You are on page 1of 6

Mga Epikong Muslim

INDARAPATRA AT SULAYMAN

Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na

pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng

Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas

ng kaharian ng Mantapuli.

Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na

kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na

namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim

si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, "Sa pamamagitan ng

halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito,

nanganaghulugang ikaw ay namatay."

Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang

tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita.

Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni

Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.

Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na

kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si

Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito

sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.

Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay

nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman

nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais

dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang

1
Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang

ikinamatay.

Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni

Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman.

Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya

ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni

Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita

niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang

bangkay ni Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay

ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang

bangkay at muling nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na

pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.

Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu.

Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa

tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.

Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang magandang dalaga na kumukuha

ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa

taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa

yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga

pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin

niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong

tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni

Indarapatra sa batisan.

2
BANTUGAN

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang

prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil

sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal

na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap

sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y

nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng

Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan.

Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni

nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na

ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang

pangyayari kay Haring Madali.

Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin

ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan,

ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang

kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong

kaharian pati na si Haring Madali.

Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si

Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang

Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si

Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan,

siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni

Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring

Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang

pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw si Bantugan ang lahat
3
ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na

tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng

maligaya ng mahabang panahon.

BIDASARI

< Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay.

Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan

ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy. >

Ang salaysay ng Bidasari ay ganito:

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong

ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong

garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang

magtago sa mg yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao.

Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng

Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang

niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan

niya ang sanggol sa bangka sa ilog.

May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa

kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong

anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang

gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila

Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya

lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng :

mahal na mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan.
4
Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang

higit na maganda kaysa akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa

iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang

maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat

niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na

maganda sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila

Sari.

Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng

sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at

doon pinarurusahan.

Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin

ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila

Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si

Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.

Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung

gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si

Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang

palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang

magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga

silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya

magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang

sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari.

Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit

5
na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari.

Si Bidasari na ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay

matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si

Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati,

anak ng sultan at sultana ng Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita

ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa

mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si

Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa

silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang

nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang

pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.

You might also like