You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino 4

Annamae L. Paner Ika- 18 ng Abril, 2023


Guro Petsa

Tabionan Integrated School Ika- 8 ng umaga


Paaralan Oras

Ika- 3 F4WG-IIIf-g-10
Markahan CG Code

I. Mga Layunin

Sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain, ang mga mag- aaral sa ika- apat na
baiting na may 75% na kawastuhan ay inaasahang:

A. nakapagbibigay- kahulugan sa pang- angkop;

B. nakatutukoy sa gamit ng pang- angkop na “-ng” at “na”;

C. nakagamit ng pang- angkop sa pangungusap at pakikipagtalastasan; at

D. nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng pang- angkop.

II. Nilalaman

Paksa: Mga Pang- angkop

Mga Kakayahan: paghihinuha, pagmamasid, pag- uuri, wastong


………………………… pakikinig, pagbabasa, at pagbuo ng pangungusap

Integrated Subjects:

ESP: pagiging masunurin, masipag, at responsable

Math: pagbibilang

Music: pag- awit

English: pagbuo ng pangungusap, paghihinuha

Mga Sanggunian: Bagong Aklat Tungo sa Globalisasyon ni Lydia P.


………………………… Lalunio, et. al, pahina 290- 291

Bagong Filipino sa Salita at Gawa ni angelita L. Argon, ……


……et. al, pahina 220- 222

Ugnayan Wika at Pagbasa ni Magdalena O. Jocson, et. al,


…. pahina 188-190

Mga Kagamitan: mga tsart na naglalaman ng mahahalagang ideya,

flashcards, mga larawan, pares ng mga titik, isang kahon


na naglalaman ng mga piraso ng papel na may mga

salita/bilang, mga piraso ng kartolina, at mga papel para sa

pasulit

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Paghahanda

Ipapangkat ng guro ang mga mag- aaral sa tatlo (3) sa


pamamagitan ng pagbibilang at magkakaron ng larong “Pic-to-Word” na
kung saan may mga larawan na makikita at aalamin ng mga mag- aaral
kung anong mga salita ang mabubuo kapag pinagsama ang dalawang
larawan.

Bawat grupo ay magkakaroon ng representante para bumunot ng


bilang para malaman kung anong pangkat ng mga larawan ang kanilang
sasagutan. Magbibigay muna ng halimbawa ang guro bago susubukang
sagutan ng mga mag- aaral ang mga larawan. Ang grupo na may
pinakamaikling oras ng pagsagot ang mananalo at bibigyan ng sampung
(10) puntos.

Mga Halimbawa ng Guro:

1.
pula + laso = pulang laso

2.
pagkain + masarap = pagkaing masarap

3.
maliit + pusa = maliit na pusa

Mga Salitang Bubuoin ng mga Mag- aaral:

puting papel ulang malakas mainit na kape


bagong damit sasakyang mabilis mahusay na guro
sirang sapatos ibong lumilipad bilog na bola
Pagkatapos ng gawain, ipapaskil ng guro ang mga nahulaang
larawan at salita sa pisara at ipapabasa ang ang mga salita.

2. Paglalahad ng Aralin

Ang guro ay magtatanong ng mga sumusunod:

1. Ano ang inyong napapansin sa mga salita sa pisara?

(Sinalungguhitan ang “ng”, “na” at “-g“.)

2. Saan matatagpuan ang mga katagang may salungguhit?

(sa gitna ng dalawang salita)

3. Ano ang gamit ng mga katagang “-ng”, “na” at “-g”? (Sila ang

nag- uugnay sa mga salita sa mga salitang binibigyang-


……...turing.)

