You are on page 1of 3

Si Prinsipe Bantugan

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali.Si Prinsipe Bantugan ay


magaling makipaglaban kaya wala man lang kahariang magbalak na makipag digma rito.

Si Haring Madali ay inggit na inggit kay Bantugan sapagkat si Bantugan ay kilalang kilala at
napakarami ang nagkakagusto rito na mga kadalagahan sa kanilang Bayan.

Isang araw pinatupad ni Haring Madali na kung sino man ang magbalak na
makipag-usap kay Bantugan ay ipapabitay agad naman itong nabalitaan ni Bantugan kaya
nagpasya si Prinsipe Bantugan na umalis muna sa kanilang bayan upang walang mapahamak
sa mga nasasakupan niya.

Prinsipe Bantugan: (SABI SA KANYANG SARILI) Magbabalik rin ako dito balang araw.
(malungkot niyang sinabi sa sarili)

Makalipas ang ilang araw nakarating si Prinsipe Bantugan sa isang bayan sa


pagitan ng dalawang dagat.Nagtatanong tanong siya kung nasaan na siya.

Prinsipe : Ale nasaan na po ako???(nanghihina niyang sabi habang mahina ang kanyang
pagsasalita)

Di ito naparinig ng Ale,kaya nagpatuloy na lang si Bantugan sa paglalakad.

Nakaramdam si Prinsipe Bantugan ng pang hihina at bigla itong natumba.

Isang Kawal: Naku po sino naman ito napaka-kisig niya kaya kailangan itong malaman ng
konseho.

(Sa Palasyo)
Kawal: Mayroon po kayong dapat malaman.(nag-aalalang sabi nito)

Konseho : Ano iyon???

Kawal: May nakita po akong isang makisig na lalaki na parang mula sa ibang bayan .

Konseho:Maaari ko ba itong Makita???

Kawal: ito po siya.

Konseho:Siya si Prinsipe Bantugan. Kailangan itong malaman ni Haring Madali.

At nakarating nga ito sa Hari.

Haring Madali: Ano di ito maaari kailangan natin siyang puntahan ngayon din(nag-aalala nitong
sabi)

Sa Kabilang Bayan

Hari: Maraming salamat sa inyong pagsasabi sa akin tsaka ko na lang kayo bibigyan ng
pabuya.

Konseho: Wala yun ang mahalaga ay makabalik uli siya sa dati.

At umalis na sila at nagtungo sa Kanilang Kaharian

Si Haring Madali ay umakyat ng langit upang kunin ang kaluluwa ni Bantugan at nagbalik na si
Bantugan sa dati kaya nagdiwang sila.
Nalaman ni Haring Miskoyaw na namatay na si Bantugan.Si Haring Miskoyaw ay ang mahigpit
na kaaway ni Haring Madali kaya nagbalak silang lumusob rito ang di nila alam ay muling
nabuhay si Bantugan.

Nung lumusob sina Haring Miskoyaw eksakto naming nagdidiwang sila kaya di na sila umatras
ng laban.

At nagsimula na ang kanilang paglalaban.

*Ting-ting ting-ting*

At lumipad sa kalangitan si Bantugan ngunit bigla siyang nanghina sapagkat kakagaling lamang
niya sa kamatayan kaya naman nabihag siya ng kalaban at tinali siya ngunit pagkalipas ng ilang
oras ay nagbalik na muli ang lakas nito at tinalo na niya ang kanyang mga kalaban.

Si Haring Madali ay pumayag na magpakasal sa kanyang 5 kasintahan kinabukasan

At nabuhay na sila ng mapayapa habang buhay.

You might also like