You are on page 1of 1

5.

Ang salitang globalisasyon ay walang duda na galing sa salitang “global”. Ito ay isang salitang
Ingles na ngangahulugang pandaigdigan, o ang mga bansa sa buong mundo na nagsama-
sama para sa iisang layunin.

Ang layunin ng globalisasyon ay magkaroon ng paraan upang ang bawat bansa ay kumonekta
sa kanilang karatig bansa.

Maaari silang magpalitan ng mga produkto at serbisyo. Maaari rin silang mag-alok ng tulong,
lalo na sa oras ng mga sakuna o pangangailangan.

Maaari rin nilang itaguyod ang turismo sa kanilang bansa. Sa pamamagitan ng globalisasyon ay
nagkakaisa ang mga mamamayan mula sa iba’t-ibang kultura at kanila itong ibinabahagi sa
isa’t-isa.

6.
Sa pangkalahatan kapwa nakakatulong at nakakasama ang globalisasyon sa pamumuhay ng
mga Pilipino. Ang pagpapalawig ng kalakalang pandaigdigan upang sa gayon ay malayang
makaikot sa iba’t ibang panig ng mundo ang serbisyo at produkto.

Ang konsepto ng globalisasyon ay mayroong mabuti at masamang dulot sa pamumuhay ng


mga Pilipino. Kabilang sa mga mabuting dulot nito ang pagbabago sa antas ng pamumuhay,
ang mga iba’t ibang produkto ay tinatangkilik sa loob at labas ng bansa, ang pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa, at ang pagkakaroon ng malakas na ugnayan.

Samantaka, ang hindi mabuting dulot ay napahhina nito ang pagkakakilanlan ng bansa, mas
nagagamit ang wikang banyaga kaysa sa wikang sarili, ang mga maliliit na nagnenegosyo ay
nalulugi, at ang mga produktong lokal ay hindi napapaboran.

7.
Makatutulong ako sa pag-angat ng kalidad ng paggawa sa ating bansa sa pamamagitan ng
pagtangkilik ng produktong sariling atin.

Ang kalidad ng paggawa ng paggawa sa ating bansa ay higit na mabibigyang pansin kung
ipakikita natin sa ating kapwa na tinatangkilik ang sarili nating produkto.

Ang pagbili at pagtangkilik ng mga produktong ito ay lubos na nagbibigay motibasyon sa mga
tao partikular na sa mga manggagawa upang higit na pagbutihin ang kanilang pagbuo ng mga
produkto.

Dahil din dito, napatataas ang moralidad ng mga tao dahil batid nilang mayroong mga
indibidwal na naniniwala at tumatangkilik sa kanilang mga produktong ginagawa.

You might also like