You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
SIBATO INTEGRATED SCHOOL

Second Quarter Exam


ESP 10

NAME _________________________________GR.&SEC.___________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang at pillin ang tamang sagot.
Isulat ang titik ng tamang sagot. .

I.Panuto: Suriin at ihanay ang mga yugto ng makataong kilos (Hanay A) sa mga description
sa Hanay B. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang
bago ang bilang. Sa aytem 1-6, piliin ang sagot mula sa A-F at sa G-L
naman pipiliin ang sagot sa 7-12.

Hanay A Hanay B
____1. Pagkaunawa sa A. Ang pagsang-ayon ng kilos-loob ay magiging
Layunin isang intension kaya nagkakaroon ang tao ng
____2. Nais ng layunin. intension na makuha ang bagay na kanyang
____3. Paghuhusga sa ninanais at kung paano ito makakamit.
nais makamtan B. Sa yugto na ito hinuhusgahan ng isip ang
____4. Intensiyon ng posibilidad na maaaring makuha ang ninanais.
layunin C. Pinag-iisipan ng tao ang mga paraan upang
____5. Masusing pagsusuri makamit ang kanyang layunin
ng paraan D. Ito ang yugto ng pagsang-ayon ng kilos-loob kung
____6. Paghuhusga sa Paraan ang nais ng isang tao ay mabuti. Nag-iisip dapat
____7. Praktikal na ang tao kung ang ninanais ba ay naaakma o may
paghuhusga sa pinili posibilidad
____8. Pagpili E. Tinutukoy ng hakbang na ito ang pagsang-ayon ng
____9. . Utos kilos loob sa mga posibleng paraan na upang
makamit ang layunin.
___10. Paggamit F. Ang yugto na ito ay ang pagkaunawa ng tao sa
isang bagay na gusto o kanyang ninanais,
___11. Pangkaisipang masama man ito o mabuti.
kakayahan ng layunin G. Ang pagpili ng kilos-loob sa pamamaraan ng
___12. Bunga pagkamit ng layunin. Dito pumapasok ang
malayang pagpapasiya.
H. Sa yugto na ito tinitimbang ng isip ang
pinakaangkop at pinakamabuting paraan
I. Sa yugto na ito ang pagbibigay ng utos mula sa isip
na isagawa kung ano man ang intensiyon
J. Pagsasagawa ng utos ng kilos-loob gamit ang
kakayahan ng pisikal na katawan at pakultad na

Email Address: sibatointegratedschool0194@gmail.com


Facebook Account: https://www.facebook.com/SibatoIS2017
Contact Numbers: 09985373512
“Batang IP nga Kampyon: Abilidad kag Kinaadman Pauswagon, Ipadayon paagi sa Kalidad nga Edukasyon!”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
SIBATO INTEGRATED SCHOOL

kakanyahan ng tao.
K. Dito ginagamit na ng kilos-loob ang kanyang
kapangyarihan sa katawan at sa mga pakultad
meron ang tao upang isagawa ang kilos
L. Ang resulta ng ginawang pagpapasya

II. Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon kung ito ay ginawa na may kusang-loob, walang
kusang-loob, di-kusang loob. Isulat ang sagot sa patlang ang kusang – loob, walang kusang-
loob, at di kusang- loob.

____________13. Nakita ni Lanie ang isang matandang babae sa tawiran na may dala-dalang
mabibigat na bag. Nilapitan ito ni Lanie at sinabing siya na lang ang magbibitbit ng mga bag
hanggang sa maksakay ng jeep ang matanda.

____________14. May kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha si Cardo. Madalas na


gumagalaw ang kanyang pisngi na pati ang kanyang mata ay napapapikit na para bang
kumikindat ito. Isang araw, may isang abbaeng nakakita nito at inisip nyang kinindatan siya
ni Cardo. Sinampal at sinabihan niya si Cardo na bastos.

____________15. Tindero ng mga prutas si Mang Ramon sa palengke sa bayan ng Silay.


May 5 anak si Mang Ramon at 3 dito ay nag-aaral na sa kolehiyo. Noong nakaraang
Disyembre, dahil mabili ang mga prutas mas pinili ni Mang Ramin na ibenta nag mga prutas
sa mas mahal na presyo upang magkarron sya ng malaking kita at ng makapaghanda sila ng
marami at masasarap na pagkain noong Pasko at Bagong Taon.

