You are on page 1of 8

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang: 10 Antas: Sekundarya


Markahan: II Linggo: Una

MELC: Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa


kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman; at
Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan

Kowd ng Kompetensi: EsP10MK-IIa-5.1 / EsP10MK-IIa-5.2

Pangalan: __________________________ Pangkat: ________ Petsa: ________

Paaralan: __________________________ Distrito: __________________________

A. PAGBASA / TALAKAYAN

MAKATAONG KILOS

Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri
siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kanyang ginagawa ngayon
at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay. Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay
ang iba pang pakultad na kanyang taglay tulad ng kalayaan, siya ay may kapangyarihang kumilos
ayon sa kanyang nais at ayon sa katuwiran. Bawat segundo ng kanyang buhay, siya ay kumikilos,
naghahatid ng pagbabago sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa mundong kanyang
ginagalawan.

May dalawang uri ng kilos ang tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (human
act). Ang kilos ng tao (act of man) ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa
kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ay
masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama - kaya walang pananagutan ang tao
kung naisagawa ito. Halimbawa nito ay ang mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap
sa tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa
isang sugat, paghikab, at iba pa.

Ang makataong kilos (human act) naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman,
malaya at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may
kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at
kinusa sapagka’t isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang kanyang
ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.

Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng


konsensiya. Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kanyang piniling
kilos. Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. At kung masama ang kilos, ito naman ay
kahiya-hiya at dapat pagsisihan.
Ang bigat (degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay
nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa. Ang mga ito (degree of willfulness o voluntariness)
ay nasa lalim ng kaalaman at kalayaan na tinatamasa. Sa madaling salita, kung mas malawak ang
kaalaman o kalayaan, mas mataas o mababang degree ang pagkukusa o pagkagusto. Kung mas
mataas o mababang degree ang pagkukusa, mas mabigat o mababaw ang pananagutan.

B. MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Gamit ang talahanayan, tukuyin kung ang kilos sa unang kolum ay nagpapakita ng
presensiya ng isip, kilos-loob, at kung ito ay mapanagutang kilos. Lagyan ng tsek (√ ) kung ang
kilos ay ginagamitan ng isip, kilos-loob, at mapanagutan, at ekis (X) kung hindi.

Mga Kilos at Gawain ng Tao Isip Kilos-loob Mapanaguta


ng Kilos
Halimbawa:
√ √ √
1. Pagdala ng drayber ng taxi sa ospital ng kaniyang
matandang pasahero na inatake ng puso

2. Pagsauli ng sobrang sukli sa tindera ng palengke

3. Paghikab ng malakas

4. Pagsasalita habang natutulog

5. Pagtanggi sa isang alok ng barkada na magpunta sa


comedy
bar dahil sa maaga pa ang pasok bukas at may report sa
trabaho kinabukasan na dapat tapusin

6. Paghimas sa tiyan dahil sa gutom

7. Pagsisikap na bumuo ng mga tanong na may mapanuring


pag-iisip sa ginagawang investigatory project

8. Pagkurap ng mata

9. Pagtuturo ng guro sa kaniyang klase nang handa at may


pagnanais na magbahagi ng kaniyang kakayahan ayon sa
learning competency ng kaniyang aralin

10. Pagsigaw dahil sa pagkagulat sa paputok


Sagutin ang mga tanong:

1. Alin sa mga kilos ang nagpapakita ng paggamit ng isip at kilos-loob? Ipaliwanag.


2. Alin sa mga kilos ang nagpapakita ng hindi paggamit ng isip at kilos-loob? Ipaliwanag ang
dahilan.
3. Bakit mahalaga na magpakita ng kapanagutan sa mga kilos na ginagawa?
4. Paano magiging mapanagutan ang isang tao sa kanyang piniling kilos?
5. Bilang mag-aaral sa Baitang 10, anu-ano ang iyong ginagawa sa araw-araw na nagpapakita ng
makatao at mapanagutang kilos?

Pagsasanay 2

Panuto: Suriing mabuti ang bawat sitwasyon/larawan. Isulat sa itaas ng larawan ang uri ng kilos,
kung ito ba ay nagpapakita ng kilos ng tao (act of man) o makataong kilos (human act).
Ipaliwanag ang iyong sagot.

“Si Jasmine ay isang mag-aaral sa Baitang 10. Hilig niya ang magpunta sa library at doon
ay magbasa ng mga paboritong niyang dyornal. Sa kaniyang paglalakad ay narinig niya ang
kuwentuhan ng kaniyang mga kaklase tungkol sa maagang pag-aasawa ng isa nilang kamag-
aaral. Hindi sadya na marinig niya ito at magkaroon ng kaalaman tungkol dito.”

URI NG KILOS: URI NG KILOS:


_________________________________________ __________________________________________

Paliwanag: Paliwanag:

A. B.

“Sa mga narinig mula sa umpukan habang “Hindi inintindi ni Jasmine ang mga narinig
naglalakad, nahikayat si Jasmine at naengganyo mula sa mga kaklase at patuloy na naglakad
sa usapan tungkol sa kaklase nilang maagang patungo sa library. Hindi tumatak sa kanyang
nakapag-asawa. Siya ay lumapit sa umpukan, isip ang detalye ng kwentong hindi sinasadyang
tuluyang nakihalubilo sa kanila, at nagbigay pa narinig.
ng mga reaksyon sa usapan.”
Sagutin ang mga tanong:

1. Paano ginamit ni Jasmine ang kanyang kalayaan at kakayahang mag-isip sa nabanggit na


dalawang sitwasyon? Ipaliwanag.
Sitwasyon A:
________________________________________________________________________

________________________________________________________________________
Sitwasyon B:
________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

2. Base sa kwento ni Jasmine, paano nagiging makataong kilos o human act ang isang kilos ng
tao o act of man? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________

3. Sa dalawang sitwasyon (A at B), saan nagkakaroon ng pananagutan si Jasmine sa piniling


kilos? Ipaliwang kung bakit siya nagkakaroon ng pananagutan dito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________

4. Sa inyong palagay, ano ang tungkulin ng isip o kaalaman sa pananagutan ng makataong kilos
(o human act) ng tao? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________
C. PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng wastong konsepto
o kaisipan at MALI kung hindi.

