0% found this document useful (0 votes)
387 views8 pages

Romeo Juliet Script

Uploaded by

Brayden Reyes
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
387 views8 pages

Romeo Juliet Script

Uploaded by

Brayden Reyes
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

ROMEO & JULIET SCENE

● NARRATOR: (INTRODUCTION OF THE STORY) Nagsimula ang kwento nina Romeo


at Juliet sa Verona, Italya. Kung saan may nakatirang dalawang maimpluwensiyang
pamilya na ang Montague at Capulets. Ang dalawang pamilya na ito ay bihira ang
kapayapaan dahil sa alitan nito.
● Ang Montagues ay may lalaking anak na nangngangalang Romeo at ang babaing anak
ng Capulets ay nagngangalang Juliet.

SCENE 1:

● NARRATOR: sa pag-iisa ni Romeo ay kinausap niya ang kaniyang sarili.


● ROMEO: Ano ba tong lungkot na aking nararamdaman? Bakit ganito. Kailan ba dadating
yung araw na makikita at makakasayaw ko na ang aking minamahal na babae at
makasama siya habang buhay.
● NARRATOR: At dito siya niyaya ng kaniyang Pinsan na si Benvolio para pumunta sa
piging sa tahanan ng Capulet.
● NARRATOR: sa pag-iisa ni Juliet kaniya ring kinausap ang kaniyang sarili.
● JULIET: Bakit ganito? Ako’y ikakasal ngunit hindi ko ito ipinapangarap! Sino si Paris?
Maiibig ko kaya ito kahit hindi siya ang pinapangarap ko?
● NARS: binibini, halika na at aayusan na kita para sa sayawan mamaya. (tumayo si
Juliet)
● NARRATOR: niyaya lamang nina

SCENE 2:

● NARRATOR: nagsimula na ang sayawan sa bahay ng Capulets, naroon si Juliet


nakikipagsayawan. Darating si Romeo at makikita niya si Juliet, ang anak ng kaaway ng
angkan mila.
● ROMEO: Oh kay ganda ng binibini, puso ko ay nabighani. Ako ay may nararamdaman,
ngunit hindi ko ito maipaliwanag.(naglakad si romeo papunta kay Juliet, ngunit hinarang
siya ng pinsan ni Juliet nagngangalang Tybalt)
● NARRATOR: nakita ni Tybalt si Romeo, at kaniya itong sinita.
● TYBALT: Aba, bakit ka naparito? Ikaw ay isang Montague! ikaw ay papatayin ko!
● NARRATOR: nakita ni Don Capulet ang nangyayari at nakiusisa sa mga ito.
● DON CAPULET: Anong nangyayari dito?
● TYBALT: Tiyo, itong lalaking ito, si Romeo ay isang Montague! dapat itong ipapatay!!
● DON CAPULET: Si Romeo ay isang matapat na ginoo, pabayaan mo siya.
● TYBALT: Ano?! pero dapat siyang ipapatay dahil siya ay isang Montague, kaaway ng
aking angkan!
● DON CAPULET: (nagalit ito) Pabayaan mo siya!! at sundin mo ako. Sino ba ang
panginoon saating dalawa?
● NARRATOR: Labis na nagalit si Tybalt, at lumabas ito, umalis din si Don Capulet upang
asikasuhin ang ibang bisita. At dito nagtagpo ang mata nina Romeo at Juliet. Lumapit si
Romeo kay Juliet.
● JULIET: (kinapa ni Juliet and kaniyang mukha) may dumi ba aking mukha? bakit
ganiyan ka tumitig saakin?
● ROMEO: Ikaw ay nararapat lamang na titigan binibini, dahil nabihag mo ang aking puso
at ito’y puno ng kasiyahan. (kinuha ang kamay ni Juliet) Maaari ko bang halikan ang
iyong kamay binibini?
● JULIET: Kung gayon ay nasa aking kamay ang salang sa iyo ay nakuha.
● ROMEO: (hinalikan ni Romeo and kamay nito, at sa pangalawang pagkakataon ay
hinalikan din niya ang noo nito)
● JULIET: Parang pinag-aaralan mo naman ang paghalik, ginoo?
● NARRATOR: natawa na lamang ang dalawa nang biglang dumating ang nars ni Juliet.
● NARS: Senyorita Juliet, pinapatawag ka po ng iyong ina.
● ROMEO: Ipagpaumanhin mo ako binibini, ngunit sino ang iyong ina? siya ba ay isang
Capulet?
● NARS: Aba ginoo, ang ina ni Juliet ang ginang ng itong tahanan. At, oo siya ay isang
Capulet.
● NARRATOR: Tila na nawala ang ngiti ni Romeo sa kaniyang mukha nang malaman na
si Juliet ay isang Capulet.

