You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

1
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
PLACIDO DEL MUNDO ELEMENTARY SCHOOL
MAPEH
Ikatlong Markahan – Worksheet - Linggo 1
Pangalan:__________________________________ Seksyon:__________________
Petsa:_____________________________________ Marka: ___________________
MUSIC 1
MELC: Relates the source of sound with different body movements. e.g.
wind,wave,swaying of the trees,animal sounds or sounds produced by man-made devices or
machines. MU1TB-IIIa-1
Tandaan: Sa araling ito, malalaman mo ang mga pinagmumulan ng tunog. Makagagawa ka rin ng sarili
mong tunog gamit ang iyong katawan, kapaligiran, o mga bagay na gawa ng tao. Ang kapaligiran ay
nagbibigay ng mga likas natunog. Marami tayong maaaring madinig na hindi gawa ng tao, tulad ng hangin,
tubig, at mga hayop. Hindi man natin nakikita ang hangin, nadirinig natin ang malakas na ihip nito. Ang mga
puno ay hindi nakapagsasalita, ngunit nakalilikha sila ng tunog sa paggalaw ng mga sanga at dahon. Ang
pagpatak at pag-agos ng tubig ay nakagiginhawa namang pakinggan.

Gawain 1
Panuto: Isulat kung ito ba ay tunog ay mula kalikasan, hayop, bagay o tao sa patlang.
_______________1.Alon
_______________2.Ugong ng sasakyan
_______________3.Kulog
_______________4.Pagpalakpak ng malakas
_______________5. Pagtalon ng dalawang paa

Gawain 2
Panuto: Basahin at gumuhit ng masayang mukha kung ang tunog ng larawan ay kaaya-
ayang pakinggan. Gumuhit naman ng malungkot na mukha kung ang tunog ng larawan ay
maaaring masakit sa tainga.

1.Nabasag napinggan 4. Pakikinig ng paborito mong awit

2.Huni ng kampana 5. Huni ng ibon

3.Alon dagat o dalampasigan

ARTS -Week I
Pagtatak o Pagguhit
MELC : :Differentiates between a print and a drawing or painting
(A1EL-IIIa )
May iba’t ibang paraan ng paglikha ng isang larawan. Maaari kang
gumuhit gamit ang lapis at papel upang bumuo ng iba’t ibang hugis. Ang
lapis ay nag-iiwan ng marka sa papel upang maiguhit ang nais mong
larawan. Maaari mo rin itong kulayan gamit ang pangkulay tulad ng
pintura. Ang tawag dito ay pagpipinta.
Masdan ang mga larawan sa ibaba. Alin kaya rito ang larawang iginuhit
ng kamay? Alin naman ang larawang gawa ng ibang bagay?

Mayroon ding mga larawang nalilikha gamit ang iba’t ibang bagay tulad ng kahoy,
goma, prutas, o maging ang iyong mga daliri. Lalagyan ito ng tinta o pangkulay at ilalapat sa
papel, tela, o pader upang mag-iwan ng kulay o marka. Ang tawag rito ay pagtatatak.

Pagsasanay 1: Lagyan ng tsek kung ang bagay ay nakalilikha ng guhit, marka, o


larawan sa isang papel. Lagyan naman ng ekis kung ito ay hindi. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Pagsasanay 2: Iguhit ang larawan sa ibaba gamit ang lapis at papel.

PE 1 Q3 W1
MELC: Demonstrate the difference between slow and fast, heavy and light, free and bound
movements. PE18M-IIIa-b-8

Naaalala mo ba kung gaano ka kasaya kapag naglalaro?


Naisip mo ba na maging isang diwata, superhero,alagang hayop, bulaklak,
paruparo,eroplano, makina, at iba pang nilikha dahil sa iyong malikhaing imahinasyon?
Tandaan:
Nakagagalaw tayo nang mabagal, mabilis, at naipapakita ang magaan, mabigat na galaw sa
pagsasagawa ng kilos na may hawak.

Pagsasanay 1:Panuto: Lumikha ng galaw na nagsasakilos ng sumusunod.Gumalaw


nang mabagal o mabilis, galaw na nagpapakita na may magaan o mabigat na dala sa
isang maluwag o masikip na espasyo.Gawin ito sa tulong ng magulang/taga-gabay.
1. Pagtatayo ng bahay
2. Pagpapalipad ng saranggola
3. Paglalakbay sa kalawakan
4. Paglalakad na may dala-dalang mabigat na bagay
5. Paggapang tulad ng suso

Gaano mo kahusay na naisagawa ang Gawain?Iguhit o ilarawan ang iyong


damdamin sa loob ng kahon.

Pagsasanay 2:
Panuto: Isulat sa patlang kung ang galaw ay mabagal, mabilis, magaan o
mabigat.

1. 2. 3. 4.

HEALTH 1-Week1
MELC: Describes the characteristics of a healthful home
environment.
Isa sa pinakamahalaga nating pangangailangan ay tirahan. Ito ay
nagsisilbing proteksyon natin laban sa init o lamig. Nagsisilbi rin itong
pahingahan pagkatapos ng mahabang oras ng trabaho o pag-aaral. Ang mga
katangian ng isang malusog na tahanan ay ligtas, malisnis at malusog.
Pagsasanay 1: Iguhit ang kung ito ay nagpapakita ng isang
malusog na tahanan at kung hindi.
____1.kusina na puno ng pinagkainan
____2.tahanan na may mayos at malinis na mga silid
____3.tahanan na may mga ipis at daga sa paligid
____4.silid-tulugan na may nakakalat na mga papel, lapis at mga laruan.
____5.tahanan na ang mga miyembro ng pamilya ay masisigla
Pagsasanay 2: Lagyan ng (/) kung ito ay dapat gawin upang maging
ligtas, malusog at malinis ang silid-tulugan, (X) kung hindi.
_____1. Isaayos ang mga damit sa kabinet.
_____2. Pulutin ang mga kalat. Itapon ito sa tamang lagayan.
_____3. Panatilihin ang mga kalat sa mesa.
_____4. Alisin ang mga bagay na hindi kailangan.
_____5. Ilagay ang mga kasangkapan sa tamang lugar.
Pagsasanay 3: Pagmasdan ang loob ng inyong bahay. Lagyan ng
ang maaari mong gawin upang maging malusog ang inyong tahanan.
_____1. Paghuhugas ng pinggan
_____2. Pag-aayos ng mga damit sa cabinet
_____3. Pagpupulot at pagwawalis ng mga kalat
_____4. Pagpupunas ng alikabok sa mga kagamita
_____5. Pagtatanggal ng agiw

You might also like