You are on page 1of 4

Scene 1: Pinapakita ang kahariang Bumbarian at sina Prinsipe Bantugan @ Hari Madali.

Narrator: Sa kahariang Bumbarian ay may magkapatid na si Prinsipe Bantugan @ Hari Madali. Si Prinsipe
Bantugan ay higit na hinahangaan ng mga kababaihan sa kanilang palasyo kasya sa kay Haring Madali.
Dahil sa tinataglay nitong kakisigan at kahusayan sa pagdidigma.

(MagpapaGwapo si Prinsipe Bantugan dito, o magpapakita na malakas siya at gwapo. At magpapakita ng konting
pagkainggit ang kanyang kapatid na Hari sa kanya.)

Scene 2: Pinapapatay ng Hari ang mga makikitang babae makikipagusap sa Prinsipe @ sa takot ng Prinsipe, minabuti na umalis
nalang siya ng kaharian.

Narrator: Dahil dito, labis na kinaiinggitan ng Hari ang kanyang kapatid na Prinsipe, at ipinag-utos pa na
patayin ang sinumang babaing mahuhuling makikipag-usap kay Prinsipe Bantugan.

Hari Madali: Oh siya! Ayoko makakita ng ni-isa na dalaga na makikipagusap sa aking kapatid! Ang mahuli
niyo na nakikipagusap sa kanya na dalaga ay siyang patayin niyo agad!

(Tumuturo ang Hari palabas ng palasyo sa mga kawal habang sinasabi ang utos na galit. *dahil sa onti lang tayo,
ipapakita nalang nung gaganap na hari na ang mga kawal nya ay ung AUDIENCE, haharap siya sa audience at sa
kanila niya sasabihin ung linya.)

Narrator: Mula sa malapit ay narinig ni Prinsipe Bantugan ang utos ng Hari, at agad-agad siya na nagisip
ng paraan.

Prinsipe Bantugan: Hindi ito maari! Wala akong magagawa kung ‘yon ang utos ng aking kapatid! Dapat
na akong umalis dito sa alangala ng mga chikabeybs ko!!!!! (umalis)

Scene 3: Nagkasakit at namatay ang Prinsipe sa pintuan ng Prinsesa, nakilala niya ang Prinsipe sa pamamagitan ng loro.

Narrator: Sa takot ng Prinsipe sa kanyang kapatid, naisip nalang ng Prinsipe na umalis at maglakbay
patungo sa ibang poo. Sa haba ng kanyang paglalakbay,

(Pinapakita na nanghihina ang Prinsipe habang naglalakad, pagod, gutom, gumagapang haggang sa namatay sa harap
ng pintuan ng Prinsesa)

nagkasakit siya at namatay sa pintuan ng kaharian ni Prinsesa Datimbag.

(Lumabas ng pinto ang Prinsesa at nakita na nakahandusay ang Prinsipe sa harap ng kanyang pintuan, nilapitan.)

Prinsesa Datimbang: Kay gwapong nilalang! Sayang naman at ang gwapong lalaki na ito ay isang
malaming sa bangkay na lamang.

(ADDITIONAL Kinaladkad niya ang Prinsipe papasok sa palasyo {hindi ko kasi alam kung panu gagawing maayus bago
siya tumawag ng loro T.T ang gagawin ko nalang dito ay may pumunta sa kanya na loro galling kay Haring Madali na hinahanap
ang Prinsipe.})

Narrator: Habang nagiisip ang Prinsesa na kung ano ang gagawin sa binata na kanyang nakita sa kanyang
harap ng pintuan ay biglang may loro na dumapo sa kanyang binata, nakita niyang may sulat ito at dali-
daling kinuha at binasa ito.
(pumasok ang loro na may harak na papel, dumapo at nag tawag ng atensyon sa Prinsesa at pinuntahan ng Prinsesa)

Prinsesa Datimbang: Hala! Siya pala ang Kapatid ng Hari Madali sa Kahariang Bumbarian, si Prinsipe
Bantugan! Kailangan ko na masabi sa kanya ang nangyare sa Prinsipe!

(kumuha ng lapis at papel ang Prinsesa at agad-agad ngsulat kung ano ang nangyare sa Prinsipe at binigay ito sa loro.)

Scene 4: Inutusan ng Prinsesa ang Loro na ipaalam ang nangyare sa Prinsipe sa Hari.

Narrator: Naglagay ng liham ang Prinsesa sa loro tungkol sa Prinsipe at ipinadala agad ito kay Haring
Madali.

(Pinakawalan ng Prinsesa ang loro na may liham at natangap ito agad-agad ng Hari)

(Lumapit ang loro sa Hari at nagtawag ito ng pansin sa hari, kinuha ng hari ang liham at binasa)

Haring Madali: Ow hindeeeeeeh! Hindi ko aakalain na ganito ang mangyayare sa aking kapatid!!!! Hindi
ito maari! Kailangan ko kagad gumawa ng paraan!

Scene 5: Nagsisisi ang hari at lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ng prinsipe. At naubalik sa katawan ng
Prinsipe.

Narrator: Nagsisisi ang hari sa kanyang nagawa at lumipad siya pantungong langit upang bawiin ang
kaluluwa ng kanyang kapatid.

