You are on page 1of 2

Ang Banghay-Aralin sa Filipino

“Pagbabagong Morpoponemiko"
I.  Layunin:
            Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.    Nakapabigay ng higit sa dalawang halimbawa sa mga proseso ng
pagbabagong morpoponemiko.
b.    Naipapakita ang kahalagahan ng pagwawasto ng mga salita ayon sa mga
katabi nitong pantig.

II. Paksang-Aralin
Panitikan: Pagbabagong Morpoponemiko
Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
Kagamitan: Libro, LED TV, Laptop at Marker
Sanggunian: Makabagong Balarilang Filipino ni Alfonso Santiago, S. 2003
Sining sa Pagsasaling wika Santiago, Alfonso. 1997

III. Pamamaraan:

A. Panalangin, Pagpapa-ehersisyo, Pagbati, Pagtala ng mga lumiban sa klase

B. Pagbabalik-aral: Pagsasagot sa mga tanong tungkol sa nakaraang talakayan.

C. Pagganyak: Ang palarong ito ay tinatawag na “Tumpak, Ligwak, Ganern!” Ang mga
mag-aaral ay hahatiin sa tatlong pangkat gagawa sila ng malaking bilog kung saan
sama-sama nilang sagutan ang dash board gamit ang chalk. Ang bawat pangkat ay
may sampung sigundo lamang upang isulat ang sagot at mag uunahan sa pagtaas
ng dash board at sasabihin ang salitang “Ganern”. Kung naibigay ng pangkat ang
tamang sagot ay sasabihin ng guro ang salitang “Tumpak” at kung mali naman
sasabihin ng guro ang salitang “Ligwak”. Pataasan ng puntos hanggang matapos
ang sampung katanungan.

D. Pag-alis ng sagabal:
Tatawag ng mga mag-aaral na bigyang kahulugan ang mga salitang isinulat nila sa
larong “Tumpak, Ligwak, Ganern!”

E. Aktibiti (Tuklasin):
Tatawag ng dalawa hanggang anim na mag-aaral. Ipapabasa ang mga salita at
kahulugang nakalimbag sa libro tungkol sa pagbabagong morpoponemiko.

F. Analisis (Linangin):
Natutukoy ang ibat-ibang uri ng pagbabagong morpoponemiko

G. Abstraksiyon (Pagnilayan at Unawain)


Magbibigay ng mga halimbawa sa pagbabagong morpoponemiko.

H. Aplikasyon:
Sa isang kalahating papel (1/2) magbigay ng tig-dadalawang halimbawa ng mga salita
ayon sa pagbabagong morpoponemiko sa asimilasyong ganap, di-ganap, pagpapalit
ponema (d/r) pagpapalit ponema (h/n) metatesis, pagkakaltas ponema at paglilipat diin,

IV. Pagtataya

Sa sagutang papel tukuyin ang uri ng pagbabagong morpoponemiko. Isulat ang Ganap,
Di Ganap, Pagpapalit ponema (h/n), Pagpapalit ponema (d/r), Metatesis pagkakaltas ng
ponema at paglilipat diin.

Katanungan Kasagutan
1. pang-+bayan= Pambayan Di Ganap
2. pang-+palo= Pampalo-Pamalo Ganap
3. ma-+dunong= Marunong Pagpapalit ponema (d/r)
4. tawa-+han=Tawahan-Tawanan Pagpapalit ng (h/n)
5. tanim-an= Taniman-Tamnan Metatesis

V. Takdang Aralin

Sa iyong kwaderno magbigay ng mga halimbawa ng uri ng pagbabagong


morpoponemiko. Isulat din ang prosesong nagaganap sa pagbabaagong
morpoponenimjko.

Inihanda ni:
Bnb. Sophie Jane O. Alipater

You might also like