You are on page 1of 31

KARAGATAN

AT
DUPLO
 

Kasanayang Pampagkatuto:
F8PB-Ia-c-22
Naiuugnay ang
mahahalagangkaisipang nakapaloob
sa karagatan at duplo sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.
 
PICK UP LINES…Tunog Makata
Ang paglalaro ng pick-up lines ay
nagtatampok ng pagiging malikhain ng
kabataan,maging nakatatanda sa kasalukuyan at
kung paano ka makapagbigay ng iyong
pananaw,saloobin at damdamin.Subukin mong
sagutin ang ilan sa pick-up lines na ito:

1.Bangin Ka ba?...Bakit?
__________________
2.Kape ka ba?...Bakit?
________________

3.Asukal ka ba?...Bakit?
_________________
4.Krayola ka ba? Bakit?
__________________

5.Espanyol ka ba?...Bakit?
___________________
Panuto: Basahin ang mga pahayag at

sabihin ang letrang K kung karagatan


ang tinutukoy at letrang D kung duplo
ang tinutukoy ng pahayag.

1.Ang kwento nito ay batay sa alamat ng


singsing isang dalaga na nahulog sa dagat.
2.Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na
duplero at ang mga babae ay tinatawag na
duplera.

3.Maaaring magpalabunutan para mapili ang


binatang unang bibigyan ng dalaga ng
talinghaga.
4. Ang parusa ay maaaring magpapabigkas
ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng
namatay.

5. Ang palmatorya ay isang tsinelas na


ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng
sinumang nahatulang parusahan.

 
KARAGATAN
Ang Karagatan ay isa sa itinuturing na
matandang anyo ng panitikan.  Ang Karagatan ay isa
larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng
isang yumao, subalit sa Katagalugan ang Karagatan
ay isang dulang nababatay sa isang alamat tungkol
sa singsing  ng isang prinsesa. Ang halimbawa ng
Karagatan ay ang isang alamat kung saan ang
singsing ng isang prinsesa ay nahulog sa gitna ng
dagat, pakakasalan ng dalaga kung sinuman ang
makakakuha nito.
 
DUPLO
Ang Duplo ay isang larong may kaugnayan
sa kamatayan ng isang tao at may layuning
aliwin ang mga naulila. Ito ay patula ngunit
hindi nangangailangan ng palagiang sukat at
tugma. Ang halimbawa ng duplo ay may
tauhang bilyako at bilyaka walang iisang paksa
isang madulang debate kung saan ang isa ay
magbibintang na krimen sa isa pa na
magtatanggol sa kanyang sarili.
 
Katangian ng Duplo
1.Isa itong larong may paligsahan sa pagtula.
2.Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero
at ang mga babae ay duplera.
3.Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag
naglalaro na.
4.Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng
hari sa pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang
parusahan.
5.Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng
mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay.
6.Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng
hari o kaya naman ay magsusumbong ang bilyako
sapagkat hinamak ng isang bilyaka.
7.Ginaganap sa bakuran/hardin ng isang
tahanan.
8.Tulad ng karagatan,ginaganap kapag may lamay
o parangal sa isang namatay.
9.Nagpapatalas ng isip sapagkat ang
pagmamatuwid ay daglian o impromptu.
10.Pinangungunahan ng isang matanda na
gaganap na haring tagahatol.
Katangian ng Karagatan
1.Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.
2.Ang kwento nito ay batay sa alamat ng singsing
ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
3.Pakakasalan ng dalaga ang binatang
makakakuha ng singsing.
4.Sa larong ito,hindi kinakailangang”sumisid” sa
dagat ang binatang nais magkapalad sa dalagang
nawalan ng singsing.
5.Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
 
6.May dalawang papag sa magkabila ng isang
mesang may sarisaring pagkaing-nayon.
7.Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.
8.Karaniwang isang matanda ang
magpapasimuno sa laro.
9.Maaaring magpalabunutan para mapili ang
binatang unang bibigyan ng dalaga ng talighaga.
10.Maaari pa rin ang pagpili ay batay sa
matatapatan ng tabong may tandang puti.
Kasaysayan ng Karagatan at duplo

• Ang Karagatan ay ginamit sa panliligaw


noon. Tulang laro na kalaunan ay
napupunta sa pagliligawan noong
panahon ng Espanyol.
• Ang Duplo naman ay laro sa paraan ng
pagtula tuwing may patay noong
panahon ng Espanyol.
Paraan ng paghahatol sa Karagatan at Duplo

Sa Karagatan ang taong mananalo ay kung


sino ang makasasagot sa talinghagang ibibigay
ng dalaga.Ito ay malalaman batay sa lakas ng
palakpakan ng nanonood o nakikinig ng
talinhaga.

