Professional Documents
Culture Documents
Heograpiya at
Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Pangalan:
Taon at Pangkat: 8-HOPE
Petsa:
Nilalaman
Modyul 5: Ang Pag-usbong ng mga Unang Kabihasnan sa Daigdig
MGA LAYUNIN:
Panimula at Pagganyak/Hook
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng
Pagdarasal
Espiritu Santo. Amen
Ama namin….
Lunsuran/Engage
Sa nakaraang aralin ay ating tinalakay ang, Ang Pagsisimula ng mga Kabihasnan sa Daigdig (Mula
sa Prehistoriko Hanggang 1000 BCE), ngayon naman ay ating tatalakayin ang Kahulugan ng
1
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON
Sibilisasyon at Kabihasnan. Buksan mo ang iyong aklat sa pahina 94-96 at ating simulang tuklasin ang
kabihasnan.
Nagmula ang terminong civilization (salin sa Filipino ay sibilisasyon) sa salitang Latin na civitas na ang ibig
sabihin ay siyudad at civilis na nangangahulugan namang “ng mga mamamayan” (of the citizen). Dahil dito
binibigyang-kahulugan ang sibilisasyon bilang “masalimuot (complex) at organisadong uri ng pamumuhay ang
sa isang lipunan na bunga ng paninirahan sa siyudad.
Ang mga Pilipino ay may sariling terminolohiya sa higit na mataas na antas ng pamumuhay na katulad ng
sibilisasyon ng mga Kanluranin. Sa wikang Filipino partikular sa Tagalog, nagmula ang terminong kabihasnan,
sa salitang-ugat na hasa na ang kahulugan ay sanay. Tinatawag na bihasa o (skilled) at may kahusayan
(mastery) sa paglikha o paggawa ng isang bagay. Kinikilala siyang eksperto sa isang trabaho o gawain.
Sa ngayon sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig, ang civilization ay kabihasnan sa pinakamalapit na salita
sa Filipino. Ang paninirahan sa siyudad ay isa lamang at hindi ang natatangi sa pamumuhay sa sibilisasyon.
Kabilang sa itinakdang batayang katangian (basic features or characteristics); (a) maunlad na siyudad (b)
komplikado ngunit sistematikong institusyon gaya ng organisado at sentralisadong pamahalaan at formalized
complex na relihiyon (c) may espesyalisasyon ng paggawa (job specialization) at pag-uuring panlipunan (social
classes); (d) pang-malakihang pagawaing bayan (large scale public works) (e) sopistikado at madetalyeng
arkitektura at sining, at may mataas na antas ng teknolohiya; at (f) may sistema ng pagtatala at pagsulat.
Ngayon naman ay basahin at unawain mo ang Mga Salik at Pangyayaring Nagbibigay- Daan sa Pag-Usbong
ng mga Unang Bayan, Siyudad, at Kabihasnan sa Daigdig, buksan mo ang iyong aklat sa pahina 96-100.
Dito mo matutunghayan ang kung paano umusbong ang mga unang bayan at siyudad sa daigdig. Ganun din ang
pagkain tulad ng crops, palitan ng kalakal at ang pagkakaroon ng food surplus, ganun din ang mga Sinaunang
bayan tulad ng Jericho at Catal Huyuk.
Catal Huyuk- isa sa kauna-unahan at pinaka malaking lugar pansakahan sa kasaysayan ng daigdig.
Matatagpuan ito sa iang 32 acres na matabang kapatagan sa South -Central Turkey. Itinatag ito
noong 7000 BCE. Naitatag ito, 8000 taon na ang nakakalipas, ito ay naging tirahan ng 5,000
hanggang 6,000 katao.
Jericho- Higit na maliit sa Catal Huyuk. Ito ay matatagpuan sa 10 acres na lupain sa kanlurang bahagi ng ilog
Jordan. Naitatag ito noong 7000 BCE.
Food Surplus- labis na pagkain, at lumalagong espesyalisasyon sa paggawa ay resulta ng pagbabagong pang-
ekonomiya at panlipunan.
Division of Labor- ang dibisyon sa paggawa ay nagbunga naman ng napakalaking pag-angat ng kalidad at
kagalingan (efficiency) ng mga kagamitan at armas, at sa iba pang bagay na mula sa likhang
kamay ng mga artesano o panday na nagtatrabaho ng full time sa produksiyon at lalo pang
pagpapabuti ng kani-kanilang likhang produkto.
Ang apat na kauna-unahang kabihasnan sa daigdig ay umusbong lahat sa mga kapatagan o lambak na may
matabang lupain sa pampang ng mga pangunahing ilog (rich river plains/river valleys). Kabilang dito ang
Kabihasnang Sumer na sumibol sa pagitan ng mga Ilog Tigris at Euphrates sa Kanlurang Asia;
Kabihasnang Indus sa mga pampang ng Ilog Indus sa India; ang Kabihasnang Shang sa tabi ng Huang
Ho/He sa China; at sa Egypt sa magkabilang pampang ng ilog Nile. Inuuri ang mga kabihasnan na
umusbong sa pampang o malapit sa mga Ilog bilang “Riverine Civilizations o River Valley Civilizations”. lahat
ng sinaunang kabihasnang ito ay may mga siyudad na may takdang sentro (defined center) ng populasyon na
higit na malaki at organisado kaysa sa mga nayon at bayan at nagbibigay-suporta sa iba pang katangian ng
kabihasnan.
Buksan mo naman ang iyong aklat sa pahina 104-111, upang tunghayan ang Sistema ng Pamahalaan sa
Kabihasnang Mesopotamia hanggang sa Paggamit ng Teknolohiya sa Sinaunang Kabihasnan.
2
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON
Gawain/Activity
Gawain 1
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na termino.
1. pictograph
2. phonetic
3. ideogram
4. bihasa
5. sibilisasyon
Gawain 2
Magsagawa ng pananaliksik upang mapaghambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asia gamit ang mga
batayang katangian ng kabihasnan. Gamitin ang mga batayang kaalamang natutuhan sa Araling Asyano 7.
Punan ang tsart ng mahahalagang impormasyon at detalye para sa sagot.
Batayang Katangian Kabihasnang Kabihasnang Indus Kabihasnang Huang
Sumerian/Mesopotamian Ho/Shang ng China
Maunlad na Siyudad
Organisadong
Pamahalaan
Komplikadong Relihiyon
Sining at Arkitektura
Siyensya at arkitektura
Sistema ng Pagsulat
Pagninilay/Reflection
3
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON
Sa iyong palagay, alin kaya sa mga salik o batayang katangian ng kabihasnan ang nagkaroon ng
pinakamalaking epekto sa buhay ng pangkaraniwang mamamayan?
Paglalapat/Transfer
Ilagay ang iyong sarili sa panahon ng mga Sinaunang Siyudad sa Kabihasnan. Ikaw ay kalilipat pa lamang sa
isang sinaunang siyudad mula sa isang maliit na nayong agrikultural. Gumawa ng isang liham sa iyong matalik
na kaibigan na naiwan mo sa iyong dating nayon. Ibalita mo sa kanya ang malaking kaibahan ng buhay at
lipunan sa siyudad na may kabihasnan na inyong nilipatan. Isulat mo ito sa isang malinis na papel o bondpaper.
Lagda ng magulang