You are on page 1of 2

Anna Michaela Marilao 9-MOPH

Buod ng “Ang Hatol ng Kuneho”

Isang araw, sa panahong ang mga hayop ay nagsasalita pa,


may isang tigreng naghahanap ng makakakain sa gubat. Inikot nya ang
gubat hangang sa kasawiang palad ay nahulog ito sa isang malalim na
hukay. Talon sya ng talon para makaahon sa butas ngunit walang nagawa
ang tigre kaya''t nagmamakaawa itong sumigaw ng sumigaw humingihingi
ng tulong. Hanggang kinabukasan ay may isang lalaking napadaan at
narinig ang sigaw ng tigre na humihingi ng tulong. Pinakiusapan ng tigre
ang tao na tulungan syang maiahon sa malalim nab utas ngunit ito ay nag-
dadalawang isip kung tutulungan ba ang tigre sapagkat baka sya ay kainin
nito.

Nangako naman ang tigre na hindi nito kakainin ang tao at utang na
loob nya ito hangang naawa ang lalaki sa tigre ay tinulungan ng tao
makaahon ang. Ngunit sapag ahon ng tigre ay gutom na gutom ito at hindi
niya ito tiniis kaya’t hindi tumupad sa pangako ang tigre at gusto nyang
kainin ang lalaki. Nakiusap muna ang lalaki sa tigre bago nya ito kainin
humingi sya ng hatol sa puno kung sya ba ay dapat kainin ng tigre o hindi.
Ipinaliwanag ng tao ang nangyari ngunit tila sang ayon ang puno na sya ay
kainin ng tigre sa kadahilanang ang mga tao ang may kasalanan sa pag
kaubos ng mga puno. Muling humingi ng hatol ang tao sa napadaang
Baka, ngunit katulad ng hatol ng puno ay ganoon din ang hatol nito.

Hanggang sa may isang mapadaang kuneho na lumulukso at ito


naman ang hiningian ng hatol ng tao at tigre. Ang suhestiyon ng kuneho ay
muling nilang isalaysay ang nangyari sa pamamagitan ng pagpunta ng
tigre sa hukay upang maibigay ang kanyang hatol. Muli ngang nagpunta
ang tigre sa hukay upang maibigay na ng kuneho ang hatol. Ang hatol ng
kuneho ay, "Magpatuloy na lamang ang tao sa paglalakbay at ang tigre ay
dapat manatili na lamang sa hukay ng hindi na sila namomoroblema"perro
araw-araw pumupunta ang lalaki sa hukay kung nasaan ang tigre at
pinapakain nya ito hanggang sa nagging kaibigan sila. Muli ay nagpatuloy
na sa paglukso ang matalinong kuneho.
Anna Michaela Marilao 9-MOPH

You might also like