SCENE 3:

● NARRATOR: ngunit ng malaman ‘yon ni Romeo ay nanaig pa rin ang pag-ibig ng


dalawa sa isa’t-isa. Nang matapos ang piging sa bahay ng Capulet ay lumisan na ang
ibang bisita, ngunit nagpaiwan si Romeo upang makasama nang mas matagal si Juliet.
● Sa matagal na pagmumuni muni ni Romeo, ay muling nakita ang binibini. Nakita niya
itong nakaupo sa tagong ilalim ng kahoy.
● JULIET: Sino kaya ang ginoo kanina sa piging? Tila’y mukha ay napaka gwapo,
mukhang hindi ko malilimutan, kaniyang mapupungay na mata at mapupulang labi.
(sigh)
● NARRATOR: sa malalim na pagiisip ni Juliet kay Romeo, hindi nito napansin na nasa
likod niya ito at nakikinig sa mga sinasabi niya.
● ROMEO: Ang lalaking iyong pinapatungkol, siya ba ang iyong iniibig, binibini? Ngunit,
binibini, siya ay isang Montague, kaaway ng iyong angkan.
● NARRATOR: Labis na nagulat si Juliet nang marinig ang boses nito. Agad agad na
tumayo ito at tinignan ang kaniyang likod ngunit hindi niya ito nakita.
● JULIET: Sino ka? bakit kilala mo kung sino aking pinapatungkol?
● ROMEO: (lumabas si romeo sa kaniyang tinataguan upang masilayan si Juliet) Dahil
ako ang binata na iyong sinasabi binibini, ako si Romeo, at tama ka galing ako sa
angkan ng Montague, na matagal nang kaalitan ng inyong angkan.
● JULIET: oh, Romeo, wag mong isipin ang ating pangalan, dahil ikaw ay aking iniibig.
● ROMEO: (napangiti na lamang si Romeo sa kaniyang narinig) Simula ngayon, hindi na
ako Romeo ng mga Montague, kundi ako na ang Santang Mahal.
● JULIET: (natuwa na lamang ito, ngunit hindi nagtagal) Siya nga pala, paano ka
naparito? at saan ka dumaan kay haba ng mga pader dito. Kapag nalaman nila nandito
ka ikaw ay papatayin nila!
● ROMEO: Nilundag ko ang pader sapagkat ako ay nagkaroon ng pakpak ng pag-ibig. Oh,
binibini, wag kang mag-alala isang matamis na titig mo lang ako’y maliligtas.
● JULIET: Sino ang nagturo sayo sa lugar na ito?
● ROMEO: Pag-ibig ang nagturo saakin papunta sa lugar na ito, binibini.
● JULIET: oh Romeo, nais kong ipaalala sayo na hindi ako madaling mahuli.
● ROMEO: Alam ko binibini, pero sinusumpa ko sa buong mundo na malimit lamang ako
magmahal ng totoo.
● JULIET: oh siya, paalam na aking mahal!
● ROMEO: Iiwan mo ba akong may lungkot sa aking mukha?
● JULIET: Anong kasiyahan ba ang gusto mong makamtan?
● ROMEO: Tayo ay maghabilin ng tapat na sumpang pag-ibig, aking binibini.
● JULIET: Tatlong salita ang tandaan mo, “paalam ng tunay” (nagtatampo) o siya, adios,
matamis na kalungkutan ng paghihiwalay!
● ROMEO: (nagtatampo) mabuhay nawa ang kaluluwa ko! paalam binibini!
● NARRATOR: Bago paman may makakita sa lihim at hindi inaasahang pagkikita ng
dalawa, ay umuwi na ang binata at bumalik naman sa kaniyang silid ang dalaga.