Haring Madali: Kailangan ko ng makita ang kaluluwa ng aking kapatid, agad. Agad! Asan na ba ‘yun?

(Ngalilibot libot ang Hari para hanapina ang kaluluwa ng kanyang kapatid, iikot daw sa audience)

(Suggested ng isa nating klasmate:

Diyos/Anghel: ito na ang kaluluwa ng iyong kapatid.

(may inabot sa Hari, kaluluwa kunwari, kinuha ng Hari at nagpasalamat)

Haring Madali: Maraming salamat po.

(at umalis, bumalik sa mundo))

(May nakitang kakaibang bagay na nagsisilbi na Prinsipe at kinuha ito)

Haring Madali: Sa wakas! Nakita din kita, tara na aking kapatid! Bumalik na tayo kung saan ka nararapat.

Narrator: Bumaba na ang Hari mula sa langit, dala dala ang kaluluwa ng kanyang kapatid. Pumunta siya
sa bangkay ng kanyang kapatid at ibinalik ang kaluluwa nito.

(Nilalagay ang kaluluwa sa NAKAHIGANG Prinsipe, habang nilalagay ang kaluluwa *nanginginig nginig ang Prinsipe
para Kewl! xD)

Scene 6: habang wala ang hari, sinugod ni Miskoyaw ang kaharian. Dali dali sumaklolo ang Prinsipe, pero nanghihina pa.
Narrator: Habang wala si Haring Madali, sinugod naman ni Haring Miskoyaw ang kaharian. Pero dali-dali
namang sumaklolo ang Prinsipe.

Haring Miskoyaw: Sugurin at sakupin ang Kahariang Bumbarian!!!!!! At akin ang lahat ng mga Binibini
>:D SUGOOOOOD!!

(Pumasok ang Prisipe)

Prinsipe Bantugan: Haring Miskoyaw! Hindi kita hahayaan na sakupin ang aming kaharian!! MAG LAHO
KAAAAAAAAAA!! >XD

(FIGHTING SCENE!!!!!!! Bagabuush bagabaaam!)

Haring Madali: Kaya mo yan aking kapatid! Go! Go!!!!!! (sinusoportahan ang kapatid)

Narrator: Dahil sa kagagaling lang ng Prinsipe sa pagkabuhay ay nanghihina pa ang kanyang katawan. At
natalo sa laban nila ni Haring Miskoyaw.

(Nanghihina ang Prinsipe, napaluhod at napadapa sa pagod)

Haring Miskoyaw: Dalian mo! At igapos mo ang Prinsipe habang siya ay nanghihina palang! DALI!

(Lumapit sa Prinsipe ang isang tauhan ni Miskoyaw at ginapos ito)

Tauhan: Lagot ka ngayon!!! Fatay ka!

Scene 7: Habang nakatali ang Prinsipe, nagbalik ang kanyang lakas, naka-wala siya sa at nakipaglaban.

Narrator: Habang nakatali ang Prinsipe, hindi alam ni Haring Miskoyaw na unti-unti na nagbabalik ang
lakas ni Prinsipe Bantugan.

Prinsipe Bantugan: Huwwraaaarrrr!! (nakawala sa gapos) Makakatikim ka sakin!

(FIGHTING SCENE!!!!!!! Bagabuush bagabaaam!)

(Natalo si Hari Miskoyaw, napahinga/napaupo sa sahing at tumakbo na palayo)

Scene 8: Humingi ng tawad ang Hari sa Prinsipe at binawi ang utos, dinalaw ni Prinsipe ang kanyang mga napupusuan at
pinakasalan.

Narrator: Natalo si Hari Miskoyaw at naibalik na sa ayos ang Kahariang Bumbarian. At nagkaroon ng
pagkakataon na makapagusap si Haring Madali @ Prinsipe Bantugan.

Haring Miskoyaw: Aking kapatid, ako ay humihingi ng tawad sa aking nagawa. Hindi na ito mauulit.
Binabawi ko na ang aking utos, maari ka nang makapagasawa at makagawa ng sariling pamilya.

(tinapik sa balikat ang Prinsipe)


Prinsipe Bantugan: Maraming salamat aking kapatid. Ika’y aking patatawarin basta’t wag mo na ulit iyon
uulitin.

Narrator: Dahil sa pagbawi ng Hari sa kanyang utos, nagkaroon ang Prinsipe ng pagkakataon na balikan
ang kanyang napupusuan at pakasalan ito.

NOTES:
 Kayo na po mag edit. Tanggalin o dagdagan nyo nalang kung anu ang mga gusto niyo pang
idagdag o bawasan :D
 PakiSend din sa iba para makagawa o mapag bigay din cla ng ideas :D
 Paxencya na kung mahaba, kung nahahabaan kayu o nakokornihan. Feel free to edit! :D humaba
lang din po yan dahil nilagyan ko ng mga gagawin
 Kung nakalimutan niyo ung lines, kinig nalang kayo sa Narrator para makasunod sa gagawin. ;D
 After niyo iEDIT, pakisend nalang ulit sa lahat para may kopya tayo ng FINAL na script.
 Kung may mali o kulang, edit niyo nalang po. :D

You might also like