You are on page 1of 3

SONSHINE CHRISTIAN LEARNING ACADEMY

Apostadero Street, Macamot Binangonan , Rizal


Module __ sa Araling Panlipunan 2

Pangalan:_________________________________________ Puntos:______

Mga Makasaysayang Lugar sa Aking Komunidad

1.Tirad Pass ( Ilocos Sur )


-sa lugar na ito napatay si Heneral Gregorio del
Pilar.

Gregorio del Pilar


-siya ang pinakabatang heneral noong Panahon ng labanang Pilipino-
Amerikano.

2.Vigan Heritage Village ( Ilocos Sur )


-isinama ang lugar na ito sa “ World Heritage
List “ dahil sa kahalagang Kultural nito.

3.Barasoain Church ( Malolos , Bulacan )


-dito nagkaroon ng kumbensiyon ang Unang
Kongreso ng Pilipinas noong Setyembre 15 ,
1898.

4.Dambana ng Kagitingan ( Mt. Samat , Bataan )


-ito ay palatandaan ng mga namatay na mga
sundalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong
1942.
5.Camp O’ Donnell ( Capas , Tarlac )
-mula sa Bataan , ang mga sumukong sundalong
Pilipino at Amerikano ay pinagmartsa patungong
Capas, Tarlac.Tinawag itong “ Martsa ng
Kamatayan”.

6.Aguinaldo Shrine ( Kawit , Cavite )


-sa balkonahe ng tahanan ni Heneral Emilio
Aguinaldo idineklara ang “Araw ng Kalayaan” ng
Pilipinas noong Hunyo 12 , 1898.

7.Rizal Shrine ( Calamba , Laguna )


-isinilang si Jose Rizal sa “Calamba , Laguna”
noong Hunyo 19, 1861.

8.Rizal Park ( Manila )


-dito binaril si Rizal ng mga Espanyol noong Disyembre 30 , 1896.
I.Saan matatagpuan ang mga makasaysayang lugar? Bilugan ang
tamang sagot.

1.Tirad Pass ( Ilocos Sur , Malolos Bulacan , Capas Tarlac )

2.Vigan Heritage Village ( Cavite , Laguna , Ilocos Sur )

3.Barasoain Church ( Malolos Bulacan , Tarlac , Ilocos Sur )

4.Camp O’ Donnell ( Laguna , Cavite , Capas Tarlac )

5.Aguinaldo Shrine ( Kawit Cavite , Laguna , Bataan )

6.Rizal Shrine ( Bataan , Tarlac , Calamba Laguna )

7.Rizal Park ( Manila , Quezon , Laguna )

II. Isulat ang T kung tama ang pahayag sa bawat bilang at M kung mali.

____8. Si Rizal ng mga Espanyol noong Disyembre 30 , 1896.


____9. Isinilang si Jose Rizal sa “Calamba , Laguna”.
____10.Idineklara ang “Araw ng Kalayaan” ng Pilipinas noong Hunyo 19,1898.
____11.Ang Unang Kongreso ng Pilipinas ay naganap noong Setyembre 15 ,
1898.
____12.Vigan Heritage Village ay kabilang sa “ World Heritage List “ dahil sa
kahalagang Kultural nito.
____13.Gregorio del Pilar ang pinakabatang heneral noong Panahon ng
labanang Pilipino-Amerikano.
____14.Barasoain sa lugar na ito napatay si Heneral Gregorio del Pilar.
____15.Sa balkonahe ng tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo idineklara ang
“Araw ng Kalayaan”

You might also like