You are on page 1of 47

Pagpapasya at

Pagkilos Tungo sa
Pagsasabuhay ng
Kalayaan
LAYUNIN

a. Naipaliliwanag ang tunay na


kahulugan ng kalayaan
b. Natutukoy ang mga pasya at
kilos na tumutugon sa tunay na
gamit ng Kalayaan
c. Nakagagawa ng angkop na kilos
sa pagsasabuhay ng tunay na
Kalayaan
Dahil ako’y iyong
pinalaya handa
akong magbigay ng
pabuya. Bilang
gantimpala ano ang .
gusto mo?
Pera, bahay o kotse?

 Ano ang gantimpalang iyong pipiliin?


Bakit?
 May gusto ka ba nawala sa
pagpipilian? Ano ito at bakit?
MASDAN MABUTI ANG MGA
LARAWAN
Sabihin ang salitang
“MAY KALAYAN” kung
nagpapakita ito ng Kalayaan at
“WALANG KALAYAAN” kung
ito ay nagpapakita ng kawalan
ng Kalayaan.
Pag-aaral
Pag-aaral
MAY KALAYAAN
Kagutuman
Kagutuman
WALANG KALAYAAN
Pag-iinom
Pag-iinom
WALANG KALAYAAN
Pagsunod sa Batas
Pagsunod sa Batas
MAY KALAYAAN
Pakikipag-away
Pakikipag-away
WALANG KALAYAAN
Paninigarilyo
Paninigarilyo
WALANG KALAYAAN
Masayang Pamilya
Masayang Pamilya
MAY KALAYAAN
Maagang Pakikipagrelasyon
Maagang Pakikipagrelasyon
WALANG KALAYAAN
Paggawa sa gawaing bahay
Paggawa sa gawaing bahay
MAY KALAYAAN
Bayanihan
Bayanihan
MAY KALAYAAN
BAKIT MO NASABING MAY KALAYAAN
SA MGA SUMUSUNOD NA LARAWAN?
BAKIT MO NASABING WALANG
KALAYAAN SA MGA SUMUSUNOD NA
LARAWAN?
ANO ANG
IPINAPAKITA
NITONG
KAHULUGAN NG
KALAYAAN?
TANDAAN
Hindi tunay na malaya ang tao kapag
hindi nya makita ang lampas sa
kaniyang sarili, kapag wala siyang
pakialam sa nakapalibot sa kanya,
kapag wala siyang kakayahang
magmalasakit ng tunay at kapag siya
ay nakakulong lamang sa pansarili
lamang niyang interes.
Ano nga ba ang
Kalayaan?
Ilan sa pakahulugan ng mga tao sa
kalayaan ay ang kawalan ng
mananakop sa bansa, kakayahang
masabi o maipahayag ang gustong
sabihin, pumili ng mamahalin at
magkaroon ng mga bagay na ninanais.
Iniuugnay rin nila rito ang kakayahang
kumilos nang walang nagbabawal,
hindi nakakulong o bilanggo at
nagagawa ang anomang nais nilang
gawin.
KALAYAA
N
Binigyang-kahulugan ni Santo Tomas de
Aquino ang kalayaan bilang
“katangian ng kilos-loob na itakda ng tao
ang kanyang kilos tungo sa kanyang
maaaring hantungan at ang paraan upang
makamit ito”.
Nangangahulugan ito na ikaw ang magdi-
desisyon kung ano ang iyong pipiliin at
paano mo ito gagawin.
Ang kalayaan, sa paningin ng batas
ay taglay ng bawat isa. Isinasaad sa
Konstitusyon ng Pilipinas o
Saligang Batas (1987), Artikulo 3
ang kalayaan bilang bahagi ng
katipunan ng mga karapatan.
Isinasaad dito na hindi dapat alisan ng
kalayaan ang tao tulad ng sa
pananalita o pagpapahayag,
paninirahan, at iba pa.
MGA URI NG KALAYAAN

1.Kalayaan ng Isip
Naipapakita ang kalayaan sa pag-iisip sa
paggawa ng mga malayang desisyon.
Ayon kay Clinton Lee Scott, “ang
kalayaan sa pag-iisip ang simula ng
lahat ng kalayaan.” Sa malayang
kaisipan nangsisimula ang paglikha sa
mga napakaraming bagay.
MGA URI NG KALAYAAN
2.Kalayaan ng Damdamin.

