You are on page 1of 17

Ang Alamat

ng Chocolate
Hills
Mark Daniel M. Reyes
BPED 2A
Isang araw, sa lugar ng Bohol sa Visayas, may isang
kaganapan na dumating na hindi inaasahan ng karamihan. Bigla na
lamang may pumuslit na isang higante sa kanilang lugar, kung
pagmamasdan ay para ba itong abot langit na sa sobrang taas.
Nakapagdulot ito ng takot sa mga tao noong una, hindi alam ng
karamihan kung saan ito nang-galing at kung ano ang nais nito sa
kanilang lugar.

Sinubukang kausapin ng mga tao ang higante kahit balot na


balot sila ng takot, ngunit hindi nila inasahan ang pagsagot ng
higante.

Tao: Oh higante, ano ang iyong kailangan sa lugar na ito? bakit ka


naparito?

Maaliwalas na ngiti lamang ang isinagot ng higante, ngunit


may inilabas ito sa kaniyang bulsa na isang malaking kagamitan na
mistulang tirador ang hitsura, hindi na nagawang magtanong ng
mga tao kung ano ang kaniyang inilabas at sila na lamang ay patuloy
na bumalik sa kanilang kabahayan na hindi padin sigurado kung
mabait ba o hindi ang higante.
Sa pagdaan ng ilang araw ay walang ginagawang
nakapagtataka ang higante, katulad ng normal na tao ay kumakain
ito ng mga halaman at prutas sa paligid, nagpapahinga kung saan
nito magustuhan at kung minsan pa ay umiikot ito sa buong bayan
kung kaya't nagsisipagtago ang mga tao.

Isang gabi ay naglakad-lakad sa paligid ng bayan ang higante


na tila ba hindi pansin ang kaniyang laki at bigat, bawat hakbang
nito ay nagdudulot ng kaunting pagyanig sa lupa na nakasanayan na
ng mga tao.

Hindi alam ng mga tao na nagugutom ang higante kaya pala


ito palakad-lakad. Sa paglipas ng ilang minuto ay may isang bata na
nagngangalang "Simon" ang sumubok magtanong sa higante kung
ano ang problema nito.

Simon: Taong higante! may problema ba? Naaabala mo kasi


ang pagtulog ko kakalakad mo! Pasigaw niyang sinabi.

Higante: Sino ang nagsalita? Nasaan ka? Ikinagulat ng bata


ang pagsasalita ng higante dahil simula ng dumating ito sa kanilang
bayan ay tanging ngiti lamang ang palaging pagsagot nito.

Higante: Pasensya kana kung sino ka man, hindi kona kasi matiis
ang aking gutom, wala akong mahanap na maayos na pagkain sa
dilim ng gabi.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay ikinatuwa ng bata ang
naging paraan ng pagsagot ng higante dahil pakiramdam niya ay
parang isang normal lamang na kaibigan ang kaniyang kinakausap.

Ilang sandali lamang ay dinalhan ni Simon ang higante ng mga


prutas at gulay na galing sa kanilang taguan na labis na ikinatuwa
ng higante.

Dahil sa naganap na iyon ay naging malapit ang loob ni Simon


sa higante at ganon din naman ang nangyari sa higante. Hindi
ipinaalam ni Simon sa kaniyang magulang ang naganap ng gabing
iyon.

Nagkaroon ng mga pagkakataon na nakakapag-usap si Simon


at ang higante, tila normal lamang sila na magkaibigan, nakaupo
ang higante habang nasa balikat nito si Simon na masiglang
nagkukwento ng mga karansan niya sa kanilang bayan.

Sa ilang beses nilang pag-uusap ay nalaman ni Simon kung


ano talaga ang nais ng higante sa kanilang bayan. Base sa mga
naikwento ng higante ay gusto lamang nito na makahanap ng
bagong matutuluyan dahil siya ay umalis sa kanilang kaharian.
Nagulat si Simon sa sinabi ng higante dahil ibig sabihin nito ay
madami pang higante na hindi alam ng kanilang buong bayan.

Simon: Malayo ba ang dati mong lugar dito sa aming bayan?

Higante: Oo, sobrang layo, matagal din bago ako napadpad sa lugar
na ito.

Simon: Mababait din ba sila kagaya mo? Sa tanong na iyon ay


nabago ang mukha ng higante.

