You are on page 1of 2

Panimula

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa
pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang
naiambag nito sa kanilang lipunan kaya maraming taong nakakakilala sakanya noong bata palamang
sila. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng
katatawanang estilo sa pagsulat.

Tunggalian

Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng


maraming tao. At si Mullah Nassreddin ay nagbitaw ng isang katanungan na magbibigay ng
katanungan sa kanilang isipan, na agad ding sinagot ng mga panauhin.

Kasukdulan

Sa pagsisimula, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga
nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi
alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.

Kakalasan

Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Muli ay tinanong niyang muli ang mga
tao ng katulad ng katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam
na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang
umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot.

Wakas

Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at


muli niyang tinanong ang katanungan. Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay
nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah
Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di
alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
PANGYAYARI KAUGNAY NA PAGDEDESISYON

Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung
magbigay ng isang talumpati sa harap ng kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong
maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking
siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang
mga tao.

Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot
Nassreddin upang magbigay ng pahayag at ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang
muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t
aking sasabihin?” muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang
kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t
kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang
aking sasabihin,” at siya ay lumisan.

Ang Tsinelas ni Jose Rizal


 Ano ang paksa ng anekdota?
Ang paksa ng anekdota ay ang karanasan ni Jose Rizal nang humulagpos ang isa
niyang tsinelas. At pagpapahalaga sa isang bagay kahit na ito’y maliit o malaki.

 Sino-sino ang tauhan?


Ang mga tauhan ay sina Jose Rizal, ang nagsasagwan o mga kasamahan nito.

 Saan naganap ang mga pangyayari sa teksto?


Nagana pang pangyayari sa dagat o ilog sa kanilang bayan sa Laguna.

 Anong motibo ng may-akda ang ibig niyang ipabatid sa mga mambabasa?


Ang motibo ng may-akda na ibig niyang ipabatid ay ang malalim na pag-unawa niya sa
isang bagay na hindi na niya maaaring magagamit kung hindi niya makukuha ang kapares
nito at kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang
paglakad.

 Anong paraan ng pagsulat ang ginawa ng may-akda?


Ang paraan ng pagsulat ng may-akda ay gamit ang sariling karanasan sa buhay
nakagawa siya ng isang kuwento na magbibigay saatin ng gintong-aral.

You might also like