You are on page 1of 13

Mary The Queen College Pampanga Inc.

Institute of
Professional Teacher Education

Masusing Banghay Aralin sa Filipino V

Ipinasa ni:
Ercelina F. Reyes
Beed VI-NC
Banghay Aralin sa Filipino 5
I. Layunin
Sa pagtatapos ng 20 minutong aralin tungkol sa “Tayutay” 75% ng mga mag-
aaral sa ika-limang baiting ay inaasahang magawa ang mga sumusunod ng may
85% na tagumpay.
a. Nakakikilala ng mga uri ng tayutay ayon sa kahulugan nito.
b. Napapahalagahan ang mga tayutay at gamit nito sa larangan ng pagsulat.
c. Maihanay ang pangungusap sa kung anong uri ng tayutay ito.
d. Makahanap ng kasiyahan sa pagsasagawa ng isang aktibidad.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang mga Tayutay at ang mga uri nito (pagtutulad, pagwawangis,
pagmamalabis)
Sangunihan: Filipino V
III. Kagamitan: Visual Aids

IV. Istratehiya

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Pagbati

Magandang Hapon mga bata! Magandang hapon din po guro!

2. Panalagin

Bago tayo magsimula, magsitayo (Tatayo ang mga bata para


ang lahat para sa ating panalangin. manalangin.)

Bago kayo umupo ayusin ang


inyong upuan, pakipulot ang mga (gagawin ng mga mag-aaral)
basura at itapon ito sa basurahan.

Maraming salamat!

3. Pagtukoy sa mga lumiban


Sino ang lumiban sa araw na ito? Wala po!

4. Balik Aral

Bago natin simulan ang ating aralin


ngayon, Natatandaan nyo pa ba ang
Pangngalan o Noun na tinalakay Opo!
natin nung nakaraan?

Sige nga ____ (tatawag sa klase) Ang Pangalan o Noun ay ngalan


ng Tao, Bagay, Lugar at Hayop
Magaling bigyan natin sya ng po ma’am!
tatlong palakpak!

Magaling mga bata! Bigyan nyo ng


palakpak ang mga sarili nyo.

5. Pagganyak

Gusto nyo bang maglaro? Opo!

Kaylangan ko ng tatlong kalahok.

(pipili sa klase)

Ang larong ito ay pinamagatang


“Hulaan ang Kumanta”.

Sa ating kalahok, Bubunot kayo sa


mga hawak kong papel ngayon.

Kung ano ang nabunot ninyo


kailangan nyo itong kantahin sa
harap.

At mag taas lamang kayo ng kamay


kung alam nyo ang sagot.

Maliwanag ba? Opo!


Simulan na natin sa unang kalahok.
(kakantahin ng unang kalahok ang
nasa papel)
1. Kay tagal kong sinusuyod
Ang buong mundo
Para hanapin,
Para hanapin ka
Nilibot ang distrito
Ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin ka
(magtataas ng kamay ang
mga bata, at pipili ang guro)

Sige nga ____(pangalan ng Imago po!


bata)
(kakausapin ang kalahok)
Tama ba ang kanyang sagot? Opo.
Mahusay! Bigyan sya ng
tatlong palakpak. (papalakpak)

(pangalawang kalahok)
2. Tila ibon kung lumipad
sumabay sa hangin,
ako’y napatingin sa,
Sa dalagang nababalot ng
hiwaga.
(magtataas ng kamay ang
mga bata, at pipili ang guro)

Sige nga ____(pangalan ng Kamikazee po!


bata)
(kakausapin ang kalahok)
Tama ba ang kanyang sagot? Opo!
Mahusay! Bigyan sya ng
tatlong palakpak. (papalakpak)

(pangatlong kalahok)
3. Limutin na ang mundo,
Nang magkasama tayo,
Sunod sa bawat galaw
Hindi na maliligaw,
Mundo’y magiging ikaw.
(magtataas ng kamay ang
mga bata, at pipili ang guro)

Sige nga ____(pangalan ng


bata) IV of Spades po!
(kakausapin ang kalahok)
Tama ba ang kanyang sagot? Opo!
Mahusay! Bigyan sya ng
tatlong palakpak. (papalakpak)

Napakahusay nyo mga bata!

