You are on page 1of 2

Jake F.

NIduaza Xll Stem

BUOD
(Romeo and Juliet)
Sa ganitong paraan nagsimula ang kwento, si Romeo, na anak nina Senyor Montesco
at SenyoraMontesco, ay naaantig sa angking kagandahan ni Rosalina, isang dalaga na
may panantang magingdalaga habang siya ay nabubuhay pa na kaya’t hindi nito.

Sa pagnanais ng kanyang pinsang si Benvolio atkaibigang si Mercutio na maaliw ito,


inaya nila ito sa isang sayawan sa bahay ng mga Capulleto. Pumayagnaman si Romeo
nang mapag-alaman nitong ddalo rin si Rosalina. Sa naganap na sayawan sa bahay
ngmga Capuletto, nakita ni Romeo si Julieta na anak ng kaaway ng kanilang angkan,
na sila Senyor atSenyora Capuletto.

Sa unang araw ng kanilang pagkikita ay nahulog na sila sa isa’t isa. Kapwa nila batidna
sila ay mga anak ng magkaaway na pamilya, ngunit nagkaunawaan pa rin sila. At dahil
ditonagkasundo silang magpakasal kinabukasan, sa tulong ni Fray Lozenzo, ang padre
kumpesor ni Romeo.

Pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib, sina Tybalt at Mercutio ay naglaban at dahil


dito ay nasawi siMercutio. Nalaman ni Romeo ang pagkamatay ni Mercutio at naging
dahilan ng kanyang paghihiganti,dahil sa kanyang paghihiganti. Napatay ni Romeo si
Tybalt, nagmamakaawa ang mga magulang Romeongunit ang naging hatol ni Prinsipe
Escalo sa kanya ay ipatapon sa labas ng Verona.

Sa pamamagitan ngkasa-kasama ni Julieta ay muli silang nagkita at nangyari ang


unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunitsa gabi ring iyon ay ipinagkasundo nina
Senyor at Senyora Capuletto si Julieta kay Konde Paris upang silaay mapag-isang
dibdib. Tutolsi Julieta dito kung kaya’t humingi siya ng tulong kay Fray Lozenzo
upanghindi matuloy ang nasabing kasalan. Binigyan ni Fray Lorenzo si Julieta ng
likidong pampatulog upangang naghihinagpis na binibi ay magmimistulang bangkay sa
loob ng apatnapung oras.

Naipabalita kayRomeo na si Julieta ay isa nang bangkay, sa tulong ni Baltazar. Dahil


dito bumili si Romeo sa isangmatandang albularyo ng mabagsik na lason na siyang
kikitil sa kanyang buhay at bumalik sa Verona.Ngunit sa kasamaang-palad, hindi
naihatid ni Fray Juan ang liham ni Fray Lorenzo na nagsasabing hindipatay si Julieta.
Nang mabili ni Romeo ang lason, agad siyang nagtungo sa puntod ni Julieta at
nangmakita ni Romeo ang inaakalang bangkay ni Julieta ay ininom niya agad ang
lason. At bago nangyari angpagpanaw ni Romeo ay nagising si Julieta at natunghayan
niya ang pagpanaw ni Romeo.
Sapaghihinagpis ni Julieta ay dumating si Fray Lorenzo, ngunit hindi na niya naabutang
buhay si Romeoupang sabihin ang katotohanan. Pilit na isinasama ni Fray Lorenzo si
Julieta dahil may mga tanod napaparating, ngunit hindi niya magawang iwan si Romeo.
Bago pa man dumating ang mga tanod aynakakita si Julieta ng isang balaraw at siya ay
nagpakamatay.

You might also like