You are on page 1of 1

Romeo at Juliet

Taong 1989

Sa isang malayong lugar, sa bayan ng Verona, kung saan naninirahan ang dalawang
mararangyang pamilyang may matagal nang alitan dahil sa kanilang kapangyarihan na
kahit kailan ay malabo nang magkaroon sila ng kapayapaan, ito ay ang pamilya ng
mga Capulet at Montague. Dahil sa kanilang hindi pagkaka-intindihan, maraming
miyembro ng kanilang pamilya ang naapektuhan. Sa gitna ng kanilang mapait na
pamumuhay, nagkaroon muli ng kabuluhan ang kanilang mga buhay dahil binigyan
ng Panginoon ang dalawang angkan ng tig-isang biyaya kung saan ito ang
magsisilbing kanilang yaman na kahit kailan hindi matutumbasan ng kahit anong ari-
arian, ito ang kanilang mga anak.
Habang lumalaki ang dalawang bata, inaasahan ng kanilang mga magulang na sila
ang magiging susi sa pagkakasadlak nila sa kalungkutan dahil sa hidwaan nila sa
kabilang angkan.

Nang isang araw, may natanggap na liham si Juliet galing kay Romeo na tungkol sa
pagpunta niya sa Italy upang mag-aral at walang kasiguraduhan kung makakabalik pa
ang binata sa Verona. Maaaring umuwi siya pagkatapos ng ilang taon.

Pagkaraan ng maraming taon, hindi parin nakakalimutan ni Romeo ang kanyang


nakababatang kaibigang si Juliet. Wari'y laging naiisip ang kanyang kalagayan. Higit
pitong taon na rin nang huling makatanggap ng liham si Romeo na galing kay Juliet.
Labis siyang nangungulila sa babae ngunit wala naman siyang magawa dahil hindi
niya alam kung ano na ang nangyari dito.
Nang hindi na makatiis si Romeo, nanghingi siya ng tulong kay Padre Lawrence at
dito nagtanong kung ano na ang kalagayan ni Juliet, ngunit ang natanggap niya
lamang na sagot kay Padre Lawrence ay kung maaari, umuwi na siya at siya mismo
ang sasagot sa kanyang katanungan. Hindi naman siya makauwi ng ganoong kadali
dahil sa trabahong kanyang maiiwan.

You might also like