You are on page 1of 17

Si Pilandok at ang

Kaharian sa Dagat
(Isang Kuwentong-bayan ng mga Maranao)
Sa isang kaharian sa Mindanao ay may isang sakim
na datu. Ang datu na ito ay si
Datu Usman. Datu man siya pero naiisahan siya ng
isang matalinong binata. Ang
binatang ito ay si Pilandok.
Galit na galit ang datu sa kaniya dahil lagi siyang
naiisahan. Isang araw, habang
lumilibot si Pilandok sa palengke ay namataan
siya ng datu. Agad siyang ipinadakip sa kaniyang
mga kawal at iniutos na ikulong sa isang hawla.
“Hindi ko malilimutan ang kapangahasan mo Pilandok!
Mga kawal itapon siya sa dagat!”Agad na namangka ang
mga kawal gamit ang vinta. Ngunit sa sobrang init at
pagod ay nagpahinga sila sa gitna ng kanilang
paglalakbay. Huminto sila sa isang maliit na isla at
iniwan si Pilandok sa tabi ng dagat para makapagpahinga
sila sa lilim ng puno ng niyog.
Nagkataong mayroong napadaang isang negosyante.
Dahil dito, gumana na naman ang pagiging pilyo at
matalino ni Pilandok. Bigla siyang nagsisisigaw,
diumano, ayaw niyang magpakasal sa prinsesa. Kaya
nilapitan siya ng negosyante at nagsalaysay siyang
ipakakasal daw siya sa
prinsesa ngunit siya ay nag-aalangan.
“Gusto mo bang ako na lang ang magpakasal sa prinsesa?”
Walang alinlangang pumayag si Pilandok sa kagustuhan ng
negosyante. Sinabihan pa nga
niyang sumigaw ang negosyante na gusto niyang pakasal sa
prinsesa kapag dumating
na ang mga kawal na kukuha sa kaniya. Nakatakas ang tusong
binata at itinapon ang
walang kaalam-alam na negosyante. Tinawanan pa nga siya ng
mga kawal habang sumisigaw.
Bumalik at nagpakita si Pilandok na posturang-postura pagkatapos
ng ilang araw. “Hindi ba ipinatapon na kita sa dagat, Pilandok
Paanong naparito ka pa?” Nagpasalamat siya sa datu at isinalaysay
na siya ay napunta sa isang kaharian sa ilalim ng dagat. Hindi
makapaniwala ang datu ngunit ipinakita ni Pilandok ang kayamanang
sinasabing nakuha niya sa nasabing kaharian. Kaya hindi nagtagal,
naniwala ang datu at nagpasama pa kay Pilandok upang puntahan
ang sinasabi nitong kaharian.
Pagdating sa dagat, agad na sumisid si Pilandok at pagkaahon ay may
dala na itong perlas. Nanlaki ang mga mata ng hari at itinanong kay
Pilandok kung paano makapunta roon para makakuha siya ng maraming
perlas at iba pang kayamanan. Sinabi ni Pilandok na gawin ang ginawa
sa kaniyang pagtapon sa ilalim ng dagat na nasa loob ng
hawla, nang sa gayon ay sunduin din siya ng datu ng mga nilalang
sa ilalim ng dagat. Hindi nagtagal, ipinasok na ang datu sa hawlang
nilagyan ng tali. Pagkatapos ihagis ng mga kawal sa dagat ay
tumakas na si Pilandok.
Galaw nang galaw ang lubid na ikinabit sa hawla. Kaya,
nagmamadali at tulong-tulong na hinila ng mga kawal ang hawla.
Pagkaahon at pagkaligtas sa datu ay sumuka siya nang sumuka ng
tubig-dagat. Galit na galit ang datu kay Pilandok at ipinahanap
siya sa kaniyang mga kawal. “Hindi ko malilimutan ang
kapanghasan mo Pilandok! Mga kawal, hanapin siya!” Ngunit
wala na si Pilandok. Nakatakas at nakapagtago na naman ang tuso
at matalinong si Pilandok.
1. Sino ang ipinadakip at ipinakulong sa hawla ni Datu
Usman?
2. Ano raw ang nakuha ni Pilandok sa ilalim ng dagat?
3. Paano nakatakas si Pilandok mula kay Datu Usman?
Mga Uri
ng
1
Kuwentong-bayan
Mga Kuwento Tungkol sa mga Hayop

Ito ay mga kuwento tungkol sa


B
mga hayop na may katangiang
pantao. Kadalasan, ito ay tungkol
D
sa isang tuso at sa isang naiisahang
hayop.
Mag Kuwentong Trickster

Ito ay mga kuwentong tungkol sa


tauhang laging naiisahan ng
kalaban sa nakatatawang
D paraan.
Mga Kuwentong
Mahika o Marchen

Ito ay mga kuwentong naililigtas


ng isang may taglay na mahika
ang isang tauhang nahihirapan.
Mag Kuwentong Nobelistiko
Ito ay mga kuwentong tungkol sa
tauhang nagtatagumpay o bayani
kahit wala siyang mahika.
Mag Kuwentong Didaktiko o Relihiyoso

Ito ay mga kuwentong


nangangaral.
A. Pillin ang Sagot. Piliin sa Hanay B ang uri ng kuwentong-bayan na
kinabibilangan ng mga kuwentong bayan na nakatala sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
_____________ 1. Si Maria Makiling A. Kuwentong trickster
_____________ 2. Si Malakas at si Maganda B. Kuwentong relihiyoso
_____________ 3. Ang Diwata ng Karagatan C. Kuwentong nobelistiko
_____________ 4. Si Pilandok at ang Buwaya D. Kuwento tungkol sa hayop
_____________ 5. Si Juan Tamad at ang Alimango E. Kuwento tungkol sa mahika

You might also like