___________16. Nalalapit na ang ikalawang markahang pagsusulit nina Andrew. Sinabihan


siya ng kanyang in ana si Nang Anabel na huwag munang maglaro ng ML o Mobile Legend
nang magkaroon ito ng oras sa pag rereview ng kanyang mga aralin. Pero ng makaalis ang
kanyang ina, sumama agad si Andrew sa kanyang mga kaibigan para mag-laro.

__________17. Nakapulot ng bag si Perly ng bag na may lamang wallet. Alam niyang hindi
dapat buksan ito dahil nhindi niya pag- aari pero ngbabakasali siyang may pagkakakilalan ng
may- ari.

__________18. Pinagbuti ni Piolo ang lahat ng kanyang mga gawain sa paaralan upang
makakuha ng mataas na marka dahil alam niya na matutuwa ang kanyang mga magulang.

__________19. Nais ni Zia na makakuha ang pinakamataas na marka sa kanilang pagsusulit


kaya nang lumabas ang kanilang guro tiningnan niya ang answer key na nasa ibabaw ng
mesa. Alam niya na makakakuha siya ng mtaas na iskor sa kanilang pagsusulit.

__________20. Gusto ng makauwi ni Michael kahit na malakas ang ulan. Kinuha niya ang
isang payong ng makita niya ito sa may pintuan ng kanilang klasrom ng walang paalam.

Email Address: sibatointegratedschool0194@gmail.com


Facebook Account: https://www.facebook.com/SibatoIS2017
Contact Numbers: 09985373512
“Batang IP nga Kampyon: Abilidad kag Kinaadman Pauswagon, Ipadayon paagi sa Kalidad nga Edukasyon!”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
SIBATO INTEGRATED SCHOOL

III. Basahing Mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Suriin at alamin kung anong salik
ang nakaaapekto sa paggawa ng kilos at pasya.

Madaraig hindi madaraig masidhing damdamin

takot karahasan gawi

______________21. Bumagsak si Ricky sa isang asignatura para sa unang markahan na


pagsusulit dahil sa pagiging kampante niya na madali lang ang pagsusulit. Natutunan ni
Ricky na dapat pagtuunan ang mga aralin bago pa ang pagsusulit.

______________22. Humingi ng pera si Marvin sa kanyang ina pambili ng requirements niya


sa kanilang paaralan. Nagboluntaryo ang kanyang kuya na siya na ang bibili ng kailangan ni
Marvin, ngunit Nakita niya ang kanyang kaibigan at nagamit niya ang per ana para sa
kailangan ni Marvin.

_____________23. Si Ronie ay madalas na mabully ng kanyang mga kamag-aral sa paaralan.


Madalas siyang pagtulongan ng mga grupo ni Dennis. Ang reaksyon ni Ronie ay nagsisimula
sa kanyang utak.

____________24. Si Daniel ay madalas nabubulas ng kanyang mga kaklase. Dahil dito


napilitan si Daniel na lumaban sa sa mga nambubulas sa kanya. Imbis na magsumbong sya sa
kanyang mga magulang ay nanahimik siya.

____________25. Si Kathryn ang napakamatulungin at mabait na bata. Maaga pa siyang


gumigising at tumutulong sa kanyang mga magulang bago pumasok sa paaralan. A
nagpapakita

III. Tama o Mali

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag
ay TAMA o MALI. Isulat sa patlang ang sagot.

________26. Ang mga kadahilanan na nag-aambag sa pagpapakita ng karahasan ay ang


mababang pagbibigay ng halaga sa sarili, pang- aabuso at pagpapabaya.

________27. Kumikilos si Luna ng hindi kinakailangan na utusan ng kanyang mga kasama sa


bahay at wala siyang hinihintay na kapalit. Ang kilos ni Luna ay nagpapakita ng pagkukusa.

