You are on page 1of 1

GINETE, Gabriel

Disi8

Orihinal
Ano ang gobalisasyon. Sa larangan ng ekonomiya, ito ang pagkakaroon ng nag-
iisang dambuhalang pamilihan sa buong mundo. Kung dati ay may kani-kaniyang
sistema ng ekonomiya ang bawat bansa, inaalis ng globalisasyon ang pambansang
saklaw at hangganan upang pag-isahin ang mga ekonomiya ng bawat bansa. Ito
ang dahilan kung bakit borderless society ang kadalasang tawag sa mga bansang
pumapaloob dito. Ibig sabihin ay inaalis ang mga border o hangganan ng
pagpapalitan ng mga produkto at serbisyong pang-ekonomiya.

Hawig
Ang Globalisasyon ay isang konsepto sa larangan ng ekonomiya na kung saan
pinag iisa ang ibat ibang bansa sa mundo sa pamamagitan ng pag alis sa
hangganan ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyong pang-ekonomiya,
upang mapadali para sa mga ito na magpalitan ng mga produkto, teknolohiya,
impormasyon at trabaho sa iba't ibang mga bansa at kultura. Interaksiyon at
integrasyon ng mga tao, kompanya, at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado. Kaisa
dito ang mga bansang kalimitang tinatawag na borderless society.

You might also like