You are on page 1of 12

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan- Modyul 7:


Layunin, Paraan,
Sirkumstansya, at
Kahihinatnan ng Makataong
Kilos
1. May lagumang pagsusulit si Angelo.
Siya ay pumasok sa kaniyang kwarto at
nagbasa ng kanyang napag-aralan.

Layunin:___________________________
_______
Paraan:____________________________
_______
2. Matagal nang nais ni Anne na magkaroon ng
cellphone. Isang araw, habang mag-isa lamang
siya sa kanilang silid-aralan ay nakita niyang
naiwan ng kanyang kamag-aral ang cellphone
nito. Kinuha ito ni Anne at itinago.

Layunin:_______________________________
___
Paraan:________________________________
___
Mga salik na nakaaapekto sa
Makataong Kilos
A. Layunin
Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung
saan nakatuon ang kilos-loob. Ito ang
motibo o dahilan kung bakit gagawin ang
kilos.
Halimbawa

Nakita ni Amira na umiiyak si Amaya.


Nilapitan niya ito at binigyan ng tissue. Ginawa
niya ito dahil alam niyang si Amaya ay
mahusay sa Science at may pagsusulit sila sa
araw na iyon at nais niyang kumopya rito.
Mga salik na nakaaapekto sa
Makataong Kilos
B. Paraan
Ito ay tumutukoy sa panlabas na kilos na
kasangkapan o paraan upang makamit ang
layunin.
Mga salik na nakaaapekto sa
Makataong Kilos
C. Sirkumstansya
Ito ay tumutukoy sa isang sitwasyon o
kondisyon / kalagayan ng kilos na
makakabawas o makakadagdag sa
kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
Mga salik na nakaaapekto sa
Makataong Kilos
D. Kahihinatnan
Lahat ng kilos na ginagawa ng tao ay may
kaakibat na dahilan, batayan at may
kaakibat na pananagutan. Anumang
gawing kilos ay may kahihinatnan
1. Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone
na bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na.
___________________
2. Ang unang reaksiyon ni Alvin ay ang pagkakaroon
ng pagnanasa rito. Nag-iisip na siya kung saan
kukuha ng pera para mabili ito.
____________________
3. Ito ang nais ng kanyang kalooban, ang magkaroon
ng bagong modelo ng cellphone.
____________________
4. Hanggang ngayon ay wala pa ring kalayaan si
Alvin na pumili sapagkat ang kanyang kilosloob ay
likas na tumatanggap lamang kung ano ang mabuti
na sinasabi ng kaniyang isip. Mayroon siyang pera
ngunit inipon niya iyon para sa kanyang pag-aaral sa
kolehiyo. Kailangan niyang pumili.
______________________
5. Ang pagsusuri ng paraan ng kanyang gagawin ay
nagpapatuloy at ang pagsang-ayon niya sa mga
nasabing pagpipilian. _____________________

You might also like