You are on page 1of 13

PANG-ABAY

Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na Pamanahon
-nagsasaad kung kailan ginanap,
ginaganap o gaganapin ang pangyayari o
kilos. Maaaring may pananda, walang
pananda, nagsasaad ng dalas.
1. May Pananda
-nang, sa, noon,
kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa, hanggang
Mga Halimbawa:
1. Kung ngayon na lalabas ang resulta ng pagsusulit,
sigurado akong malalaman na natin ang ating mga
marka.
2. Kailangan na mag-ehersisyo tuwing umaga para
magkaroon ng maayos na pangangatawan.
3. Palagi na lamang nakikita ng mga tao ang babaeng
iyan sa tanghali.
4. Noong araw na iyon ay nawala ang aking gamit.
Mga Halimbawa:
5. Kapag araw ng linggo namamasyal kami ng Tatay
ko.
6. Mula noon ay hindi na ako nagkaroon ng
pagkakataon na makausap siya.
7. Umpisa kahapon hanggang ikapitong araw ay
walang pagod niyang nilakbay ang daan patungo sa
kabayanan.
2. Walang Pananda
-kahapon, kanina,
ngayon, mamaya, bukas at iba pa.
Mga Halimbawa:
1. Kahapon ay nakipag-usap ako sa aking mga
kaibigan.
2. Hindi na ako nakapagpigil pa kaya nagkaroon kami
ng away kanina.
3. Ngayon darating ang mga bisita para sa
pagdiriwang bukas.
4. Mamaya na lamang kukunin ng babae ang
pasalubong na dala ng kaniyang asawa.
5. Walang mangyayaring pasulit bukas.
3. Nagsasaad ng dalas
-araw-araw, taon-
taon, buwan-buwan
Mga Halimbawa:
1. Ang mga tao ay araw-araw na pumupunta sa
palengke para bumili ng pagkain.
2. Namamasyal kami sa Baguio taon-taon.
3. Buwan-buwan ay dumadalaw kami sa puntod ng
aking lola.
4. Palagi kang nasa isip ko minu-minuto.
A. Panuto: Isulat ang mga pang-abay na pamanahon at
pananda sa loob ng pangungusap.Isulat sa patlang ang uri ng
pang-abay na pamanahon.

__________1. Kung bukas mo ibibigay sa akin, hindi ko na


magagamit.
__________2. Umpisa ngayon hanggang bukas hindi na kita
kakausapin.
__________3. Kailangang pumasok sa trabaho tuwing
sabado.
__________4. Mula noon hindi na siya nakita sa aming lugar.
__________5. Ayaw niyang magpahinga sa umaga dahil
marami siyang trabaho.
__________1. Kapag araw ng sabado, nasa palaruan
kami ng aking kapatid.
__________2. Noong araw, ayaw kong mag-aral
ngunit ngayon ay nagsisikap na ako.
__________3. Kahapon siya umalis sa aming bahay.
__________4. Kumain siya kanina ng masarap na
ulam.
__________5. Ngayon ipapadala ang mga aklat na
galing sa munisipyo.
__________6. Mamaya na lamang kita tuturuan sa
ating takdang-aralin.
__________7. Naliligo ako araw-araw.
__________8. Nagdiriwang kami ng kapaskuhan
taon-taon.
__________9. Buwan-buwan ay pumunta kami sa
aming bukid.
__________10. Kailangan nating huminga segu-
Segundo.
B. Gumawa ng tig tatlong pangungusap sa bawat uri
ng pang-abay na pamanahon. Bilugan ang pandiwa,
pang-abay na panahon at pananda.

You might also like