You are on page 1of 2

Ang Duplo at Karagatan ay isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan.

Ang Karagatan ay isa


larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang yumao, subalit sa Katagalugan ang Karagatan ay
isang dulang nababatay sa isang alamat tungkol sa singsing ng isang prinsesa. Ang halimbawa ng
Karagatan ay ang isang alamat kung saan ang singsing ng isang prinsesa ay nahulog sa gitna ng dagat,
pakakasalan ng dalaga kung sinuman ang makakakuha nito.

Ang Duplo ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at may layuning aliwin ang mga
naulila. Ito ay patula ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma. Ang halimbawa ng
duplo ay may tauhang bilyako at bilyaka walang iisang paksa isang madulang debate kung saan ay isa ay
magbibintang na krimen sa isa pa na magtatanggol sa kanyang sarili

Katangian ng Duplo at Karagatan

Katangian ng Duplo

tinatawag na duplero ang mga lalaking kasali at duplera naman sa babae.

ang mga maglalaro ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.

ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang
parusahan

ang parusang pinapataw ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay .

Katangian ng Karagatan

ang kwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat

ang binatang makakakuha ng singsing ay ang pakakasalan ng dalaga

sa laro na ito ay hindi na kailangang sumisid sa dagat ang lalaki na nais magkapalad sa dalagang nawalan
ng singsing

ang laro ay ginaganap sa bakuran ng isang bahay

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Katangian ng Duplo at Karagatan tignan ang link na ito:
brainly.ph/question/80114

Kasaysayan ng Karagatan at duplo

Ang Karagatan ay ginamit sa panliligaw noon. Tulang laro na kalaunan ay napupunta sa pagliligawan
noong panahon ng Espanyol.
Ang Duplo naman ay laro sa paraan ng pagtula tuwing may patay noong panahon ng Espanyol.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa kasaysayan ng Karagatan at Duplo tignan ang link na
ito:brainly.ph/question/19271

Paraan ng paghahatol sa Karagatan at Duplo

Sa Karagatan ang taong mananalo ay pag nasagot ang ibig sabihin ng mga salitang matalinghaga.

Sa Duplo ang mananalo ay sa pamamagitan ng pagpalakpak ng mga manonood o mga nakikinig sa nag
papalitan ng mga talinhaga.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Paraan ng paghahatol sa Karagatan at Duplo tignan ang link na ito:
brainly.ph/question/380438

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/25759#readmore

You might also like