SCENE 4:

● NARRATOR: Pumunta si Romeo sa isa niyang malapit na kaibigang prayle upang


magbigay basbas sa kasal na magaganap sakanilang dalawa. Ang lihim ng pag-iisa ay
nasaksihan ni Benvolio at Nars ni Juliet.
● PADRE LAURENCE: Nawa’y pagpalain ng langit itong banal na gawain upang
pagkatapos ang pagsisi’y wag natin kamitin.
● ROMEO: Amen. Ngunit padre ano mang lungkot ang dumarating saakin, ay hindi pa rin
ito madadaig sa kagalakan na aking nasisilayan ay magiging akin
● PADRE LAURENCE: Ito ang tatandaan mo Romeo, may mga bagay na hindi ka dapat
magpadalos-dalos at mahihirapan kang intindihin dahil ito ay hindi mo pa nararanasan.
Wag mong kakalimutan na ang marahas na kasiyahan ay may marahas din na
hangganan.
● JULIET: Magandang gabi po sa mabunying kompesor ko.
● PADRE LAURENCE: Para saaming dalawa, si Romeo ang pagsasalamat sa iyo, Juliet.
● JULIET: (ngumiti si Juliet) Ganoon din po ako sakaniya Padre Laurence. Ang
pasasalamat niya ay magiging kalabisan.
● ROMEO: oh Juliet, aking binibini. Ibibigay ko sayo ang lahat mapaligaya lang kita.
● JULIET: Natutuwa ako na marinig yan sayo Romeo. Nasisiguro akong tapat ang ating
pagmamahalan sa isa’t-isa na mahigit pa sa kayamanan.
● PADRE LAURENCE: oh siya, madali na natin itong tapusin. hindi kayo nararapat na
bayaang nag-iisa. (binasbasan ang dalawa)
● TAGAPAGSALAYSAY: Sa pagkakataon na iyon ay ibinigay na ng prayle ang huling
basbas na kinakailangan upang maging ganap na mag-asawa ang Romeo at Juliet at
magmahalan ng buo.
● ROMEO: Aking mahal, sa wakas ikaw ay ganap na kitang kabiyak. Nailahad ko ang
nararamdaman ng aking puso para sayo. Naipangako ko na rin ang mga panata ko para
sayo sa harap mo at sa panginoon.
● JULIET: Napakasaya ko rin mahal ko, dahil tuluyan na tayong nagka-isa at magsasama
habang buhay.
● ROMEO: Tuluyang talaga tayo magkakaisa sa pamamagitan ng isang yakap. (lumapit
kay Juliet at niyakap ito)

SCENE 5:

