You are on page 1of 6

Parokya ng Santisima Trinidad

Ecological Ministry

SA PAGDIRIWANG NG
PANAHON NG PAGLIKHA 2023
ISANG PAGKILOS...
Simula noong ilunsad ng ating parokya ang Laudato Si’ noong ikaapat ng Oktubre,
2022, nangako ang ating mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan,
kasama ang ating sariling kalipunan (HTP Ecological Ministry), na yayakapin natin
ang pitong layunin ng Laudato Si’. Sa muling pagdiriwang ng Panahon ng Paglikha
sa kasalukuyan, muli nating binibigyang-pansin ang mga pangakong ito sa gabay
ng napiling tema sa taong ito, “Let Justice and Peace Flow.” Ang katarungang
panlipunan at kapayapaan ay dalawang bagay na hindi mapaghihiwalay sapagkat
makakamit ang isa kung mayroon ang isa. Sa diwa ng Liham Ensiklikal ni Papa
Francisco na Laudato Si’ at sa tulong ng mga rekomendasyon mula sa United
Nation Sustainable Development Goals, nararpat lamang na gumawa tayo ng mga
ilang maliliit hakbang upang maisakatuparan ang lahat ng ito. Kung kaya nga ang
Laudato Si’ ay hindi lamang isang pananaw o pangarap kundi isang pagkilos.

MGA TAGUBILIN AT SUHESTIYONG GAWAIN


Narito ang ilan sa mga gawain at rekomendasyon na maaari nating pahalagahan
ngayong panahon ng paglikha:

LITURHIKAL AT ISIPIRITWAL
1. Bagamat ang liturhiya ay may sariling kakanyahan, mainam na magkaroon ng
ilang mga adaptasyon para sa panahong ito. Ang mga dekorasyon sa loob ng
Simbahan ay mabuting nagpapaalala ng mga “buhay” at “kahanga-hangang”
paglikha ng Diyos sa sanlibutan. Iminumungkahi na mula Setyembre 1
hanggang Oktubre 5 ay gumamit ng mga ornamental na halamang buhay at
nakapaso sa pag-aayos ng dambana at mga takdang lugar.
2. Maaari ring idambana ang isa o ilan sa mga imahe ng banal na nagtataguyod
ng pangangalaga sa sangnilikha at itinuturing na tagapamagitan ng Laudato
Si’ tulad nina San Francisco ng Assisi, Sta. Teresita ng Batang Hesus, San
Agustin, San Felipe Neri, San Hildegard, San Benito, San Kateri Tekakwitha, San
Juan Pablo II, San Juan dela Cruz at San Kevin ng Glendalough.

Page 1
3. Sa mga awiting pansamba, iminumungkahi rin na pumili ng mga awiting
may tema ng paglikha lalo’t higit sa mga nagbabagong bahagi ng Misa tulad
ng Pambungad na Awit, Paghahanda ng mga Alay, Pakikinabang at
Pangwakas na Himig. Ito ang ilan sa mga mapipiling awitin.

PAMBUNGAD NA HIMIG PANGWAKAS NA HIMIG


Awit ng Papuri Magpasalamat Kayo sa Panginoon
Bienvenido Rey C. Magnaye Felipe Fruto Ramirez

Papuri Tanda ng Kaharian ng Diyos


Norman Agatep, Chito Salazar Manoling Francisco
Jandi Arboleda

Ating Dinggin
John Bradley Fenomeno

AWIT SA PAGHAHANDA NG TINAPAY AT ALAK


Banyuhay
Simplicio Esteban

Aming Alay
Tanny Gosgolan

AWIT SA PAKIKINABANG
Kahanga-hanga
Redentor Corpuz – Eddie Hontiveros

Hesus ng aking Buhay


Arnel Aquino

Ang Panginoon ang aking Pastol


Lito Magnaye

4. Darasalin ang “Panalangin para sa Panahon ng Paglikha” bago ang simula


ng Misa o pagkatapos ng pakikinabang sa loob ng Misa.
EDUKASYUNAL
1. Hinihikayat ang mga kapilya na magtakda ng tanging lugar o sulok para
sa Laudato Si’ tulad ng bulletin board upang maipakilala sa mga
mananampalataya ang tungkol dito. Lalamanin nito ang mga sumusunod:
a. Ang pamagat na “LAUDATO SI’ CORNER”
b. Ang Pitong Layunin nito: (a) Response to the Cry of the Earth; (b)
Response to the Cry of the Poor; (c) Ecological Education; (d)
Ecological Spirituality; (e) Ecological Economics; (f) Simple Lifestyle;
and (g) Community Involvement.
c. Ang tema sa taong ito: “Let Justice and Peace Flow.”
d. Isa sa mga santo o santa na nagtaguyod ng pangangalaga sa
kalikasan. Ilan sa mga ito ay nabanggit sa itaas.
e. Ilang mga dokumentasyon tungkol sa hakbang ng BPC sa
pagsasakatuparan ng layunin ng Laudato Si’ tulad ng mga clean-up
drive, community pantry, community service at mga kagaya pa nito.
2. Paggamit sa social media upang ipakalat ang mga impormasyon tungkol
sa Laudato Si at mga mahahalagang paalala. Kung may sariling Facebook
Page ang BPC, mainam na gamitin itong platform sa gawaing ito.

EKONOMIKAL
1. Alam natin ang katotohanang mayroong pera sa basura. Samakatuwid,
iminumungkahi na magsagawa ng paghihiwalay o segregation ng mga
basura. Ihiwalay ang mga basurang maaari pang ibenta tulad ng mga PEP
Bottles. Ang malilikom na pondo rito ay maaring ilaan sa mga gawaing
naglalayong makatulong sa komunidad gaya ng feeding programs o
community pantry.