_______ 1. Ang tao ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kaniyang nais at katuwiran sapagkat
siya ay biniyayaan ng Diyos ng isip, kilos-loob, at kalayaan.

_______ 2. Ang kilos ng tao ay walang kinalaman sa uri ng kanyang pagkatao.

_______ 3. Ang kilos ng tao o act of man ay kailan man hindi magiging makataong kilos o human
act.

_______ 4. Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman ay kalayaan sa piniling kilos.

_______ 5. Ang kilos ng tao o act of man ay likas sa kanya at hindi ginagamitan ng isip at kilos-
loob.

_______ 6. Kapag ginamit ng tao ang kanyangkakayahang pumili, ang kilos ng tao ay nagiging
makataong kilos.

_______ 7. Ang taong walang kakayahang mag-isip ay may pananagutan parin sa kanyang mga
maling kilos.

_______ 8. Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng
konsensiya.

_______ 9. Ang bigat ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay


nakasalalay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa.

_______ 10. Kahit ang tao ay may kakayahang pumili at magpasya, nararapat parin na kanyang
pagsisihan ang masamang ginawa bunga ng kanyang piniling kilos.
D. PAGPAPAYAMAN

Panuto: Gamit ang larawan sa ibaba, ipaliwanag kung ano ang mangyayari sa lipunan kung ang
makataong kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya na
ginagabayan ng isip o kaalaman.

Halimbawa:

May pagtutulungan sa isang lipunan kung saan ang makataong kilos ay pinili mula sa
paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya na ginagabayan ng isip at kaalaman. Hindi ang sariling
kapakanan ang isinaalang-alang kundi ang kapakanan ng lahat ng tao sa lipunan. Walang
naghihilahan pababa bagkus nagtutulungan ang mga tao sa lipunan na itaas ang pangarap ng
bawat isa upang makamtan ang tunay na kalayaan – kalayaan mula sa kahirapan,
kamangmangan, at karahasan.

Sagot:

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
SANGGUNIAN

Batayang Aklat

Brizuela, Mary Jean B. et al. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang: Modyul
para sa Mag-aaral, Unang Edisyon.FEP Printing Corporation.

Inihanda ni Sinuri/ Iwinasto ni

MARIE A. DELFIN JANE O. GURREA


Teacher I EPSVR

GABAY

Para sa Tagapagdaloy

Ang SLHT sa aralin ukol sa Makataong Kilos ay ginawa upang makamit ng mga mag-aaral ang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang nahuhubog ang kanilang pagkakakilanlan bilang nilikha
ng Diyos sa Kanyang wangis. Dahil dito biniyayaan ng Panginoon ang tao ng kakayahang malayang
pumili na nakabase sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya gabay ang isip o kaalaman. Ito ang
magiging batayan ng makataong kilos at pananagutan para sa maliit at malaking bagay na nagawa.
Bilang gurong tagapagdaloy, gabayan ang mga mag-aaral na maintindihan na ang bawat kilos na
niloob ng tao ay may kakabit na pananagutan sa pamamagitan ng pagtitiyak na nabasa at
naisagawa ng mga ito ang lahat ng gawain. Sundin ang mga panuto sa bawat gawain at ipaliwanag
sa mag-aaral kung kinakailangan. Mangyaring sumangguni sa guro kung may mga katanungan na
nais maliwanagan.

Para sa mag-aaral:
Ang SLHT sa araling Makataong Kilos ay ginawa bilang gabay sa paghubog ng iyong pagkatao
para sa makatao at mapanagutang kilos. Nilalayon nito na matulungan ka na maintindihan na ang
bawat kilos na iyong niloob ang may kakabit na pananagutan. Ang antas ng pananagutan ay
depende sa antas ng kilos na iyong ginawa.
Basahing mabuti at sundin ang panuto. Kung sakaling mahirapan kang gawin ang SLHT, maari
kang sumangguni sa iyong guro o tagapagdaloy. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa iyong
mga magulang, mga kapatid o sinumang kasama mo sa bahay na pwedeng makatulong sa’yo.
Iyong palaging isipin na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Bawat gawain maliit man o malaki, madali
o mahirap ay isang pagkakataon upang matutuo at mapalago ang sarili. Ang mga taong
nagtatagumpay ay ang mga taong hindi sumusuko sa kahit anong hamon ng buhay.
PAGSASANAY
PAGTATAYA PAGSASANAY 1
PAGPAPAYAMAN 1. √ √ √
2
1. TAMA 2. √ √ √
Guro na po ang 3. X X X
2. MALI A.
magwawasto ng 4. X X X
3. MALI MAKATAONG
iyong mga sagot sa 4.TAMA KILOS 5. √ √ √
gawaing ito. 5. TAMA 6. X X X
6. TAMA B. KILOS NG 7. √ √ √
7. MALI TAO 8. X X X
8. TAMA 9. √ √ √
9. TAMA *Ang guro na po 10. X X X
10. TAMA ang
magwawasto sa *Ang guro na po
inyong ang
paliwanag.
magwawasto sa
inyong mga
paliwanag.
GABAY SA PAGWAWASTO

You might also like