You are on page 1of 7

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 5

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan sa paksang “Bahagi ng Pangungusap”, ang 90% na mag-aaral sa
ikalimang baitang ay inaasahang:
a. Natutukoy kung ano ang simuno at panaguri ng pangungusap.
b. Nabibigyang halaga ang mga bahagi ng pangungusap sa pakikipag-usap sa ibang
tao sa pamamagitan ng simpleng dula-dulaan.
c. Nakasusulat ng sariling halimbawa ng pangungusap gamit ang mga bahagi nito.

II. Paksang-Aralin

a. Paksa: Bahagi ng Pangungusap


b. Sanggunian: https://www.slideshare.net/mobile/vaneza22/vanx-bahagi-
ngpangungusappptmaambermiso1
c. Kagamitan: Laptop, isang buong papel, at tisa
d. Values: Kooperatib na pagkatuto at pagkakaisa.
e. Estratehiya sa Pagtuturo: Inductive method at Ang pagtuturong nakapocus sa
mag-aaral (Learner-centered teaching).

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimula

Magsitayo ang lahat at tayo’y manalangin

Iyuko natin ang ating mga ulo at damhin ang


presensya ng Panginoon.

Ama naming… Amen


Magandang Hapon sa inyo mga bata! Magandang Hapon din po!

Bago kayo magsiupo, pulutin niyo muna ang


mga kalat sa ilalim ng inyong upuan at itapon
ito sa basurahan.

Sige magsiupo na kayo. Lahat ba sa inyong


mga kaklase ay pumasok? Opo.
Mabuti naman.

B. Pagbabalik-Aral Ang Liham-Pangkaibigan ay ay ginagagamit


Ano ang Liham-Pangkaibigan? bilang instrumento sa
(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang pakikipagkomunikasyon. Karaniwan ito ay
tanung). pag-aanyaya, pangangamusta, pakikiramay,
pagbati, pasasalamat, at paghingi ng payo.
Tama. Anu-ano naman ang mga bahagi ng Ang mga bahagi ng Liham-Pangkaibigan ay
Liham-Pangkaibigan? (magtatawag ng mag- ang Pamuhatan, Bating Panimula, Katawan
aaral para sagutan ang tanung). ng Liham, Bating Pangwakas at Lagda.

C. Pagganyak

Narito ang mga halimbawa ng larawan.


Sinong makabubuo ng pangungusap batay sa
mga larawang ito?
(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang
tanung).

a.
 Ang bulaklak ang kulay pula.
 Ang bulaklak ay maganda.
 Ang bulaklak ay mabango.

b.

 Masarap ang lechong baboy.

c.
 Ang mga bata ay naglalaro.

d.
 Ang tanawin ay maganda.
 Ang bundok ay matarik.

 Ang simbahan ay Malaki.


e.  Pumupunta ako sa simbahan tuwing
lingo.
 Nagdadarasal ako sa simbahan.

Mahusay! Lahat ng mga sinabi ninyo ay tama.


Ngayon ano ang napansin ninyo sa mga Ang mga pangungusap po na gumamit namin
pangungusap na inyong ginamit? ay tumutukoy sa larawan na paksa nito.
(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang
tanung).

Tama. Ang bawat pangungusap na inyong


ginamit ay tumutukoy sa larawan na siyang
paksa ng pinag-uusapan.

Paano kayo nakabuo ng pangungusap gamit Inilarawan po namin ang katangian nga
ang mga larawan? bawat litrato.
(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang
tanung).

Magaling! Sa inyong palagay, ano ang tawag


Simuno po.
sa bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa
paksa nito?
(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang
tanung).

Tama. Ito ay ang Simuno.


Ano naman ang tawag sa bahagi ng Panaguri po.
pangungusap na naglalarawan sa simuno o
paksa?
(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang
tanung).

Tama ito ay ang Panaguri.

Para sa araw na ito, pag-aaralan natin ang


bahagi ng pangungusap (simuno at panaguri).

Bago tayo mag-umpisa sa ating aralin aking


ilalahad ang ating mga layunin sa ating pag- a. Natutukoy kung ano ang
aaral. (ipapakita ng guro ang mga layunin sa simuno at panaguri ng
screen ng laptop at magtatawag ng mag-aaral pangungusap.
para bumasa.) b. Nagagamit ang mga bahagi ng
pangungusap sa pakikipag-
usap sa ibang tao
c. Nakasusulat ng sariling
halimbawa ng pangungusap
gamit ang mga bahagi nito.
Mayroon pong simuno ay panaguri.
D. Pagtatalakay sa Aralin

Ngayon, ano ang kahulugan ng pangungusap?


(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang
tanung).

Tama. Ang pangungusap ay kalipunan ng


mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa Simuno at Panaguri po.
at nagtatapos sa tuldok.

Anu-ano ang mga bahagi ng pangungusap?


(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang Ito po ay ang pinag-uusapan o paksa sa
tanung). pangungusap.