Ang higante na may nakatagong pagkatao ay nagmula pala sa


isang malayong kaharian ng mga higante. May namumuno at mga
tagasunod din ito kagaya din ng sa bayan ng Bohol.

Siya pala ay dating sundalo o mandirigma sa kanilang


kaharian, tagapagtanggol sa mga inaasahang mananakop.

Kilala bilang isang magaling na mandirigma ang higante sa


kanilang kaharian, ngunit dumating ang araw na hindi niya sinunod
ang utos ng kanilang reyna na sugurin ang isang bayan ng mga tao
sa pilipinas.

Ayaw niya sa karahasan lalo na kung wala namang laban at


walang ginagawang masama ang kanilang kakalabanin o susugurin,
dahil doon ay nagpasya siyang tumakas sa kanilang kaharian at dito
na nga siya napadpad sa lugar ng Bohol sa Visayas.

Sa mga naikwento ng higante kay Simon ay napaisip ito na


baka may masasamang ugali din na higante na maaaring mapadpad
sa kanilang lugar. Sa kahabaan ng kanilang kwentuhan ay bigla na
lang silang nakaramdam ng ubod ng lakas na yabag ng paa na
nakapagdulot ng pagbitak at pagyanig ng lupa. Iba ito sa
nakasanayan nilang yabag ng higante kung kaya't agad pinauwi ng
higante si Simon sa kanilang lugar.

May dumating na isang panibagong higante na mas


nakakatakot ang hitsura kumpara sa unang dumating, kapansin-
pansin na may dala din itong tila isang tirador na mukhang delikado
kung gagamitin.

May isinisigaw itong pangalan na hindi alam ng mga tao


Lakas! Lakas?! Lumabas ka kung saan ka man nagtatago! Nagbigay
ng takot sa buong bayan ang sigaw ng ikalawang higante.

"Lakas" pala ang pangalan ng higante na kaibigan ni Simon.

Nakilala agad ni Lakas kung sino ang dumating na higante.

Lakas: Anong ginagawa mo dito Sindak? Pasigaw nitong sabi.

"Sindak" ang pangalan ng panibagong dumating na higante.


Sindak: Dahil sa ginawa mong pag-alis at paglaban sa kaharian ng
walang pahintulot ng Reyna ay papatawan ka ng kaparusahan,
kaya't sumama ka sakin pabalik sa kaharian!

Lakas: Hindi kona matiis ang maling gawain na ibinibigay sa atin ng


Reyna, kaya hindi mo ako mapapabalik sa kaharian!

Matapos ang palitan ng mga salita ay hindi sumama si Lakas


kay Sindak pabalik sa kanilang kaharian.

Tila ba nakikisabay ang panahon sa alitan ng dalawang


higante dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagalit ng todo
si Sindak dahil sa hindi pagsama ni Lakas sa kaniya.

Nagsimula itong dumakot ng basang lupa at ginamit ito sa


kaniyang tirador upang ipukol kay Lakas, sa laki ng lupang nakuha
nito ay nakapagdulot ito ng malaking hukay.

Nakailag si Lakas at ginawa din niya ang ginawa ni Sindak


bilang ganti at simbolo ng paglaban niya dito.
Dahil nadin sa husay ni Lakas ay madalas niyang tinatamaan
si Sindak ngunit ganun din naman karami ang naiilagan nilang
pareho. Bawat hagis ng ubod ng lalaking dakot ng lupa ng dalawang
higante ay kumalat sa buong bayan ng Bohol.

Karamihan sa mga ito ay nagpatong-patong at nakabuo ng


malalaking tumpok ng lupa na halos kasinlaki na nila.

Patuloy ang batuhan ng mga basang lupa hanggang sa


mapuruhan ni Lakas si Sindak dahilan para ito ay bumagsak, sa
huling pagbato ni Lakas ng dakot ng lupa ay tinamaan sa ulo si
Sindak dahilan para ito ay mawalan ng malay na tila ito ay namatay
na.