B. Panlinang na Gawain

1. Pagtatalakay ng Aralin

1. Ano ang tawag sa mga katagang ito? (Pang- angkop)

2. Ano- ano ang mga pang- angkop? (na, ng, at -g)

3. Kailan natin gagamitin ang pang- angkop na “na”?

(Kapag ang huling titik ng sinusundang salita ay nagtatapos sa


katinig maliban sa “n”. Halimbawa: makisig na binata)

4. Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga salitang napag- ugnay


ng pang- angkop na “na”. (Iba’t ibang sagot)

5. Kailan natin gagamitin ang pang- angkop na “-ng”?

(Kapag ang huling titik ng sinusundang salita ay nagtatapos sa


patinig. Halimbawa: pulang rosas)

6. Magbigay ng iba pang halimbawa ng dalawang salitang napag-


ugnay ng pang- angkop na “-ng”. (Iba’t ibang sagot)

7. Kailan naman natin gagamitin ang pang- angkop na “-g”?

(Kapag ang huling titik ng sinusundang salita ay nagtatapos sa


titik “n”. Halimbawa: hanging malakas)

8. Magbigay ng iba pang halimbawa ng dalawang salitang napag-


ugnay ng pang- angkop na “-g”. (Iba’t ibang sagot)
2. Mga Pagsasanay

A. Gamit ang flashcards na may nakasulat na dalawang salita, ….


iuugnay nila ato gamit ang tamang pang- angkop at sasabihin
ang bagong mga salita.

B. Sa parehong grupo, magkakaroon sila ng isang gawain.


Bibigyan sila ng guro ng kartolina na may nakasulat na dalawang
salita at ng mga piraso ng papel na may pang-angkop. Dapat
nilang idikit ang mga pang- angkop sa angkop na mga pares ng
salita para mapag- ugnay ang mga ito. Gagawin nila ito sa loob ng
limang minuto.

Pagkatapos ng oras, ipapaskil nila ang kanilang mga ginawa


sa pisara at babasahin ng lahat ng miyembro ng grupo ang ng
kanilang mga sagot. Ang ibang grupo naman ang kikilatis kung
tama ba ang kanilang mga sagot.

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagbibigay Tuntunin sa Wika

Ang guro ay magtatanong ng mga sumusunod:

1. Ano ang pang- angkop? (Ito ang katagang ginagamit sa


…………………… …pag- uugnay ng isang salita sa salitang tinuturingan nito.)

2. Kailan gagamitin ang pang- angkop na “-ng”? (Kapag ang


huling titik ng sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig.)

3. Kailan gagamitin ang pang- angkop na “na”? (Kapag …ang


huling titik ng sinusundang salita ay nagtatapos sa …katinig
maliban sa n.)

4. Kailan naman natin gagamitin ang pang- angkop na “-g”?

(Kapag ang huling titik ng sinusundang salita ay nagtatapos sa


titik “n”.)

5. Bakit mahalaga ang pang- angkop? (Dahil ito ay nagpapadulas


sa pagbigkas ng mga salita.)

2. Pakikipagtalastasan

Kakanta ang buong klase ng kantang “Leron- Leron Sinta” habang


ipinapasa ang isang bola. Sa pagsabi ng guro ng “Hinto”, kung sinuman
ang mayhawak ng bola ang siyang bubunot sa pagpipiliang mga larawan
at dapat na gumawa ng isang (1) pangungusap na may pang- angkop
tungkol sa larawang napili. Gagawin ito sa loob ng tatlo hanggang limang
(3-5) minuto.
IV. Pagtataya

Panuto: Lagyan ng tamang pang- angkop ang dalawang salita sa bawat


………...bilang. Gamitin ito sa pangungusap pagkatapos.

1. matindi___ trapik

Pangungusap:__________________________________________

______________________________________________________

2. atin___ sarili

Pangungusap: _________________________________________

_____________________________________________________

3. makapal ____ aklat

Pangungusap: ________________________________________

____________________________________________________

4. handa___ tumulong

Pangungusap: ________________________________________

____________________________________________________

5. mahusay___ mag- aaral

Pangungusap: ________________________________________

____________________________________________________

V. Takdang- aralin

Panuto: Sumulat ng limang pangungusap na gumagamit ng mga pang-


…………angkop na “-ng”, “na”, at “-g”. Gamiting paksa ang “Ang Aking
…………Pamilya”. Isulat ito sa isang (1) buong papel.

You might also like