You are on page 1of 2

Pangalan: Sophie Jane O.

Alipater Kurso: BSED Filipino

Panuto ipaliwanag ang mga sumusunod:


 Ano ang tula?
Ang tula ay isang anyo ng sining at panitikan na naglalayong maipahayag
ang damdamin sa malayang pagsulat. Binubuo ito ng mga saknong at
taludtod. Kilala rin bilang patulang panitikan.

Estruktura ng Tula
 Tugma- Sinasabing may tugma ang tual; kapag ang huling pantig ng huling salita
ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas
ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
 Sukat- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa
isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
 Tono- Ito ang paraan ng pagbigkas ng tiula tulad ng pagbibigay-diin sa mga
pantig sa taludtod. Tumutukoy sa pagbaba at pagtaas ng tono o pagbigkas.
Dapat isaslang-alang ang diwa ng tula.

 Ano ang Tayutay?


Ang tayutay (Figure of Sppeech) ay ang mga matatalinghagang pahayag
na ginagamit upang mas mapayaman ang pagsasalaysay o paglalarawan
sa isang malikhaing akda.

 Mgbigay ng sampung uri ng tayutay at bigyan ng halimbawa ang bawat isa.

1. Pagtutulad o Simili- Halimbawa:. Ang buhay ng tao ay tulad ng araw,


habang may buhay ay may pag-asa.
2. Pagwawangis o Metapora- Halimbawa: Ang buhay ay araw, mainit at
nakakasilaw.
3. Pagbibigay-Katauhan o Personipikasyon- Halimbawa: Ang araw ay
nakangiti sa kalangitan.
4. Pag-uyam - Halimbawa: Napakaganda nya pag nakatalikod.
5. Pasukdol- Halimbawa: Nakita ko siyang nakahandusay, walang malay
duguan at walang pulso.
6. Pagtanggi o Litotes- Halimbawa: Hindi siya nag-iingat sa kanyang
ginagawa.
7. Paglilipat-wika- Halimbawa: Ang matalinong pluma ni Rizal ang
nagbigay sa atin ng kalayaan,
8. Anapora- Halimbawa: Kahirapan ay hindi hadlang sa upang maging
matagumpay sa buhay. Kahirapan ang dahilan upang magpursige.
Kahirapan ang huhubog sa iyong dedikasyon sa buhay.
9. Aliterasyon-Halimbawa: Si Karlo ay kakulay ang kanyang kapatid na si
Kaluy na nag-aaral sa kapatagan ng karatig kanluran.
10. Apostrope o Pagtawag- Halimbawa: Upuan, upuan umayos ka.

 Ano ang Idyoma?


Ang idyoma ay isang matalinghagang pagpapahayag ng isang ideya.
Malayo ito sa komposisiyonal na paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito
ay itinuturing na hindi tueirang pagbibigay kahulugan.

 Magbigay ng sampung halimbawa ng idyoma at ang kahulugan nito.

1. Maitim ang budhi- tuso


2. Kapilas ng buhay-asawa
3. Kusang palo- sariling sikap
4. Usad pagong- mabagal kumilos
5. Itaga sa bato- ilagay sa isip
6. Ibaon sa hukay- kalimutan
7. Pagsunog ng Kilay- Pag-aaral ng mabuti
8. Baha gang buntot- duwag
9. Bukas ang palad- matulungin
10. Buwayang Lubog- taksil sa kapwa

You might also like