Sa Duplo ang hari ang magpapasya kung sino


ang mananalo sa pamamagitan ng
pagpapahayag ng mga katwiran ng Bilyako at
bilyaka.
PANUTO:Isulat sa talahanayan ang hinihingin
datos sa larong Karagatan at Duplo.

KARAGATAN DUPLO

1.Paksa

2.Layunin

3.Mga tauhan

4.Katangian

5.Paghatol
Ang Ibon ng Hari

Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo.


Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo.
Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo.
Hari: Tribulasyon!
Lahat: Tribulasyon!
Hari: Estamos en la Buena
composicion.(Titindig)
1. ay paglalarong mahusay!
Ang magulo ay mahalay
Sa mata ng kapitbahay.
Mga binibini at mga ginoo,
Matatanda’t batang ngayo’y naririto,
Malugod na bati ang tanging handog ko
sa pagsisimula nitong larong duplo.
Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal,
Asero ang pinto’t patalim ang urang;
Ngunit at nawala ang ibon kong hirang,
Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw!
Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw.
Hari: Sino ang nagnakaw?
Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang
b’wan;
May isang aninong aking natanaw;
Hindi sinasadya, nang aking lapitan
Isang babae po, iyang natagpuan.
 
At kitang-kita kong ikinubli niya.
Siya’y naririto at nasa tribuna,
Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!
Hari: Diyata’t bilyaka?
Sino sa kanila?
Bilyako 1: Sa unang hanay po.
Bilyaka 2: H’wag paniwalaan.
Siya’y bulaan!
(Magkakaingay)
Hari: (Sa lahat) Katahimikan!
(Sa Bilyako 1) Mapatototohanan?
Bilyako 1: Ako’y nalalaan!
Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya,
Hindi maaari’t kami’y magkasama;
Kami’y namamasyal ng irog kong sinta,
Pa’nong mananakaw ang ibon sa hawla?
Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino
At pakaasahang parurusahan ko.
Bilyaka 2: Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang hanay,
Doon nakaupo nang buong hinusay,
Walang iba kundi kanyang kasintahan
(Ituturo)
Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang?
Hari: Pinararatanga’y hindi umiimik,
Tila nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-
iisip)
Sapagkat may sala
Heto, palmatorya! (Akmang papaluin)
(Siyang pagdating ng abay ng reyna
Abay ng Reyna: Mahal na hari po, ibo’y aking dala,
Isasauli ko sa kinunang hawla;
Kagabi po ito’y kinuha ng reyna
Siya ay nag-aliw sa pangungulila!
 
Hari: Kung gayon ay walang dapat
parusahan!
Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan.
Kung uulitin pa’y ipagbibigay-alam
Nang huwag ang iba ang
mapagbintangan.
Abay ng Reyna: “Pinagbigay-alam sa inyong
gward’ya”,
Baka nalimutan at nalingat
siya.
Hari: Maraming salamat, bilyaka’t bilyako

Ngayo’y tinatapos itong larong duplo.


Paalam sa lahat, salamat sa inyo,
Muling magkikita pag naglaro tayo.
-halaw sa talindaw nina Abueg, E.R. et., al.
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng mga pahayag sa
Hanay A.

Hanay A HANAY B

1.Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa a. hardin

2.Ito ay ginaganap sa______ ng isang b. aliwin ang sarili


tahanan.
3.Tawag sa gumaganap sa larong c.nawawalang
duplo. ibon

4.Kinuha ng reyna ang ibon upang ____. d. hari

5.Tagahatol sa larong duplo . e.bilyako


Sino-sino ang bumubuo
sa larong duplo?sa larong
karagatan?
Bakit masasabing
mahirap na mga laro ang
dalawang anyong ito ng
panitikan?
Sa iyong palagay dapat
bang palaganapin ang
larong karagatan at duplo
hanggang sa panahon
natin ngayon?Bakit?
Panuto: Magbigay ng mga nakagisnang
kaugalian sa lamay o patay na patuloy pa ring
sinusunod sa kasalukuyang panahon.
Sumulat ng isang repleksyong
naglalaman ng iyong damdamin tungkol sa mga
asal na nasa karagatan at duplo.
MARAMING
SALAMAT!!!

You might also like