SEKTORAL
1. Sa mga pagkakataon na may mga ibang sektor ng lipunan tulad ng mga
paaralan o organisasyon na nagnanais magsagawa ng mga gawaing
tumutugon sa layunin ng Laudato Si’, mabuting bigyan sila ng pansin at
ibayong pagsuporta. Siguruhin lamang na ipagbibigay alam ito sa ating
Ecological Ministry o sa tanggapan ng ating parokya lalo na kung ito ay
isang partnership kasama ang BPC.

Ang mga ito ay pawang mga suhestiyon lamang na makakatulong sa


pagpapalaganap ng mabubuting bunga ng Laudato SI’. Ang pagsasagawa
nito ay nananatili pa rin sa pagpapasya ng bawat BPC. Maraming salamat po.

JEREMY Y. CABILLO
Ecological Ministry Coordinator
Parokya ng Santisima Trinidad
Ecological Ministry

PABATID
(babasahin bago magsimula ang banal na misa)

Kaalinsabay ng Karaniwang Panahon, ngayon ay


ipinagdiriwang natin ang PANAHON NG PAGLIKHA.
Ito ay nagsisimula tuwing ika-isa ng Setyembre
hanggang ikalima ng Oktubre. Sa panahong ito ay
binibigyang-pansin natin ang ating tahanan- ang
daigdig at ang buong sangnilikha. Sa gabay ng
liham ensiklikal ni Papa Francisco na may pamagat
na LAUDATO SI’, gumagawa tayo ng maliliit na
hakbang upang kahit papaano’y makatulong sa
pangangalaga sa ating tahanan at sa mga dito’y
nananahan. Sa taong ito, ang tema ay, “Let Justice
and Peace Flow.” Nakatuon sa katarungan at
kapayapaang panlipunan ang ating pagdiriwang.
Tayo ang inaasahang magiging tagapangalaga at
tagapagtaguyod sa ating daigdig. Halina at
tumugon sa panawagang ito, sa ating
pamamahayag, sa ating pananalangin at sa ating
pagkilos para sa kadakilaan ng Diyos na Maylikha.
Parokya ng Santisima Trinidad
Ecological Ministry

PANALANGIN SA PANAHON
NG PAGLIKHA
(maaaring dasalin bago ang Misa o pagkatapos ng pakikinabang, sa loob
ng Misa)

Maylikha ng lahat,
Nagpapasalamat kami na mula sa pagkakaisa ng Inyong pag-ibig
ay nilikha N'yo ang aming planeta upang maging tahanan ng
tanan. Sa pamamagitan ng Inyong Banal na Karunungan, Inyong
nilika ang Daigdig upang magpasibol ng samu't saring buhay sa
sangkalupaan, sangkatubigan at sangkalawakan. Pinupuri Ka ng
bawat bahagi ng sangnilikha at kanilang kinakalinga ang isa't isa
ayon sa kani-kanilang kinatatayuan sa hibla ng buhay.

Kaisa ng Salmista, umaawit kami sa Iyo ng papuri na sa Iyong


bahay "maging ang maya ay nakasusumpong ng tahanan at ang
langaylangayan ng pugad para sa kanya na mapaglalapagan n'ya
ng kanyang inakay." Batid namin na tinawag Mo ang
sangkatauhan na pangalagaan ang Iyong halamanan nang may
paggalang sa dangal ng bawat nilalang at pinananatiling ganap
ang buhay sa Daigdig para sa tanan.

Subalit batid rin naming ang aming paghahangad ng


kapangyarihan ay nagdadala sa aming planetang tahanan sa
sukdulang kasiraan. Ang aming pagku-konsumo ay 'di na ayon sa
kakayahan ng Daigdig na hilumin ang kanyang sarili. Natitigang at
nawawala na ang mga tirahan ng samu't saring buhay. Marami na
ring samu't saring buhay ang naglaho, gayundin, ang mga
nasirang sistemang ekolohikal. Ang mga bahura ng korales, mga
lungga ng mga hayop, mga kabundukan at karagatan na dating
puspos ng buhay at ugnayan, ngayon ay mga tuyot
at tiwangwang.
Marami ring pamilya ang nawalan ng tirahan dala ng kawalan ng
seguridad at mga alitan, nagsisilikas sa paghahangad na
masumpungan ang kapayapaan. Ang mga hayop ay
nagsisipanakbuhan papalayo sa kanilang mga likas na tirahan
sanhi ng mga nagliliyab na apoy, pagkakalbo ng mga gubat at
taggutom, at gumagala sa paghahanap ng bagong tahanan para
sa kanilang mga supling at para mabuhay.

Ngayong Panahon ng Paglikha, dinadalangin naming nawa'y ang


hininga ng lyong malikhaing Salita ay dumaloy sa aming mga puso
gaya ng tubig sa aming pagsilang at binyag. Pagkalooban Mo kami
ng pananampalataya upang aming masundan ang halimbawa ni
Kristo sa makatarungang pakikipag-ugnayan sa komunidad ng
buhay. Tanglawan Mo kami ng Iyong biyaya upang kami ay
makatugon sa Iyong tipan at panawagang kalingain ang aming
pangkalahatan tahanan.

Sa aming paglinang at pagpapanatili ng aming pangkalahatang


tahanan, pasiglahin Mo kami sa kabatirang kami ay nakikiisa sa
Iyong Banal na Espiritu sa pagpapanibago ng mukha ng Daigdig at
pagsasanggalang sa tahanan ng tanan.

Sa ngalan ni Hesukristong pumarito sa Daigdig upang ipahayag


ang Mabuting Balita para sa buong sangnilikha. Amen

You might also like