You are on page 1of 3

Pangalan: _____________________________ Lebel:__________________ Seksiyon:________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO

Pagsusuri ng Anekdota

Panimula (Susing Konsepto)

Sabi nga nila, “Laughter is the best medicine”. Ito ay nakatutulong sa atin, maging pisikal man o emosyonal. Ang pagtawa ay
nakakabawas at nakapagpapagaan ng bigat na ating nararamdaman at nakatutulong para magkaroon ng positibong pananaw sa mga pangyayari sa
ating buhay. Tulad nating mga Pilipino na likas na masiyahin at mahilig sa libangan, na sa kabila ng mga sakuna at problemang pinagdadaanan
nagagawa paring ngumiti at tumawa.
Ang Persia (Iran) ay kilala dahil sa kanilang mga kasabihan, sining, relihiyon at kultura. Ang paniniwalang Sufi ay nakapokus sa
pagpapaunlad ng indibiduwal na kalooban at ito ay bahagi na ng kanilang buhay. Kaya’t pinapaniwalaan na ang pagtawa ay nagdudulot
ng kasiyahan sa bawat tao.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa (F10PB-IIIb-81)

Panuto. Basahin at unawain ang anekdota. Pagkatapos, sagutin ang mga kasunod nitong mga gawain nang buong husay at katapatan.

Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa
kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng
katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro
at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya,
nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong
magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.
Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na
katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang
marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na
anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga
tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah
Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.

Gawain 1
Suriin at bigyang-kahulugan ang salitang italisado sa bawat pangungusap sa pamamagitan ng pagpuno ng nawawalang letra sa mga kahon. Gamitin
ang mga ito sa pangungusap tungkol sa kasalukuyang pangyayari sa paligid.

Gawain 2
Ilarawan ang mga katangiang taglay ng pangunahing tauhan. Pagkatapos, suriin ang ipinahihiwatig ng mga katangian
Gawain 3
Suriin ang anekdotang binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Ilarawan ang tagpuan sa anekdota.


__________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang paksa ng anekdotang Mullah Nassreddin?
__________________________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang layunin ng pangunahing tauhan?
__________________________________________________________________________________________________________________
4. Ano ang aral o ipinahihiwatig ng mga pangyayari sa anekdota?
__________________________________________________________________________________________________________________
5. Kung ikaw si Mullah Nassreddin, gagawin mor in ba ang ginawa niya? Bakit?
__________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 4
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa akdang binasa gamit ang Story ladder

Gawain 5
Basahin, unawain at suriin ang isa pang halimbawa ng anekdota. Ihambing ito sa akdang Mullah Nassreddin ayon sa banghay at istilo ng may-akda.
Gamitin ang grapiko.
Mula sa mga Anekdota ni Saadi
ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.


Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang
ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang Mongheng
Mohametano habang dumadaan siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya
nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.”
Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong
harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo
sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha
ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”

You might also like