You are on page 1of 1

ROMEO AND JULIET

By William Shakespeare
Nagsimula ang kwento sa isang magarbong handaan sa bulwagan na nagaganap sa kaharian ng mga
Capulet. Habang isinasayaw si Juliet ni Count Paris ay nakita ito ni Romeo labis na nabighani si
Romeo sa ganda ni Juliet, na parang nakuha nito ang loob at puso sa unang tingin pa lamang, lumapit
ang binata kay Juliet at hinalikan ang kamay nito, at doon na nagsimula ang kanilang tagong
pagmamahalan Pagkatapos ng gabing iyon hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na bisitahin
nang patago si Juliet. Labis na natuwa si Juliet sa pagbisita ni Romeo sakanya sa pamamagitan ng
teresa sa kanyang kwarto. Hindi nagtagal dahil sa tunay at dalisaying pagmamahal nilang dalawa
nagpasya sila na magpakasal sa kabila ng alitan sa kanilang pamilya. Sa isang tahimik na araw
naglaban si Mercutio at Tybalt na siyang ikinasawi ni Mercutio na kung saan si Mercutio ay matalik
na kaibigan ni Romeo, naghiganti si Romeo at napatay niya si Tybalt, labis na nalungkot si Juliet
dahil sa nangyari. Sa isang malamig na araw nalaman na lamang ni Juliet na siya ay ipinagkasundo
kay Count Paris. Labis na nalungkot at nagalit ai Juliet sa kanyang mga magulang nasabi niya din na
sila ay kasal na ni Romeo at ito ang dahilan kung bakit nagalit din ang kanyang ama sakanya.
Datapwat ganoon ang nangyari naisipan ni Juliet na magpunta sa simbahan at nagpunta siya kay Friar
Lawrence na nagkasal at nakakaalam ng relasyon nila ni Romeo, na kung saan binigyan siya nito ng
lason. Ininom ito ni Juliet, gabi bago ang kasal nila ni Paris, nagmistulang patay si Juliet ngunit ito
pala ay natutulog lamang. Nalaman ito ni Romeo sa tulong ni Balthasar ngunit hindi nito alam na
siya ay natutulog lamang. Sa pagpunta si Romeo kung nasaan si Juliet ay hinarang siya ni Count
Paris, naglaban sila hanggang sa napatay niya si Count Paris, nagpunta si Romeo kung nasaan si
Juliet at nakita nga niya na patay na ang kanyang minamahal kaya naisip niyang wala ng silbi ang
kanyang buhay kung hindi niya din naman makakasama ang kanyang minamahal at naisipan nitong
inumin ang lason na galing kay Mercutio na eksakto namang gumising si Juliet. Nakita ni Juliet na
patay na ang kanyang minamahal kaya kinitil niya din ang kanyang buhay gamit ang patalim. Sa
huli, ang magulo at hindi mapagkasundong pamilya ay sa wakas nagkaisa.

You might also like