You are on page 1of 46

Filipino Grade 4

Wk 8 Day 2
Wastong gamit ng pang-
abay sa paglalarawan
ng kilos
Pang-abay na
Pamanahon)
Nagagamit nang wasto ang
pang-abay sa paglalarawan
ng kilos (Pang-abay na
Pamanahon
F4WG-IIh-j-6
A. Ano ang pang-abay?
B. Ano ang Pang-abay na
pamaraan?
C. Salungguhitan ang pang-abay na
pamaraang ginamit sa pangungusap

1. Mahirap
kumilos kapag
malamig ang
panahon.
2. Pabulong
niyang sinagot
ang tanong ng
nanay.
3. Kami ay dali-
daling lumabas
ng silid-aralan.
4. Marahan
akong naglakad
dahil natutulog
ang lolo.
5. Ang aking
sapatos ay
maingat kong
inilagay sa
kahon.
Ang isang mabuting
batang Pilipino ay
marunong sumunod sa
mga tuntunin sa bahay
man o sa paaralan.
Ikaw bata, masusunod
mo kaya ang mga
tuntuning ito?
 1.Pumasok nang maaga
upang hindi tayo mahuli sa
paaralan.
 2.Agad ding umuwi
pagkatapos ng klase upang
makatulong sa mga
gawaing-bahay.
 Maging responsible ka at
gumawa ng takdang-aralin
araw-araw.
Sagutin ang mga tanong:
Sagutin ang mga tanong:
 Kailan dapat pumasok upang
hindi mahuli sa paaralan?
 Kailan dapat umuwi mula sa
paaralan upang makatulong sa
mga gawaing
 Kailan daw dapat gumawa ng
takdang-aralin ang isang
responsableng bata?
Alam mo ba kung ano ang
tawag sa mga salitang
sumasagot kung kailan
ginawa ang kilos ng
pandiwa? Ang mga ito ay
tinatawag na pang-abay na
pamanahon.
Pamanahon- mga pang-abay
ng sumasagot sa tanong na
kailan.
 Nagsasabi ito ng panahon
kung kailan ginawa ang kilos
ng pandiwa.
Halimbawa: Pumapasok tayo
sa paaralan mula Lunes
hanggang Biyernes.
 Sa gabi,naman tayo
nagpapahinga.
 Ang mga pang-abay na
pamanahong may
salungguhit tulad ng
mula Lunes hanggang
Biyernes at sa gabi ay
nagsasabi kung kailan
ginawa ang kilos ng mga
pandiwa.
Mga
Pagsasanay
Panuto: Kahunan ang
pang-abay na pamanahon
sa bawat pangungusap.
1.Ikaanim pa
lamang ng
umaga nang
magising ang
aming pamilya.
2.Tuwing
Sabado,
naglilinis kami
ng aming
tahanan.
3.Maaga pa’y makikita na
kaming abala sa
pagwawalis ng bakuran.
4.Maya-maya pa’y isinunod
namin ang paglilinis ng
mga kuwarto sa tahanan.
5.Habang naglilinis kaming
magkakapatid ay namalengke
naman si nanay at dumating
dakong ikawalo ng umaga.
Pangkatang
Gawain
Pangkat I - MADALI LANG ‘YAN
Panuto: Piliin ang pang-abay na
pamanahong nararapat gamitin
sa sitwasyong nakalahad. Isulat
ang sagot sa patlang
1._____ kumakain ng
almusal ang pamilya.
(Tuwing umaga,
Tuwing tanghali,
Tuwing gabi)
2. ____ kami
kumakain ng
tanghalian.
( Tuwing umaga,
Tuwing tanghali,
Tuwing gabi)
3._______ naman
kumakain ng
hapunan. (Tuwing
umaga, Tuwing
tanghali, Tuwing
gabi)
4._____nagaganap
ang bukang-
liwayway. (Sa
umaga, Sa tanghali,
Sa gabi)
5.____nagaganap
ang paglubog ng
araw. (Sa
umaga, Sa
tanghali, sa
gabi)
Pangkat II - GAMITIN MO
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga
sumusunod pang-abay na pamanahon.
1.Araw-araw
2.Sa tag-init
3.Tuwing Sabado
4.Sa hapon
5.Sa susunod na taon
Pangkat III- HANAPIN MO
Panuto: Hanapin at ikahon ang
pang-abay na pamanahong ginamit sa
pangungusap.
1.Nagluto si Nanay ng
masarap na
pananghalian at
pinagsaluhan nila ito
sa ganap na
ikalabindalawa ng
tanghali.
2.Sa hapon nagpapahinga
ang mag-anak.
3.Sa gabi nagkukwentuhan
ang ang mag-anak.
4.Maagang nagsitulog ang
lahat.
5.Alam kasi nilang sisimba
sila kinabukasan.
Dyad
Kumuha ng kapareha at
magtanungan gamit ang tanong na
kailan. Ang bawat tanong ay
sasagutin ng kapareha sa buong
pangungusap.
Hal: Kailan ka ipinanganak?
Gawain:
Sagutin ng buong katapatan ang
mga tanong:
1.Ano ang iyong ginagawa sa
tahanan tuwing Sabado?
2.Ano ang makabuluhang nagagawa
mo sa hapon pagkatapos ng pasok
mo sa paaralan?
Paglalahat
ng aralin
Ang Pang-abay na
Pamanahon ay mga pang-
abay na sumasagot sa
tanong na kailan. Nagsasabi
ito ng panahon kung kailan
ginawa ang kilos ng pandiwa.
Pagtataya
ng Aralin
Panuto: Piliin ang pang-abay na pamanahong
nararapat gamitin sa mga sitwasyon nakalahad.
Isulat ang sagot sa patlang.
1.______ namamalas ang
kagandahan ng buwan at
mga bituin.
( Sa umaga, Sa tanghali,
Sa gabi)
2. Ang napakagandang
pagsikat ng araw ay
makikita ________. ( sa
umaga, sa tanghali, sa
gabi)
3. Ang pinakamatinding
sikat ng araw ay
nararamdaman ______.
(sa umaga, sa tanghali,
sa gabi)
4. ____nagsisismula ang
pagpasok ng mga mag-
aaral sa paaralan.
( Sa Lunes, Sa Biyernes,
Sa Sabado)
5. Ang klase sa loob ng
isang linggo ay
magtatapos ______
(sa Lunes, Sa Biyernes,
Sa Sabado)
Karagdagang
Gawain
Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mga
sumusunod:

1.Noong Bagong Taon


2.Sa isang linggo
3.Sa susunod na buwan
4.Kahapon
Maraming salamat
sa inyong pakikinig

You might also like