Email Address: sibatointegratedschool0194@gmail.com


Facebook Account: https://www.facebook.com/SibatoIS2017
Contact Numbers: 09985373512
“Batang IP nga Kampyon: Abilidad kag Kinaadman Pauswagon, Ipadayon paagi sa Kalidad nga Edukasyon!”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
SIBATO INTEGRATED SCHOOL

________28. Ang mga estudyante sa high school ay may kakayahan na gumawa ng isang
malinaw na pasiya sa buhay.

_______29. Si Ashley ay nalilito kung ano ang gagawing pagpapasiya. Naisip ni Ashley na
humingi ng payo sa kanyang mga magulang ng s aganon ay mapili niya ang pinaka angkop
na gawin sa kanyang suliranin.

_______30. Si Paul ay madalas na ereklamo ng kanyang mga guro sa kadahilang ang


madalas niya na pagliban sa kanilang klase at hindi pagsumite ng mga nakatakdang gwain sa
bawat asignatura. Ang problema tungkol kay Paul ay wala ng solusyon.

_______31. Ang pagbibigay ng pera sa mga tao sa kanilang lugar noong may kalamidad ang
paraan ni Ginoong Castillo para maging malapit siya sa mga tao. Mabuti man ang layunin ni
Ginoong Castillo ngunit makikita sa mga sobre na may pangalan niya ito na siyang paalaala
para sa darating na eleksyon.

_______32. Sa mata ng tao, palaging mabuti ang pagtulong sa kapwa. Pero ang pagtulong sa
kapwa na may iba pang layunin ay hindi maganda ang kinakalabasan at idinudulot.

IV. Panuto: Mag-isip ka ng isang bagay na gusto mong makuha/nais mong gawin na
pinag- iisipan o pinagpapasyahan mo pa lamang. Itala sa ilalim sa nakatalagang
kahon ang mga hakbang na iyong gagawin.

33.Pagkaunawa sa Magbigay ng isang bagay na gusto mo o nais mong gawin.


layunin

34.Nais ng layunin Naayon ba ito sa iyong kalooban dahil ito ay mabuti?

35. Paghuhusga sa May posibilidad ba na mangyari ang gusto mo?


nais makamtan.

36. Intensiyon ng Gusto mo ba talaga ito? Nais mo ba talaga itong mangyari?

layunin

37. Masusing Paano mo ito magagawa/ paano mo ito makukuha?


pagsusuri ng paraan

38. Paghuhusga sa Sinasang-ayunan ba ng iyong kalooban ang mga paraan na


paraan iyong iniisip? Ano ang paraan na hindi tinatanggap ng iyong

Email Address: sibatointegratedschool0194@gmail.com


Facebook Account: https://www.facebook.com/SibatoIS2017
Contact Numbers: 09985373512
“Batang IP nga Kampyon: Abilidad kag Kinaadman Pauswagon, Ipadayon paagi sa Kalidad nga Edukasyon!”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
SIBATO INTEGRATED SCHOOL

kalooban sapagkat alam nito na mali ang paraan na ito?

39. Praktikal na Batay sa iyong masusing pag-iisip, ano ang mga pros at cons
(advantage & disadvantage) ng mga iniisip mong paraan?
paghuhusga sa

pinili.

40. Pagpili Ano ang napili mong gawin na hindi tinututulan ng iyong isip at
kalooban?

V. Multiple Choice
Panuto: Basahing mabuti at piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

41. Kahit na may CoViD-19 Pandemic may nagawang pasiya at kahalili (alternative) si
Mang Karding upang maibigay niya ang pangangailagan ng kaniyang pamilya. Ang
sitwasyon na ito ay nagpapatunay na may kakayahan si Mang Jose na?

a. maging matatag ang kalooban c. mapanagutang kilos


b. harapin ang pandemiya d. magpasiya

42. Noong unang ginamit ang tabako ni Adrian, dahil sa solsol ng kanyang mga kaibigan.
Walang kamalay makay si Adrian sa mga nakakapinsalang epekto nito. Ito ay tinutukoy
ang tungkol sa?

a. kamangmangan c. masidhing damdamin


b. takot d. karahasan

43. Hindi na ginawa ni Mark ang kaniyang mga gawain at wala siyang balak na gawin ito.
Ito ay isang halimbawa ng?

a. kusang-loob c. walang kusang loob


b. katamaran d. boluntaryo

44. Sobrang lungkot ni Lisa dahil kanina lang ay namatay ang kanyang ina. Wala na siyang
karamay sa araw-araw na pamumuhay. Ang masayahing si Lisa bigla na lang naging
ibang bata.

