You are on page 1of 39

Filipino Grade 4

Wk 8 Day 2

Wastong gamit ng pang-abay


sa paglalarawan ng kilos

(Pang-abay na
Panlunan)
Nagagamit nang wasto ang
pang-abay sa paglalarawan
ng kilos (Pang-abay na
Panlunan)F4WG-IIh-j-6
A. Ano ang pang-abay?
B. Ano ang Pang-abay na
pamanahon?
Salungguhitan ang pang-abay na
pamanahong ginamit sa pangungusap
1. Bibili ako ng bagong
sapatos bukas.
2. Nakita ko siya sa palengke
noong Linggo.
3. Namamasyal kami sa plasa ng
Victoria tuwing hapon.
4.Maagang naglalakad patungo
sa bukid si Tatay.
5.Mamaya na darating ang order
ko sa Shoppee.
Basahin ang maikling talata/kuwento
Nahulog sa balon ang dalawa sa
aking kaibigan. Tumakbo kami sa
bayan upang tumawag ng tulong
subalit wala ring nagawa ang aming
mga kasamahan. Buti na lang at
hindi sumuko si Linong Palaka. Sa
katatalon niya’y sumabit siya sa bato
kaya siya nakaligtas.
Sagutin ang mga tanong:
· Saan nahulog ang dalawang
palaka?
· Saan tumawag ng tulong ang mga
kaibigan nilang palaka?
Saan sumabit si Linong Palaka?
Ang mga isinagot ninyo sa mga
tanong ay mga pang-abay pa rin.
Ang mga ito’y tumutukoy sa lugar
o lunan kung saan nangyari ang
kilos ng pandiwa kaya ang mga
ito’y tinatawag na pang-abay na
panlunan.
Ang pang-abay na panlunan ay
sumasagot sa tanong na SAAN.
Halimbawa: Masayang naglaro
sa bukid ang mga palaka
pagkatapos ng ulan.
Dinala nila sa bayan ang
nakaligtas nilang kaibigan.
Ang mga pang-abay na
panlunang sa bukid, at sa bayan
ay nagsasabi kung saan ginawa
ang kilos ng pandiwang naglaro
at dinala).
Mga
Pagsasanay
Panuto: Kahunan ang
pang-abay na panlunan sa
bawat pangungusap.
1.Sa tahanan nagsisimulang
mangarap ang mga bata ng
kanilang gagawin paglaki
nila.
2. Sa paaralan
naman sila
nasasanay sa
pagsasagawa ng
mga pangarap
na ito.
3. Pagpunta nila sa
computer room ay mas
marami pa silang
natututunan.
4. Pinagtitibay ng guro ang
mga kaalamang ito sa silid-
aralan.
5.Sa mga pabrika nabubuo
ang naggagandahang
kagamitang bunga ng
malikhaing isipan.
Pangkatang
Gawain
Pangkat I - MADALI LANG ‘YAN
Panuto: Piliin ang pang-abay na
panlunang nararapat gamitin sa
sitwasyong nakalahad. Isulat
ang sagot sa patlang
1.Sama-samang
kumakain ng almusal
ang mag-anak sa
_____________
(silid -kainan, Silid
tulugan,silid -aralan)
2.Masayang
masaya ang mga
bata sa _______.
(palengke,paaralan
,palaruan)
3.Si Nanay at bunso ay namili ng
maraming pagkain sa __________
(sinehan,supermarket,simbahan).
4.Ang pagsikat ng araw ay
natatanaw sa (paanan,ibabaw,
dulo) ng kabundudukan.
5.Ang paglubog ng araw ay isang
magandang tanawing nakikita
sa_________(Silangan,Kanluran,Timog)
Pangkat II - GAMITIN MO
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga
sumusunod pang-abay na panlunan.
1.ibabaw ng kabinet
2.itaas ng puno
3.loob ng kahon
4.paaralan
5.simbahan
Pangkat III- HANAPIN MO
Panuto: Hanapin at ikahon
ang pang-abay na panlunan
na ginamit sa pangungusap.
1.Si nanay ay
nagluluto ng
masarap na
pananghalian
sa kusina.
2.Sama-samang
nagpapahinga sa loob ng
tahanan ang mag-anak.
3.Masayang nagkukwentuhan
ang mag-anak sa sala ng
kanilang tahanan.
4.Mahimbing na natutulog sa
kanilang silid ang
magkapatid.
5.Nagpunta sila sa
simbahan kinabukasan.
Dyad
Kumuha ng kapareha at
magtanungan gamit ang tanong na
Saan. Ang bawat tanong ay
sasagutin ng kapareha sa buong
pangungusap.
Hal: Saan ka nag-aaral?
Gawain:
Sagutin ng buong katapatan ang
mga tanong:
1.Saan ka pumupunta tuwing Lunes
at Biyernes?_____
2.Saan mo makikita ang mag-anak
kapag araw ng Linggo?_____
3. Saan ka nagpunta noong Bagong
Taon?______
Paglalahat
ng aralin
Ang Pang-abay na Panlunan
ay mga pang-abay na
sumasagot sa tanong na
saan. Nagsasabi ito ng lugar
o lunan kung saan ginawa
ang kilos.
Pagtataya
ng Aralin
Panuto: Ikahon ang pang-abay na
panlunang ginamit sa pangungusap.
1.Ang buwan at mga
bituin ay magandang
tanawin sa kalangitan.
2. Tumakbo sa bukid ang
nakaalpas na kalabaw.
3.Nakita ko sa ilalim ng
puno ang dalawang tuta
na alaga ni Kuya.
4.Natakpan sa asul na
kahon ang maliit na
sisiw.
5.Nasa ibabaw ng
refregerator ang regalo
ko sa iyo.
Karagdagang
Gawain

Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang
mga sumusunod:
1.sa likod bahay
2.sa itaas ng puno
3.sa harap ng bahay
4.sa gitna ng kalye
5.sa tabing kalsada
Maraming salamat
sa inyong pakikinig

You might also like