Sa kasagsagan ng malakas na ulan ay biglang nalang tumigil


ang batuhan ng lupa at isang matulin na yabag ng mga paa ang
huling narinig ng mga tao papalayo sa kanilang lugar. Dinala ni
Lakas ang walang malay na si Sindak pabalik sa kanilang kaharian

Lumabas ang mga tao sa kanilang lugar at nagulat na lamang


sila sa kanilang nakita. Napuno ang kanilang lugar ng mga
bulubundukin na hindi normal ang dami at magkakatabi pa. Hindi
mabilang ang dami nito. Lingid sa kanilang kaalaman ay resulta ito
ng naging away ng dalawang higante.
Matapos ang kaguluhang iyon sa pagitan ng dalawang
higante ay hindi na muling nakita ni Simon si Lakas na naging
kaibigan niya. Sa buong bohol ay siya lang ang nakakaalam ng
totoong istorya kung bakit nagkaroon ng madaming bulubundukin
sa kanilang lugar. Walang nakakaalam kung saan man napunta ang
dalawang higante.

Hanggang sa panahon na ito ay nanatiling tahimik ang Bohol


at wala ng kahit anong bakas o banta ng higante na maaaring
gumambala sa lugar. Tinawag na lamang nila itong "Chocolate
Hills" dahil kulay tsokolate ang mga bulubundukin ng una nila itong
makita.
ICARUS
Mark Daniel M. Reyes
BPED 2A
Sa isang malayong kaharian sa Gresya ay namumuhay ang
mag-ama na si Daedalus at Icarus. Si Daedalus ay isang kilalang
mangga-gawa at inbentor ng iba't-ibang bagay na nakakatulong sa
kanilang bayan.

Habang ang anak naman niya na si Icarus ay isang masipag,


masunurin,determinado at mabuting anak ngunit napapaligiran siya
ng ekspektasyon ng mga tao na dapat siya ay maging kasing galing
ng kaniyang ama.

Sa bawat paglipas ng taon ay magkatulong ang mag-ama sa


pagbibigay sa kanilang bayan ng mga makabagong kagamitan
upang magamit sa pagsasaka, pagluluto, pang-gawa ng bahay at
maging sa pakikidigma sa mga mananakop.

Mabilis matuto si Icarus sa mga aral na ibinibigay sa kaniya


ng kaniyang ama kung kaya ay nakagagawa din ito ng kaniyang
sariling mga imbensyon na sadyang hindi nabibigyang pansin ng
taong bayan dahil nadin sa siya ay bata pa.
Isang araw ay humiling si Haring Minos ng Gresya kay
Daedalus na gumawa ng mga armas na maaring makalaban sa mga
diyos na kanilang sinasamba ngunit ito ay pinag-isipan muna ni
Daedalus dahil nadin sa opinyon ni Icarus na maaring parusahan
sila ng mga diyos kung gagawin nila iyon.

Ilang araw ang lumipas at buong loob na humarap si Daedalus


at Icarus kay Haring Minos upang sabihin na hindi sila sang-ayos sa
pinapagawa nito na mga armas. Hindi nagustuhan ng Hari ang
kanilang naging desisyon at sila ay pinaalis sa kaharian.

Sa pag-alis ng mag-ama sa kaharian ay di nila alam na may


plano na pala si Haring Minos na sila ay ikulong kung sakaling sila
ay tatanggi sa kaniyang hiling. Hindi pa nakakalayo sa kaharian ay
patagong dinukot ang mag-ama ng naglalakihang kalalakihan,
tinakpan ng itim na tela ang kanilang mukha, walang nagawa ang
mag-ama kundi ang sumama sa mga ito.
Pagka-alis ng itim na tela sa kanilang mukha ay nakita na
lamang ng mag--ama na sila ay nasa isang napaka taas na lugar tila
abot na ang mga ulap. Agad na umalis ang mga kumuha sa kanila ng
walang kahit anong sinabi.

Naisip ni Daedalus na si Haring Minos ang dahilan kung bakit


sila napunta sa lugar na ito at nais ng Hari na sila ay makulong. Sa
taas ng tore ay walang maisip na paraan ang mag-ama para
makaalis dito lalo pa at hindi din nila alam kung ano ang nasa ibaba
ng tore.

Kaunting pagkain at mga kandila lamang ang nakita nilang


mapapakinabangan sa tore at wala ng iba. Patuloy na nag-isip ang
mag-ama kung paano sila makakaalis sa tore na iyon.

Lumipas ang ilang araw ng pag-iisip at naubos na ang


kanilang pagkain kung kaya't lalong nagkaroon ng problema ang
mag-ama. Tanging kandila na lang at mga balahibo ng mga ibon na
napupunta sa tore ang kanilang nakikita at hindi naman nila ito
makakain.
Nahiga na lamang ang mag-ama at tumingin sa mga ulap na
gumagalaw at sa mga ibon na patuloy lang ang paglipad, lumipas
ang isang araw na ganun lang ang kanilang ginagawa hanggang sa
biglang may naisip si Daedalus na ideya.