Walang sinuman ang maaring magdikta


kung ano ang puwede at hindi pwedeng
maramdaman ng isang tao.
MGA URI NG KALAYAAN
3. Kalayaan ng mga Kilos o Asal.

Malayang pagkilos ng katawan o pag-iisip;


at ang paggawa ng mga bagay na gusto
mong gawin nang walang humahadlang
ayon kina Thomas Hobbes at David
Hume.
ANG KALAYAAN
NG TAO AY
PALAGING MAY
KAKAMBAL NA
PANANAGUTAN
Ang tunay na kalayaan ay
mapanagutan kaya’t
inaasahang ang bawat isa
ay nararapat kumilos at
mag-isip nang may
kabutihan.
 Kung naisaalang-alang mo ang
kabutihang pansarili (personal
good) at ang kabutihang panlahat
(common good).
 Halimbawa, ginagamit mo ang
kalayaan upang malampasan ang
mga balakid sa pag-unlad ng ating
pagkatao.
Kung handa kang harapin ang
anumang kahihinatnan ng iyong
pagpapasya. Ang bawat kilos o
pagpapasya ay may katumbas na
epekto, mabuti man o masama.
Hindi lamang sapat na harapin
ang kahihinatnan ng pasya o kilos
kundi ang gamitin ang kalayaan
upang itama ang anumang
pagkakamali.
ANG TUNAY NA
KAHULUGAN NG
KALAYAAN AY ANG
PAGGAWA NG
KABUTIHAN
Suriin ang mga sumusunod na
sitwasyon.
Ibigay ang iyong magiging
kasagutan o gagawin kung ikaw
ang nasa sitwasyon.
Malaki ang pagkakautang sayo ni
Cassie, sinisingil mo sya ngunit ang
tanging sagot nya lang sayo ay gipit
sya at wala pa syang pambayad.
Kinabukasan nakita mo ang post nya
sa FB na bumili sya ng bagong
bag ,sa sobrang galit mo ay gusto
mo syang ipahiya sa mga naglike ng
post nya. Ano ang iyong gagawin?
Crush na crush mo si Vico, at alam
mong kasintahan nya ang kaibigan
mong si Ivana. Isang araw ay
nagsimulang magchat at magtext
sayo si Vico, hindi nya na raw mahal
si Ivana dahil ikaw na ang itinitibok
ng kahit puso.
Nangako ka sa iyong ina na hindi
muna makikipagrelasyon hangga’t
hindi ka pa nakakatapos ng pag-
aaral. Ano ang iyong gagawin?
Hiniram ng kaibigan mong si
SanGoku ang paborito mong
rubbershoes na pinag-ipunan at
iniregalo sayo ng iyong ama. Nung
nakaraang araw nalaman mong
nasunugan sila SanGoku at walang
natira sa mga gamit nila, kasama
ding nasunog ang rubbershoes mo.
Tinatanong ng iyong tatay kung
bakit hindi nya na nakikita na suot
mo ang rubbershoes. Ano ang
gagawin mo?
Bored na bored ka sa inyong bahay,
nasa trabaho ang mga magulang mo
at nasa palengke naman ang iyong
kapatid.
May nagsend sayo ng link ng spg na
video, kung panunuorin mo ito wala
namang makakakita sayo dahil mag-
isa ka lang . Ano ang iyong
gagawin?
Bumalik na sa normal ang lahat at
nagsimula na din ang Face-to-Face
na klase. Oras ng tanghalian at open
gate ang school, pwede kayong
kumain sa labas, niyayaya ka ng
classmate mong si Zeinab at Cong
na huwag ng bumalik sa school dahil
mag-iinom na lang daw kayo sa
tindahan ni Aling Nena. Ano ang
iyong gagawin?
Sagutin ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 sa
inyong modyul na matatagpuan sa pahina 28.
Mag-isip ng isang bagay na maaari mong gamitin
bilang simbolo ng kalayaan. Iguhit ito sa iyong
kuwaderno. Ipaliwanag kung bakit ito
maihahalintulad sa kalayaan.
Kraytirya:
Nilalaman – 5 Puntos
Pagkamalikhain- 5 Puntos
Kabuuan -10 Puntos

You might also like