You are on page 1of 2

Ang globalisasyon ay paglalarawan sa lumalawak na ugnayan ng mga economy ng

ibat-ibang bansa sa daigdig upang magkaroon ng maunlad at sistematikong


palitan ng produkto at serbisyo.Maraming oportunidad ang nabubuksan para sa
mga Pilipino dahil sa ugnayang ito at higit na mas nakikilala ang mga Pilipino sa
larangan ng pangingibambansa.

Naituturing itong kalamangan para sa mga bansa dahil ito ay nagbubukas ng pinto
sa usaping pang-merkado at libreng kalakal sa pagitan ng ibat-ibang bansa.Sa
pamamagitan ng globalisayon sa ekonomiya,maraming nagbubukas ng mga
pamilihan sa pananalapi sa buong mundo,maraming pagpapalitan ng mga ibat-
ibang uri ng kalakal at serbisyo at pagdaragdag ng mga produkto na maaaring
maiaalok sa bawat bansa.Idagdag pa rito ang nangyayaring libreng kalakal,sa
pamamagitan ng malayang paggalaw ng mga produkto at pagbawas ng mga taripa
nito.At isa pa,mas tumataas ang kumpetisyon sa mga negosyo na bumubuo ng
mas malawak at magandang mga opotunidad sa kumersyo at pagtaas ng kalidad
ng mga produkto at serbisyo.Sa pagkakaroon ng malayang kalakalan,naglilikha ito
ng higit na pagiging mapagkumpitensyang nagosyo at ang paglikha ng mga
bagong posisyon at trabaho sa merkado lagging saan,maaaring manguna ang mga
maliliit at katamtamang laking kumpanya sa malalaking merkado sa buong
mundo.nakatutulong din ang globalisasyon upang mas mapababa ang gastos sa
mga hilaw na mga materyales at paggawa na siyang nagpapahiwatig na ang
presyo nga mga produktong naibebenta ay nababwasan din

Nakatutulong din ang usaping globalisasyon sa pamumuhay ng mga tao sa isang


bansa sapagkat nagkakaroon sila ng oportunidad na makapunta at mapadala ang
kanilang mga produkto sa mga karatig bansa nito.Nagkakaroon din ng
oportunidad ang mga tao sa isnag bansa na magkaroon ng trabaho nang dahil sa
globalisasyon nahigit na makatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng isang
tao.Globalisasyon din ang nagging susi upang mas mapalakas at mapaganda ang
ekonomiya sa larangan ng pananaliksik at mga bagong pagpapaunlad ng
teknolohikal,na nagbago sa lahat ng mga lugar at aktibidad sa
pangkalahatan.Kabilang na rito ang siyentipikong-teknikal na pagsulong ay ang
paglikha ng micro electronics,bio technology at ang paglikha ng mga bagong
materyales at marami pang iba.
Sa kabilang banda,nagkakaroon din ng masamang epekto ang pagkakaroon ng
globalisasyon sa isa ng bansa subalit mas higit na nakikinabang ang mga
mayayamang bansa sa banepisyong gulot nito na kung saan,ang mga developing
countries ay pinagkukuhanan lamang ng mga hilaw na materyales at murang
paggawa para sa mga multinational companies.Wala rin kasigaruraduhan ang
isang bansa sa pamumuhunan ng isang multinational companies,sapagkat ang
malaking kinikita nila ay bumabalik lang din sa bansa kung saan sila nagmula.Nang
dahil sa globalisayon nagkaroon din ng matinding kompetisyon ang pananatili ng
mga multinational companies sa isang lugar na nagiging dahilan para magsara o
malugi ang mga maliliit na negosyo,idadag pa rito ang pagtaas ng kawalan ng
trabaho dulot ng pag-abante ng teknolohiya,mas tumaas ang demand para sa
mga manggagawang may mataas na edukasyon at naituturing na skilled
wokers,Habang ang mga manggagawa na walang sapat na kasanayan ay
napipilitan na lamang kumuha ng mga trabahong may mababang suweldo para
lamang magkaroon ng hanap buhay.

Sa kalaunan,habang patuloy na lumalawak at nagpapatuloy ang proseso ng


globalisasyon sa buong mundo,ito rin ang nagiging banta sa kalagayan n gating
likas na yaman.Marami ang nagiging negatibong epekto sa kapaligiran ang mabilis
na industriyalisayon.Sapagkat ang globalisasyon sa ekonomiya ay pinasigla ng mga
impluwenswya ng pamilihan sa mas interesado sa kita kaysa sa pangangalaga sa
ating kalikasan

You might also like