You are on page 1of 7

z

Katuturan ng Tula
z
Katuturan ng Tula

 Ang tula ay isang anyo ng panitikan na naglalaman ng


damdamin ng tao. Ito ang sumisimbolo sa nadarama ng
isang tao. Ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng
mga salita. Mula da puso ang mga salita na ginagamit dito.
Ang mga pantig ng salita ay dapat may bilang at tugma
upang mas maipahayag ng maayos at may damdamin ang
mensahe na nais ipahatid ng manunulat. Ito rin ay binubuo
ng taludtod at saknong
z

 Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, “Ang tula ay


isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan,
ngkariktan, ng kadakilaan, - ang tatlong bagay na
magkakatipon-tipon sa isang kaisipan upang
mag-angkin ng karapatang matawag na tula.”
z

 Para naman kay Fernando Monleon, “Ang tula ay


panggagagad, tulad ng panggagagad ng isang pintor,
ng isang manlililok, at ng isang artista sa tanghalan.”
Idinagdag din niyang “ang saklaw ng tula ay higit na
malawak kaysa sa alinman sa mga ibang gagad na
mga tinig, kahit pagsasamahin pa ang mga iyon.”
z

 Ipinahayag naman ni Alejandro G. Abadilla na “ang


tula ay kamalayang nagpapasigasig.”
 Sinabi naman ni Iñigo Ed Regalado: “Ang tula ay
isang kagandahan, dula, katas, larawan, at
kabuuan ng tanang kariktang nakikita sa silong ng
alin mang langit.”
z
z

You might also like