Tama. Ano naman ang tinutukoy ng simuno?


(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang
tanung).

Mahusay. Ang Simuno o paksa ang bahaging


pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa
loob ng pangungusap. Ito ay maaring
pangalan ng tao, bagay, hayop at iba pang
pantanging pangalan.

Halimbawa:
Ang mga nasalangguhitan sa pangungusap ay
ang simuno o paksa nito.
Sila Marco, Kelly at Peter ay magaling
 Si Tony ay nagdidilig ng halaman. sumayaw.
 Ang aso ay tumatahol.

Sino pa ang makapagbibigay ng halimbawa


ng isang pangungusap at salangguhitan ito? Panaguri po.
(magtatawag ng mag-aaral para isulat ang
sagot sa pisara).

Magaling. Ano naman ang sa pangalawang Ito ang nagsasabi tungkol sa simuno.
bahagi ng pangungusap?
(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang
tanung).

Ano ay tinutukoy sa panaguri?


(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang
tanung).
Tama. Ang Panaguri ang naghahayag ng
aksyon, paggalaw at kilos na ginagawa ng
simuno sa pangungusap.

Halimbawa:
Ang mga nasalangguhitan sa pangungusap ay
ang panaguri nito.
Ang mga mag-aaral ay nagkukwentuhan
 Si Marife ay nagsusuklay ng kanyang tungkol sa kanilang pagsusulit.
buhok.
 Siya ay nakatawag pansin sa kanyang
galing sa pagtuturi.

Sino pa ang makapagbibigay ng halimbawa


ng isang pangungusap at salangguhitan ito?
(magtatawag ng mag-aaral para isulat ang
sagot sa pisara).

Magaling. Talagang nakinig kayo at Ang pangungusap ay kalipunan ng mga


naintindihan ang ating pagtatalakay. salitang nagsasaad ng isang buong diwa at
nagtatapos sa tuldok.

E. Paglalahat
Simuno at Panaguri.
Ano ang pangungusap?
(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang
tanung).
Ang Simuno o paksa ang bahaging pinag-
uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng
Tama. Ano naman ang mga bahagi ng pangungusap. Ito ay maaring pangalan ng tao,
pangungusap? bagay, hayop at iba pang pantanging
(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang pangalan.
tanung).

Tama. Ano ang tinutukoy ng Simuno? Ang Panaguri ang naghahayag ng aksyon,
(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang paggalaw at kilos na ginagawa ng simuno sa
tanung). pangungusap.

Tama. Ano naman ang Panaguri?


(magtatawag ng mag-aaral para sagutan ang
tanung).
F. Paglalapat

Mayroon akong inihanddang indibidwal na


gawain na inyong sasagutan sa isang buong
papel.Bibigyan ko kayo ng 5 minuto upang
tapusin ito. Maaring pakibasa ang panuto.
(magtatawag ng mag-aaral para bumasa)
Panuto: Bilugan ang simuno at ikahon naman
ang panaguri.

1. Sina Tim at Joan ay nakatira sa bukid.


2. Ang bahay ay nililinis mabuti ni
nanay.
3. Tinanung niya ang pangalan ng bawat
kalahok.
4. Sari-saring halaman ang kanilang
itinatanim sa kanilang bakuran.
5. Si Kyle ay narinig ang pinag-uusapan (sasagutan ng mga mag-aaral ang tanung)
ng mga pulis.
6. Ang guro ay nasa likuran ng pintuan.
7. Lahat ng tao ay nilikha ng Diyos.
8. Ang aso ay tumatahol.
9. Sakanila ako nagpasko.
10. Ang mga bata ay masayang
sinalubong ang bagong taon.

(ilalahad ng guro ang tamang sagot sa screen


ng laptop)

G. Pagtataya
Mayroon akong inihandang pangkatang gawain. Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng
simpleng dula-dulaan na gamit ang mga bahagi ng pangungusap tungo sa pakikipag-usap sa
ibang tao. Hahatiin ko ang klase sa apat na pangkat na may iba’t ibang paksa ng pag-
uusapan. Bibigyan ko ang bawat pinuno ng pangkat ng pamantayan sa pagbibigay ng grado
sa inyong gawain.
Unang Pangkat: Sa loob ng Paaralan.
Pangalawang Pangkat: Sa Kalye.
Pangatlong Pangkat: Pagbabahagi ng nakakatuwang karanasan.
Pang-apat na Pangkat: Pag-uusap tungkol sa sariling pangarap sa buhay.

Wastong Paggamit ng Bahagi ng Pangungusap- 5 puntos


Dilibiri- 5 puntos
10 puntos

H. Takdang aralin

Sa inyong kwadero, basahin ang kwento ng Alamat ng Bayabas at sumulat ng pangugusap na


nagamit sa teksto. Bilugan lahat ng simuno na nagamit dito.
Submitted to:
May Ann Cariaga

Submitted by:
Jonnel D. Capinpin

You might also like