● NARRATOR: pagkatapos ang araw ng kasalan ng dalawa, kasama ni Romeo ang


kaibigang si Mercutio at pinsang si Benvolio, nang makita ni Tybalt si Romeo ay
kaniyang hinarangan ang daan upang makaharap ito.
● TYBALT: tsk tsk tsk, ikaw na naman buhong Romeo, at talagang bumalik ka pa rito,
ngayong tayo ay nagtagpo muli, tuluyan na kitang papatayin!
● ROMEO: Wala akong masamang intensyon. Dapat tayo’y mag-usap at magkaunawaan
dahil hindi away ang hinahanap ko.
● TYBALT: Romeo, kahit anong mangyari hindi tayo magkakaunawaan dahil ikaw ay
isang Montague, kaaway ng aking angkan. Kaya lumaban ka!
● NARRATOR: Sa narinig ni Romeo ay balak pa sana niya itong kausapin gayon man
hindi na mauwi sa madugong labanan dahil pinsan ito ng asawa niya. Ngunit nagulat
siya nang hinarangan ito ni Mercutio.
● MERCUTIO: Kung ayaw lumaban ni Romeo ako ang lalaban sayo!
● TYBALT: Aba, hindi ako umaatras sa isang hamon, hindi kagaya ng iyong kaibigang si
Romeo na duwag. (naglabanan)
● NARRATOR: sinubukan pigilan ni Romeo ang dalawa ngunit pinigilan siya ni Benvolio.
● ROMEO: Ano ba! bitawan mo ako sa gayon ay mapigilan ko ang dalawa! (inaawat pa rin
sina Tybalt at Mercurtio)
● BENVOLIO: Masyado ka nang huli Romeo! nabangayan na away ng dalawa, hayaan
mo sila at manatili ka rito baka ikaw ay madamay at mapano pa.
● NARRATOR: sa narinig ni Romeo ay mas lalo naging malakas ang kagustuhan niyang
pigilan at awatin ang away ng dalawa.
● Sa bawat tunog ng mga espada ng dalawa ay siya ring lakas ng tibok ng puso ni Romeo
dahil sa takot nitong may masaktan o mamatay. Nang makawala siya sa hawak ng
kaniyang pinsan ay dali dali siyang tumakbo upang pigilan ang dalawa ngunit huli na
ang lahat.
● ROMEO: (dali daling tumakbo si Romeo sa dalawa ngunit sa kalagitnaan ng pagaaway
ng dalawa ay napahinto ito sa nasaksihan)
● TYBALT: (sinaksak ang espada kay Mercutio)
● ROMEO & BENVOLIO): dali dali itong tumakbo kay Mercutio bago pa bumagsak ang
kaniyang katawan.
● NARRATOR: sa nakitang sinapit ng matalik na kaibigan ni Romeo ay hindi nito
mapigilan ang pagluha, ngunit ano ang magagawa ng kaniyang luha kung hindi na
mababalik ang buhay ng kaniyang kaibigan. Tanging lungkot at galit ang nararamdaman
ni Romeo na siyang kumontrol sa emosyon ni Romeo. Unti unting tumingin si Romeo
kay Tybalt na puno ng galit ang mata, dinampot nito ang sandatang ginamit ng kaniyang
kaibigan at tumayo upang harapin si Tybalt.
● ROMEO: (galit) Ikaw ay mamamatay tao! isa kang halimaw! dapat ka ring mamatay!!!!
● BENVOLIO: (sinubukan niyang pigilan si Romeo sa kaniyang binabalak) ROMEO ITIGIL
MO YAN! WAG MONG ITULOY ANG IYONG BINABALAK!
● ROMEO: (hindi ito pinansin ni Romeo at sumugod kay Tybalt, at napatay niya ito.)
Paano ko yon nagawa? (tanging takot at gulat lang ang nararamdaman ni Romeo at
tumakbo ito.)
● NARRATOR: sa takot at lito ni Romeo ay agad agad siyang tumakbo kung saan walang
makakakita. Sa hindi pagkakataon ay nakita ni Prinsipe Escalus na may dalawang
bangkay sa lupa. Nilapitan niya ito at nalaman na sangkot na naman sa patayan ang
pamilang Capulet at Montague. Ipinatawag niya ang dalawang angkan. (Dumating na
ang Capulets at Montagues)
● Nang dumating ang dalawang angkan ay labis sila nagulat nang makita nila ang mga
bangkay, lumapit ang Montagues sa walang kamalay malay na Mercutio at ang Capulets
naman kay Tybalt.
● DON CAPULET: ISANG MAMAMATAY ANG INYONG ANGKAN!!!
● DON MONTAGUE: HINDI MAMAMATAY TAO ANG AKING ANAK! kung sakaling
makapatay siya tiyak akong hindi niya sinasadya iyon! (nag-aaway ang dalawang
pamilya)
● PRINSIPE ESCALUS: Tama na! tumigil kayo! ano ba ang puno’t dulo bakit namatay si
Tybalt at Mercutio?
● BENVOLIO: (lumapit si Benvolio) mahal kong prinsipe, hayaan niyo po akong ipaliwanag
lahat ng nangyari, kami nina Romeo at Mercutio ang magkakasama nang bigla kami
harangin ni Tybalt at naghahamom ng away kay Romeo, ngunit tumanggi si Romeo at
nakiusap ng maayos, si Mercutio naman ang lumanang hanggang sa napaslang ito ni
Tybalt. At dahil sa galit ni Romeo ay kaniyang sinugod si Tybalt at napaslang ito.
● PRINSIPE ESCALUS: dahil sa kasalanan na iyon ay ipapatapon ko si Romeo. