIT
Panimulang Gawain

Batay sa iyong mga dating pinag-aralan, magbigay ng mga halimbawa ng impluwensya ng mga
dayuhan sa Kulturang Filipino. Magbigay rin ng isang Maikling paliwanag hingil sa nakikitamong
pangkalahatang epekto.

1. Relihiyon
Katulad ng natalakay, ang mga Espanyol ay inimpluwensyahan ang mga Pilipino nung dating
panahon sa pamamagitan ng Katolisismo. Ang mga Pilipino noon ay naniniwala narin sa mga
ibat-ibang uri ng Diyos katulad na nga ni Bathala. At hangang ngayon makikita parin ang
malaking epekto ng Katolisismo sa ating bansa na ang pinaka maimpluwensyang relihiyon sa
kasalukuyan.

2. Wika
Ang wikang Filipino na kasalukuyang wika na ginagamit natin ay hindi purong Tagalog, ito ay
may mga salitang hiram tulad ng mga iba’t-ibang Ingles at Espanyol na maririning na laging
ginagamit ng mga Pilipino. Ngunit di tulad ng Ingles ang Wikang Espanyol ay di na masyadong
maririning sa panahon ngayon dahil narin siguro sa kadahilanang nag aklas ang mga dating
Pilipino kontra sa Espanyol sa pamumuno ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

3. Pananamit
Ang pananamit sa Asya sa kabuuan ay masasabi mas konserbatibo kaysa ibang bansa, pagdating
sa Pilipinas ang pinaka-karaniwang formal na kasuotan na makikita ay baro’t saya at barong
ngunit ito ay nagsimulang maungusan nang pananamit ng mga tiga-kanluran mas mapapansin
ang pagbabago ng pananamit ng kalalakihan kaysa sa kababaihan nuong araw, ngunit sa
kasalukuyan patuloy ang mabilis na pagbabago ng ating mga kasuotan na lahat ay hango sa ibat-
ibang bansa.

4. Edukasyon
Isa ang edukasyon sa binago ng mga dayuhan sa Pilipinas, dati ang kaisipan ng mga Filipino ay
ang kalalakihan lamang ang may karapatan makapag-aral at ang kababaihan ay mananatili sa
kanilang mga tahanan ngunit ngayon ito ay naging pantay dahil sa mga Amerkano, Nagtatag ang
mga Amerkano sa ating bansa ng mga pampublikong paaralan na pinamumunuan ng mga
Amerikanong Guro, sila ay nagturo ng Ingles na wika at iba naring kaalaman sa mga Filipino na
hangang ngayon ay naituturo parin sa mga kabataan.

5. Panitikan
Ang panitikan dati ay mas nakatutok sa relihiyon dahil sa mga Kastila, nabago ito ng dahil kay
Dr. Jose Rizal, ang naging pangunahing paksa ng mga panitikan ay naging ukol sa himagsikan at
pagkatapos nabago uli ito dahil sa mga Hapon at Amerikanong dumating. At sa kasalukuyan ang
panitikan ay may malaking impluwensya nang mag tiga kanluran at may iba’t-ibang genre.
Name: Venice P. Belandres Filipinohiya

BSIT

6. Pamahalaan
Dahil sa mga dayuhan na sumakop sa Pilipinas. Nabigyan ng ideya ang mga Filipino na gumawa
ng sariling sistema ng pamamahala at politika, sa pamamagitan nito nagkaroon na opisyal na
namumuno sa ating bansa na ihahayag rin ang mga opinion ng mga mamayan sa pagpili nang
kanilang lider sa pamamagitan ng pagboto, at hangang ngayon ginagawa parin ang sistemang ito
sa ating panahon.

7. Produkto
Sa pagdating ng mga dayuhan sa ating bansa noong unang panahon na naipakilala sa satin ang
pakikipagkalakalan o barter, ang palitan nang produkto sa ibat-ibang bansa kapalit ng iba pang
produkto ay naging talamak noon. At nang tayo ay nasakop ng ibat-ibang bansa ang kanilang
produkto ang mas ginamit at tinangkilik dito sa ating bansa at hangang ngayon ito ay makikita
parin.

8. Pagkakakilanlan
Dahil sa matagal na pagsakop ng mga dayuhan sa ating bansa nagkaroon ng ibang pagtingin ang
mga Pilipino kung ano ba ang ating pagkakakilanlan. marami satin sinusundan ang mga asal at
uagali ng mga dayuhan, ang iba ginagaya pa ang ka nilang kasuotan At umabot pa ito hangang sa
ating kulay ng balat. Naging Malaki ang epekto nito dahil marami satin ngayon ay inisip na kung
ikaw ay mas kaputian ikaw ay mas maganda at hindi nila tangap ang kanilang sariling kulay na
kayumangi na ang tatak ng pagiging Pilipino. Kung magpapatuloy ang ganitong kaisipan
makakalimutan na ng mga Pilipino ang Kanilang sariling Pagkakakilanlan pag sila’y patuloy
sumunod sa yapak ng mga dayuhan.

You might also like