You are on page 1of 4

Panulaang Pilipino

Elemento/Sangkap ng Tula

A. Sukat

Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.

Halimbawa:
 bata– ba ta – dalawang pantig
 isda ko sa Mariveles – is da ko sa Ma ri ve les – walong pantig

Mga Uri ng Sukat


1. Wawaluhin
Halimbawa: Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin
Halimbawa: Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
3. Lalabing-animin
Halimbawa: Sari-saring bungang kahoy, hinog na at matatamis
4. Lalabingwaluhin
Halmbawa: Tumutubong mga palay, gulay, at maraming mga bagay

B. Sesura

Sa mga tulang may sukat na lalabindalawahin ay may bahagyang pagtigil sa pagbabasa


sa bawat ikaanim na pantig ng taludtod; samantala sa lalabingwaluhin ay sa ikasiyam na
pantig. Ang bahagyang tigil na ito ay tinatawag na sesura.

Halimbawa:

Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw


Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin
Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga panaginip
Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig, pag-ibig!
Tandaan: Sa tulang may sukat na lalabindalawahin, ang sesura ay bumabagsak sa
ika-6 na pantig, sa tulang lalabing-animin ang sesura ay nasa ika-4 o ika-8 pantig,
at sa tulang lalabingwaluhing pantig, ang sesura ay nasa bawat 6 na pantig ng
taludtod.

C. Estropa

Ang estropa o saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming
taludtod.

 2 linya - couplet
 3 linya - tercet
 4 linya - quatrain
 5 linya - quintet
 6 linya - sestet
 7 linya - septet
 8 linya - octave

Ang couplets, tercets, quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.

D. Tugma

Ito ay pagkakatulad ng tunog ng huling salita sa bawat taludtod.

2 uri ng tugmaang pantig

a) Tugmaang ganap – ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod ay


magkakasintunog at magkatulad ng diin at tuldik

Halimbawa:
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking mumunting mukha
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
Ni ibon, ni tao’y hindi matuwa
“Punongkahoy” Jose Corazon de Jesus
b) Tugmang karaniwan – ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod ay
magkakatulad ng tunog ngunit magkakaiba sa diin.

Halimbawa:

Kung siya mong ibig na ako’y magdusa


Langit na mataas, aking mababata
Ako’y minsan-minsang mapag-alaala
Isagi mo lang sa puso ni Laura
“Florante at Laura” Franciso Balagtas

2 uri ng tugmaang katinig


a. Unang pangkat na binubuo ng mga katinig na B, K, D, G, P, S, at T ay magkakapareho
ng tunog ayon sa patinig na nasa kanilang unahan.

Halimbawa:

Ang salpok ng mga alo’y sa talampas nababasag


At sa hangi’y sumasama sa rurok ng alapaap
Parang diwa ng makata kung mayroong sinusulat
Humahantong sa palasyong lundu-lundong mga ulap
“Ang Dagat” Rafael Sabino

b. Ikalawang pangkat ay binubuo ng mga katinig na L, M, N, NG, R, W, at Y na


magkakapareho ng tunog ayon sa patinig na nasa kanilang unahan.

Halimbawa:

Kilala kang sa sangkalupaan


At tanang nilikha, ang Hari ay ikaw
Ang pag-usap mo at dunong kung minsan
Pati kay bathala ay nagmamayabang
At talastas ko ring ang kaligayahan
Ay siya mong mithi habang nabubuhay
“Nangungusap ang Kasaysayan” Lope K. Santos
E. Tayutay
F. Aliw-iw/Indayog – ito ay ang diwa ng tula.

You might also like