You are on page 1of 5

Ang Taghuli ng Ibon sa Impyerno

Mga Tauhan:

Fareed Lakibul Yama, Ang Hari ng Impyerno


Amir Khan Calvo Kiyoyori, Ang Tagahuli ng Ibon
Clint Allen Tabugara - Narrator
Kane Herald Oguimas Demonyo #1
Neale Donald Monzon Demonyo #2
Mharwiza Nadine Tulawie Makasalanan #1
Paula Sophia Ruste Makasalanan #2
Khryssthel Mallari Makasalanan #3
Sheon Kate Rondina Tagapagluto

Ipinasa kay:
Ms. Judelyn Compra

Narrator: Nagsimula ang kwento na ito sa Impyerno kung saan naghihintay ang hari
ng
Impyerno na si Yama para sa darating na mga makasalanan.
Yama: Ako si Yama, ang hari ng Impyerno! Saan na ang mga aking alalay?!
Mga demonyo: Narito kami, mahal na hari!
Yama: Mga walang kwenta! Huwag niyong kalimutan! Kapag may dumating na mga
makasalanan, itaboy niyo sila dito sa apoy ng Impyerno!
Mga demonyo: Masusunod po, Haring Yama.
Narrator: Habang naghihintay si Yama at ang mga demonyo sa darating na mga
makasalanan, si Kiyoyori ay pumanaw at dumating sa impyerno.
Kiyoyori: Akoy pumanaw na, pero nasaan ako?... Sandali lang, bakit ang init? Ito ba
ang sinasabing Impyerno? Ok lang to, walang akong ikakatakot. Lahat ng taoy
makasalanan, at akoy tao at di naiiba sa karamihan, wala akong dapat ikakatakot.
Demonyo #1: HA! HA! HA! May naamoy akong parating na mga tao at sigurado ako
na silay mga makasalanan.
Demonyo #2: May mahihaharap na tayo muli sa ating mahal na hari sa wakas!
Demonyo #1: Bilis! Sabihin mo agad sa kay Haring Yama ang balita!
Demonyo #2: Mahal na hari! Ang unang grupo ng makasalanan ay darating na!
Yama: Dalian at itaboy sila agad sa apoy ng Impyerno!
Demonyo #2: Masusunod po, Haring Yama!
Demonyo #1: Ano ang sabi ng mahal na hari?
Demonyo #2: Ang utos ng hari ay bigla sila itaboy sa apoy.
Demonyo #1: Ok... Ayun! Parating na ang mga makasalanan dito!
Mga demonyo: Abot kamay lang ang Impyerno kayat halina dito. Wag nang isipin
na makakapunta kayo sa langit dahil hindi ito madaling marating.
Makasalanan #1: Akoy nakapatay ng isang tao lang, di ako dapat nararapat dito!

Mga demonyo: Ang buhay ng isang tao ay isang malaking bagay. Kinuha mo ang
buhay ng isang tao, iyon ay isang malaking kasalanan. Masunog ka sa apoy ng
Impyerno!
Makasalanan #2: Akoy palaging tumatakaw, dahil lang sa gayon, nararapat na ako
agad dito?!
Mga demonyo: Ikaw ay palaging nangunguha ng gamit na hindi nararapat sa iyo.
Ang mga gamit iyon ay pinaghirapan ng mga taong ninakawan mo, kaya ikaw ay
nararapat sa Impyerno.
Makasalanan #3: Tinapos ko lamang ang sarili kong buhay hinde ako nararapat
dito!
Mga demonyo: Binigyan ka ng panginoon ng isang buhay at itoy iyong isinayang
dapat ka masunog sa apoy ng impyerno!
Kiyoyori: Ako ay isang tagahuli ng ibon lamang, bakit ako nararapat dito?
Mga demonyo: Ikaw ay kumikitil ng buhay ng ibon mula umaga hanggang gabi.
Mabigat ang kasalanan mo. Nakakasiguro ako sa impyerno ang mararating mo.
Kiyoyoro: Sa totoo lang, hindi akoy kasing sama tulad ng mga iniisip niyo. Mas
makakabuti siguro kung sa langit niyo ako papuntahin.
Demonyo #1: Hindi pwede! Itatanong namin muna kay Haring Yama ang kaso mo.
Maghintay ka dito. Ikaw, itanong mo sa ating mahal na hari ang kanyang kaso.
Demonyo #2: Haring Yama!
Yama: Ano ang kailangan mo?!
Demonyo #2: Sabi ng isa sa mga bagong dating na makasalanan, siya raw ay
tagahuli ng ibon sa kapatagan. Kaya sabi namin sa kanya na dahil kumikitil siya ng
buhay araw at gabi, nakagawa siya ng mabigat na kasalanan at karapat dapat
lamang na pagusahan niya ito sa impyerno, pero ayaw niyang sumang-ayon dahil
iniisip niya hindi patas ang panghuhusga sa kaniya.
Yama: Dalhin mong makasalanan nayan dito ngayon din!
Demonyo #2: Masusunod po, mahal na hari!