Maraming salamat sa ating


mga kalahok, Bigyan nyo sila
ng palakpak! (papalakpak)

Nasiyahan ba kayo sa ating


laro? Opo!

6. Pagtalakay
Ngayon mga bata nais kong basahin
ninyo ang mga bahagi ng lyrics ng 1. Kay tagal kong sinuyod
kanta na nasa sa pisara. ang buong mundo.
2. Tila ibon kung lumipad.
3. Mundo’y magiging ikaw.
(babasahin ng mga bata)
Ang aralin natin sa ngayon ay ang
Tayutay, at ang mga lyrics na ito ay
nauugnay sa ating aralin sa araw na
ito.

Basahin saba’y-sabay ang


kahulugan ng tayutay.

- Ang Tayutay ay isang


paglayo sa karaniwang
kayarian ng wika upang
makapagbigay ng sariwa,
naiiba at kasiya-siyang
pagpapahayag at pagbibigay-
katuturan sa tulong ng
paghahambing ng dalawang
bagay na magkaiba ngunit
napagtutulad sa isa’t isa..

- Ang mga tayutay ay anyo ng


pananalita na masining at
malalim ang
pagkakapahayag.

- Napakahalaga ng papel na
ginagampanan ng tayutay sa
isang pahayag. Ito ay
sinasadyang paglayo upang
maikubli ang katotohanang
nakapaloob sa isang
pahayag kaya naman
nabibigyang-kulay at sining
nito ang paraan ng
pagkakapahayag ng isang
salita o mga salita.)

May iba’t-ibang uri ng tayutay.


At ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod;

1. Pagtutulad/Simile– ay
isang paraan ng dalawang
magkaibang tao, bagay,
pangyayari na ginagamitan
ng mga katagang
paghahambing tulad,
parang, kawangis, animo’y,
tila at iba pa.

Halimbawa:
1. Ang buhay ay parang gulong
minsan nasa ibabaw minsan
nama’y nasa ibaba.

Ang salitang pagtutulad na ginamit


dito ay ang “parang”.

Ngayon naman ang dalawang bagay


na pinagtutulad ay ang Buhay at
ang Gulong.

Pangalawang Halimbawa:
2. Ang kanyang anyo ay
kawangis ng isang anghel.

Ano ang salitang pagtutulad ang


ginamit?
(Magtawag sa klase)
Ikaw nga_______(pangalan ng
bata)

Tama! Ano ang dalawang bagay na


pinagtutulad?

Magaling _____(pangalan ng bata)


Bigyan natin sya ng tatlong
palakpak mga bata. Kawangis po!
Isa pang halimbawa:
Ang kanyang anyo at sa isang
3. Ang puso mo ay gaya ng anghel po!
bato. (papalakpak ang mga bata)
Ano ang salitang pagtutulad ang
ginamit?
(tatawag sa klase)
Sige nga _______(pangalan ng
bata)

Tama! Ano ang bagay na


pinagtutulad?

Magaling (pangalan ng bata)


Bigyan natin sya ng tatlong
palakpak mga bata.

Ngayon mga bata kayo naman ang


mag bigay ng halimbawa.
Gaya po!
(magtawag sa klase)

Ngayon naman ay dadako tayo sa Puso at bato po!


2. Pagwawangis/Metapora.
Ano ang pagwawangis,

Sabay sabay nga ninyong basahin (papalakpak ang mga bata)


ang kahulugan ng pagwawangis o
metapora.
- Ang metapora o
pagwawangis ay isang (Mag bibigay ng halimbawa ang
tuwirang paghahambing na mga bata.)
ang dalawang bagay na
pinagtutulad ay ipinapalagay
nang iisa o nagkakaisa at
ipinahahayag ito sa
pamamagitan ng paglalapat
ng pangalan, tawag,
katangian, o gawain ngisang
bagay sa bagay na
ihinhahambing.

(Ang pagkakaiba ng Pagwawangis


sa Pagtutulad. Ay ang
pagwawangis ay naiiba laman sa
pagtutulad sa di paggamit ng
pangatnig upang mag hambing at
mag wangis.)

Basahin ang mga halimbawa.


