FILIPINO Quarter2 WK 9 Day 3

You might also like

You are on page 1of 26

Filipino Grade 4

Wk 9 Day 3

Pagsulat ng
SARILING
TALAMBUHAY y

Nakasusulat ng
sariling talambuhay
F4PU-IIe-g-2.1
Ano ang mga dapat
tandaan sa pagbibigay ng
panuto?
Ano kayang salita ang mabubuo
buhat sa mga letrang jumbled?

A T L A B M U H A Y

Ano ang talambuhay?


Tandaang sa pagsulat ng talambuhay ay para ka
lamang nagkukuwento ng tungkol sa iyong sarili.
Pakinggan ang isang talambuhay at sagutin ang mga
tanong tungkol dito.
Pangarap na Buhay
Ako si Cyrus Gonzales , anak nina
Ginoo at Ginang Ipe at Maria Fe
Gonzales. Nakatira ako sa Pob.2, Victoria ,
Oriental Mindoro. May apat akong mga
kapatid, sina Ate Aiz, Kuya Bien, Ate
Camille at Ate Ahyane, na pawang
mababait.
Isa akong mahiyaing bata noon at
laging nasa kuwarto lalo na kung
may bisita sa amin. Mabait naman
ako at mahilig ding makipaglaro sa
aking mga kaibigan. Laging
napapasama sa list of honors.
Natapos ko ang hayskul na may
karangalan.
Noong naging hayskul na ako sa
Good Shepherd Academy, hindi na
ako mahiyain. Utay- utay nang
nabubuo ang aking pangarap sa
buhay na maging isang doktor. Nag-
aral ako nang mabuti kaya laging
napapasama sa list of honors.
Natapos ko ang hayskul na may
karangalan.
Noong nasa kolehiyo na ako, iniwasan
kong sumama sa mga barkada. Inisip ko
kasi ang buhay namin na hindi naman
kami mayaman. Bagkus ay lalo kong
pinagbuti ang aking pag-aaral hangga sa
makagradweyt ako sa kursong Medtech
sa Far Eastern University, Manila.
Kumuha ako ng pagsusulit at ako’y
pinalad na makapasa at naging
lisensyanong Medical Technologist.
Naisip kong magtrabaho sa laboratoryo
ng Oriental Mindoro Provincial
Hospital. Tagakuha ng dugo ng mga
pasyente para i-test, tagakuha ng blood
pressure, at marami pang iba. Isang
taon akong naglingkod sa pagamutang
ito at naisipan kong pumasok uli at
kumuha ng kursong medisina.
Pinagtiyagaan akong papasukin
ng aking mga magulang. Sa San
Beda School of Medicine, Manila
ako nag-aral. Pinagtiyagaan ko ang
kursong ito kahit mahirap at sa
awa ng Diyos, matagumpay kong
natapos ang kursong ito sa loob ng
apat na taon.
4.Saan siya nakatira?
5.Sino-sino ang kanyang mga
kapatid?
6.Saan-saang mga paaralan siya
nag-aral?
7.Ano-anong mga kurso ang
natapos niya?
Punuan ang mga patlang ng mga impormasyon tungkol sa iyong sarili .

Punuan ang mga patlang ng mga impormasyon tungkol sa iyong sarili.


Panuto:sumulat ng maikling
talambuhay tungkol sa iyong
ama, ina o kapatid .Gawin
ito sa malinis na papel
BAKIT MAHALAGA
ANG TALAMBUHAY?
Tandaang sa pagsulat ng
talambuhay ay para ka
lamang nagkukuwento ng
tungkol sa iyong sarili.
Pagtataya
ng Aralin
Panuto: Isulat ang sariling talambuhay. Itala ang mkahahalagang
datos o impormasyon tungkol sa iyong sarili. Sundin ang format.

Pangalan:____________________

Petsa at lugar ng kapanganakan?_____

Pangalan ng mga Magulang: _________

Pang-ilan sa Magkakapatid: _______


Karagdagang
Gawain
Mag-interview sa iyong
kakilala at isulat ang kanilang
talambuhay. Gamitin ang
format na nasa Pagtataya.
Maraming salamat
sa inyong pakikinig

You might also like