Demonyo #1: Ano ang sabi ng mahal na hari?


Demonyo #2: Ang utos ng hari ay ipadala siya sa kanya ngayon din.
Mga demonyo: Ikaw! Sumama ka sa amin!
Kiyoyori: Saan tayo pupunta?
Demonyo #1: Sa hari ng Impyerno.
Mga demonyo: Heto napo ang makasalanang pinatawag ninyo.
Yama: Halika rito makasalanan! Nalaman kong buong buhay mo ay ginugugol mo sa
panghuhuli ng ibon. Iyan ay paglapastangan sa buhay. Ngayon ay dapat kang
masunog sa apoy ng Impyerno!
Kiyoyoro: Hindi kayo nagkakamali sa tinuran niyo tungkol sa akin, pero ipinakakain
sa mga palkon ang mga ibong hinuhuli ko. Wala naming nasasaktan sa ginagawa ko.
Yama: Isang uri din ng ibon ang palkon, diba?
Kiyoyoro: tama kayo.
Yama: Sa tingin ko hindi ganoon kabigat ang iyong kasalanan
Kiyoyoro: Mabuti naman po at umaayon kayo sa akin. Mas kasalanan iyon ng palkon
kaysa saakin kaya hinihiling ko po na papuntahin niyo ako sa langit.
Yama: Sandali lang! Akoy hindi pa nakakatikim ng ibon sapul na akoy maging hari.
Ihuli mo ako ng isa at gusto kong matikman ngayon din! Pag itoy nagawa, ibibigay
ko ang hiling mo.
Kiyoyoro: Napakadali niyan! Akoy huhuli ng maraming ibon para sa iyo.
Narrator: Biglang nanghuli ng mga ibon si Kiyoyori sa pagutos ng hari ng Impyerno.
Siyay nanghuli ng maraming ibon at pinatay upang maihanda ito para maluto para
sa hari.
Kiyoyori: Haring Yama! Ito na ang mga ibong nahuli ko!
Yama: Ikaw nga ay isang mahusay na tagahuli ng mga ibon. Ang aking tagapagluto
ay handa na, ibigay na ang mga ibong iyan sa kanya para akoy makakain na.

Tagapagluto: Halika at ibigay mo na sa akin ang mga iyan. Tulungan mo din ako sa
pagluluto dahil ang pagluluto ng ibong ay bago pa dito sa Impyerno.
Narrator: Para tanggapin ang hiling ni Kiyoyori, siyay nanghuli ng mga ibong at
tumulong sa pagluluto ito para makatikim ang hari ng Impyerno ng lasa ng
pagkaing ibon.
Yama: Magluto nalang ang tagal-tagal pa! Nasaan na sila at ang aking pagkain?!
Tagapagluto: Naririto na po ang iyong pagkain, mahal na hari!
Yama: Mga ang babagal niyo! Di na ako makapaghintay matikman ito! Ang sarap
nga! Ibang klase ito katulad ng mga aking kinakain!
Kiyoyori: Mabuti na man po na nasarapan kayo. Kayo diyan, gusto niyo din ba
matikman iyon?
Mga demonyo: salamat at gusto namin! Tama nga! Ang sarap talaga nito!
Yama: wala pa akong natikman kasing sarap nito. Dahil napakasarap ng handog mo
sa amin, maari kanang bumalik sa lupa at ipagpatuloy mo ang iyong paghuli sa mga
ibon sa loob ng tatlong taon pa.
Kiyoyori: tatanawin ko itong utang na loob.
Narrator: Ipinabalik si Kiyoyori sa lupa para magsimula ng bagong buhay. Binigyan
siya ng tatlo pang taon para mamuhay at manghuli ng ibon ulit. At bago pa siya
tuluyang bumalik sa lupa, pinabaunan siya ng koronang bato.

You might also like