1. Siya ay isang anghel sa
ganda.
2. Si inay ay ilaw ng tahanan.
3. Si Elena ay isang magandang
bulaklak.
4.
Napapansin nyo sa mga
pangungusap na hindi na
gumagamit ng paghahambingang
salita.

Mag bigay nga ng mga halimbawa


mga bata.

(magtatawag sa mga bata)


Magaling bigyan ng palakpak.

Ngayon naman ay ang;


4.Pagmamalabis o Hyperbole
- Ang pagmamalabis ay lubhang
nagpapakita ng kalabisan na
imposibleng mangyari sa kalagayan
ng tao, bagay, o pangyayari.

(Mag bibigay ng halimbawa ang


mga bata.)
Halimbawa:
Basahin mo nga ___(ngalan ng (papalakpak)
bata)
1. Namuti ang buhok ko sa
kahihintay.
Namuti ba talaga ang buhok?
Syempre hindi. Isa lamang itong
paraan ng pananalita, at ito nga ay
halimbawa ng pagmamalabis.

Pangalawang halimbawa,
Basahin mo nga___(ngalan ng
bata)
2. Narinig ng buong mundo ang
iyong pag-iyak.
(Talaga bang narinig ng bawat tao
sa mundo ang pag-iiyak niya?
Siyempre hindi. Ang ganitong
patalinghagang pagpapahayag ay
nagbibigay-diin sa ating gustong Hindi po!
ipaalam.)

Pangatlong Halimbawa:
Sa halip na simpleng
“Abot langit ang pagmamahal ko
sa iyo.”

Naiintindihan ba mga bata?

Magaling mga bata!


Hindi po!
7. Paglalahat
Ngayong alam nyo na ang ilang
mga uri ng talutay.

Ano nga ulit ang mga ito?


(magtawag sa bata)

Magaling! Bigyan natin sya ng


tatlong palakpak.
8. Paglinang ng Kasanayan Opo!

Ngayon mga bata, Meron akong


hawak na kahon. Ang laman nito ay
mga pangungusap,Ang gagawin
ninyo ay bubunot kayo, Idikit kung
saan natutugma ang mga
pangungusap na mabubunot ninyo.

Pagtutulad,
1. Ikaw ay tulad ng buwan. Pagwawangis,
2. Ang kanilang bahay ay Pagmamalabis.
palasyo.
3. Nabiyak ang kanyang dibdib (papalakpak)
ng sya'y iwan ni Pitor.
4. Nadurog ang kanyang puso.
5. Ikaw ay tila bulaklak.
6. Ang mga pangako mo ay
parang hangin.
7. Ang aming bagong kotse ay
biyaya na hulog ng langit.
8. Siya ay langit na hindi ko
kailanman maaabot.
Pagtutulad Pagwawangis Pagmamalabis
9. Ang kakisigan ni Miguel
animo modelo sa telebisyon.
10.Nakatulog siya ng limang
taon dahil sa pagod.

Pagtutulad
Pagwawangis

Pagmamalabis

Pagmamalabis
Pagtutulad
Pagtutulad

Pagwawangis

Pagwawangis

Pagtutulad

Pagmamalabis

V.Pagtataya
Panuto: Tukuyin anong uri ng tayutay ang mga sumusunod. Ilagay ang
sagot sa bago sa bilang.

_________1. Tuwing eleksyon, umuulan ng salapi. (pagmamalabis)


_________2. Kandila siya sa aking paningin na unti-unting nalulusaw.
(pagwawangis)
_________3. Ang luha sa kanyang mga mata ay tulad sa batis na
umaagos. (pagtutulad)
_________4. Ang kanyang tinig ay kawangis ng awit ng ibong pipit.
(pagtutulad)
_________5. Siya ay isang ahas. (pagwawangis)
_________6. Nalulunod na siya sa kanyang luha. (pagmamalabis)
_________7. Nadinig sa buong mundo ang lakas ng kanyang sigaw.
(pagmamalabis)
_________8. Ang ama ni David ay leon sa bagsik. (pagwawangis)
_________9. Ang mga kamay mo ay kasing kinis ng tela. (pagtutulad)
________10. Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala.
(pagmamalabis)

VI.Gawaing Bahay
Magbigay ng limang pangungusap sa bawat “Talutay”. (Pagtutulad,
Pagwawangis at Pagmamalabis).

You might also like