You are on page 1of 4

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Prepared by: Dindo D. Mansanadez

I. Layunin:
Sa loob ng 1 oras inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Natutukoy ang mga salitang magkasingkahukugan at magkasalungat.
2. Mabigyan ng kaalaman tungkol sa magkaiba at magkaparehas na mga salita.
3. Makapagbibigay nang mga halimbawa na salita na magkasingkahukugan at
magkasalungat.

II. PaksangAralin
a. Paksa: Pang-uring Magkasalungat at Magkasingkahulugan
b. Sanggunian: Batayang Aklat sa Filipino, Baitang V Yunit III p 132 - 136
c. Kagamitan: Laptop ,Powerpoint, Dalawang kahon na may lamang larawan at mga
larawan ng ibat-ibang reaksyon ng mukha.

III. Pamamaraan

Aktibiti ( 5 minutes)

Paglalaruin ng guro ang mga studyante. Papangalanan ang laro ng ‘SUNDIN


MO KO’T HANAPIN’.
Mahahati ng dalawang grupo ang klase. Ang bawat grupo ay mabibigyan ng
tig isang box o kahon na may mga lamang mga papel na may nakasulat na naguutos
tungkol sa magkasingkahulugan at magkasalungat. May mga larawan na nakadikit sa
mga pisara na kung saan nila hahanapin ang mga kaparehas at kabaliktaran ng mga
nasa loob ng kahon. Ipapasa ang mga kahon sa bawat miyembro ng grupo habang
inaawit ang “Ang tatlong Bibe” at kapag sinabi ng guro na “Stop”, kung kanino
huminto ang kahon, siya ang bubunot at sundin at sagutin ang nakasulat sa papel.
Kukunin sa pisara ang sagot at idikit muli ng naayon sa tanung na nakuha.

Analisis ( 5 minutes)
Pangkatin ang mag-aaral at ipasagot ang mga sumusunod:
1. Ano sa tingin niyo ang tawag sa mga pinagsama-samang mga larawan?
2. May pagkakapareho ba o pagkakaiba ng kahulugan ang bawat magkakasamang
larawan? Kung mayroon, anu
ang mga tawag sa mga ito?
Talakayan ( 10 Minutes)

Gamit ang powerpoint ipapakita ng guro ang kabuuan ng pang-uring


magkasalungat at magkasingkahulugan.

Guguhit ng talahanayan ang guro sa board upang maging gabay sa talakayan.


Mga mag-aaral ang sasagot at magsusulat ng impormasyong bubuo sa talahanayan.
Humingi sa klase ng sarili nilang mga halimbawa.

MAGKASINGKAHULUGAN MAGKASALUNGAT
Hal: Matipid - Masinop Hal: Maganda - Pangit

Abstraksyon (10 minuto)

Pagkatapos mapunan ang talahanayan, itatanong ng guro ang mga sumusunod:


1. Ano ang ibig sabihin nang pang-uri?
2. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang magkasingkahulugan?
3. Ano ang kahulugan ng mga salitang magkasalungat?
4. Magbigay nang halimbawa nang salitang pang-uring magkasalungat?
5. Magbigay nang halimbawa nang salitang pang-uring magkasingkahulugan?

Aplikasyon (10 minutes)

I. Idikit sa patlang ang kung ang pangkat ng mga salita ay magkasingkahulugan,


at kung ito ay magkasalungat.

_____ 1. Dalisay - Malinis


_____ 2. Masaya - Maligaya
_____ 3. Maliwanag - Madilim
_____ 4. Mabilis - Matulin
_____ 5. Magaspang - Makinis
_____6. Maluwang - Malawak
_____ 7. Marami - Sagana
_____ 8. Maganda - Pangit
_____ 9. Matamis - Maasim
_____ 10. Matigas - Malambot
II. Isulat ang MK kung magkasingkahulugan ang dalawang salitang may guhit at MS
kung magkasalungat.

1. Malakas pa ang aking tatay. Ang tiyo ko ay mahina na.


2. Masarap ang niluto kung ulam at malinamnam ito.
3. Maingay ang mga bata sa daan. Tahimik naman ang mga bata sa loob
nang bahay.
4. Masinop siya katulad ng nanay niya. Siya ay matipid na bata.
5. Umakyat sa mataas na puno ang lalaking matangkad .

III. Pangakatin ang mga bata ng tatlong pangkat.

Ang bawat pangkat ay bubuo nang tig limang (5) pangungusap na naglalaman
nang pang-uring magksaingkahulugan at limang (5) pangungusap na guamagamit
nang pang-uring magkasalungat.

IV. EBALWASYON

Pangwakas na Gawain

A. Isulat sa sagutang papel ang kasalungat ng mga salitang may salungguhit


sa pangungusap.
1.Masaya ang pamilyang namumuhay na may pagmamahalan.
2.Binigyan ng malaking halaga ang kanyang ina para gawing puhunan sa negosyo.
3.Malapit na ang Abril, kaylangang maghanda sa pagtatapos ng klase.
4.Bibilhan kita ng bagong damit sa iyong kaarawan.
5.Mabilis tumakbo ang batang pinagalitan ng ama.

B. Isulat sa sagutang papel ang kasing kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Ang kanilang angkan ay mayaman sa buong Pasig.
2. Napakainam maligo sa malinis na tubig.
3. Hinahangaan si Carlo dahil isa siyang matalinong mag-aaral.
4. May malawak silang lupain sa Negros.
5. Malakas ang pangangatawan kung palaging kumakain ng gulay at prutas.

Takdang Aralin

Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga nakasulat na pang-uri. Gamitin sa


pangungusap ang mga sagot.

You might also like