Email Address: sibatointegratedschool0194@gmail.com


Facebook Account: https://www.facebook.com/SibatoIS2017
Contact Numbers: 09985373512
“Batang IP nga Kampyon: Abilidad kag Kinaadman Pauswagon, Ipadayon paagi sa Kalidad nga Edukasyon!”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
SIBATO INTEGRATED SCHOOL

a. masidhing damdamin c. karahasan


b. gawi d. takot

45. Si Melody ay tumutulong sa isang organisasyon para sa mga bata na nangangailangan ng


magtuturo sa mga aralin na galing sa paaaralan. Ito ay isang halimbawa ng?

a. kusang-loob c. walang kusang loob


b. di kusang loob d. boluntaryo

46. Napagkamalan si Andrew na hindi nakikinig dahil sa madalas na paghikab niya habang
may klase. Ang sitwasyon ay tumutukoy sa

a. Kilos ng tao c. kusang-loob


b. Makataong kilos d. walang kusang – loob

47. Si Mang Rico ay tindero ng isda sa kanilang palengke. Labag man sa kanyang kalooban
ay isa sya sa gumagawa ng “dagdag timbang” dahil marami nman daw ang gumagawa nito.
Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan?

a. Walang kusang- loob c. kusang - loob


b. Di kusang – loob d. panloloko

48. Si Lucas ay inuutasan lamang ng sindikato na magnakaw at ito’y labag sa


kanyang kalooban. May pananagutan ba si Lucas sa kanyang kilos?

a. May depektibo sa intension at pagsanga yon ng taong nagsagawa ng kilos


b. Si Lucas ay walang alam dahil sumusunod lamang siya at ito’y walang pakukusa sa
kilos
c. Si Lucas ay may kalaman sa gawain na isakatuparan pero hindi isinagawa
d. Ang mga bata na katulad mi Lucas ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at
kahihinatnan ng kilos.

49. Ang pagbibigay ng pera sa mga tao sa kanilang lugar ang pinakamadaling paraan napili
ng upang Manalo sa darating na eleksyon. Anong hakbang sa proseso ng pagkilos ang hindi
tinugunan?

a. Paglalayon
b. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin
c. Pagpili ng pinakamalapit na paraan.
d. Pagsasakilos ng paraan

Email Address: sibatointegratedschool0194@gmail.com


Facebook Account: https://www.facebook.com/SibatoIS2017
Contact Numbers: 09985373512
“Batang IP nga Kampyon: Abilidad kag Kinaadman Pauswagon, Ipadayon paagi sa Kalidad nga Edukasyon!”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
SIBATO INTEGRATED SCHOOL

50. Ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga tao na wlaang sapat na plano para
makatulong ito ng pangmatagalan ay madalas na gawin ng mga pulitiko. Anong hakbang sa
proseso ng pagkilos ang hindi natugunan ni Ginoong Cruz?

a. Paglalayon
b. Pag -iisip ng paraan na makarating sa layunin
c. Pagpili bg pinakamalapit na paraan
d. Pagsasakilos ng paraan

Email Address: sibatointegratedschool0194@gmail.com


Facebook Account: https://www.facebook.com/SibatoIS2017
Contact Numbers: 09985373512
“Batang IP nga Kampyon: Abilidad kag Kinaadman Pauswagon, Ipadayon paagi sa Kalidad nga Edukasyon!”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
SIBATO INTEGRATED SCHOOL

Email Address: sibatointegratedschool0194@gmail.com


Facebook Account: https://www.facebook.com/SibatoIS2017
Contact Numbers: 09985373512
“Batang IP nga Kampyon: Abilidad kag Kinaadman Pauswagon, Ipadayon paagi sa Kalidad nga Edukasyon!”

You might also like