Pinagsama-sama niya ang tambak ng balahibo ng ibon, ilang


piraso ng manipis na kahoy na naiwan ng mga lalaking nagdala sa
kanila sa tore at mga kandila na hindi nila nagagamit.

Naisip ni Daedalus na gumawa ng pakpak ng ibon gamit ang


materyales na mayroon sila, matapos itong maipaliwanag kay
Icarus ay sinimulan na nila ang pag-gawa dito.

Hindi ganoon kasigurado ang mag-ama sa gagawing plano


ngunit wala na silang magagawa kung hindi sumubok ng paraan
upang makaalis sa tore dahil kung hindi ay doon nadin matatapos
ang kanilang buhay.
Gamit ang tinunaw na kandila ay pinagdikit dikit ng mag-ama
ang mga balahibo ng ibon sa maninipis na kahoy upang makabuo ng
dalawang pares ng pakpak para sa kanilang dalawa.

Sa pagkakataon na ito ay nagkaroon na ng kasiguraduhan


ang isip ni Daedalus sa plano na ito dahil matibay ang pagkakagawa
nila sa mga pakpak.

Natapos nila ang mga pakpak at handa nadin sila sa pag-


gamit nito, ngunit mahigpit na ibinilin ni Daedalus kay Icarus na ang
paglipat gamit ang pakpak ay hindi dapat masyadong mababa dahil
hindi sila tatangayin ng hangin at hindi din dapat masyadong
mataas dahil matutunaw ng init ng araw ang kandila na pinandikit sa
mga balahibo.

Buong lakas ng loob na tumalon sa tore ang mag-ama at


matagumpay silang nakalipad, ng makalayo na ng kaunti sa tore ay
nakita nila na may mga tao pala sa ibaba at nakita din sila ng mga
ito. Agad nalaman ng Haring Minos na ang mga lumilipad na ito ay
abg nag-ama kung kaya't ipinahabol niya ito sa mga kawal upang
hulihin muli.
Napansin ng mag-ama na may humahabol sa kanila at
akmang papaulanan sila ng mga palaso at mga bato kaya't sila ay
nagmadaling lumipad papalayo, dahil sa kaba ay tila nalimutan ni
Icarus ang tanging bilin ng kaniyang ama bago sila lumipad.

Habang lumalayo ay patuloy na tumataas ang lipad ni Icarus


na hindi naman namalayan ni Daedalus dahil nadin sa nakikita
niyang mga humahabol sa kanila.

Tinamaan ng bato si Daedalus sa kaliwa niyang pakpak dahila


para ito ay bumagsak, mabuti na lang at sa puno ito napunta kung
kaya't bali lamang ang inabot nito.

Nakita ni Icarus ang pagbagsak ng kaniyang ama, gusto


niyang bumalik ngunit hindi niya magawa dahil nadakip na ng mga
kawal ang kaniyang ama. Dahil sa takot ay mas tinaasan pa niya ang
kaniyang lipad hanggang sa makalagpas na siya sa nasasakupan
ng kaharian. Patuloy ang kaniyang paglipad, hanggang sa bigla
niyang naalala ang bilin ng kaniyang ama.
Sa taas ng kaniyang nilipad ay unti-unting tinunaw ng init ng
araw ang kaniyang pakpak, sa bawat pagaspas nito ay pabawas ng
pabawas ang nakadikit na balahibo dito dahilan para siya ay unti-
unti din na bumagsak sa isang kagubatan.

Nagawang bumagsak ni Icarus sa isang puno at nakaligtas


siya sa isang kapahamakan. Matinding galit ang namumuo sa isip ni
Icarus ng mga panahong iyon at nais niyang bumalik sa kaharian
upang sagipin ang kaniyang ama at maghiganti kay Haring Minos.

Marami ang nag-akala maging si Daedalus na namatay si


Icarus dahil sa hindi ito makakatagal sa paglipad ng napakataas at
ito ay babagsak na lamang sa kalupaan. Nanatiling nakakulong muli
si Daedalus sa kaharian.

Ngunit hindi alam ng lahat ay buhay si Icarus at patuloy na


bumubuo ng plano upang makapaghiganti kay Haring Minos at
masagip ang kaniyang ama.

You might also like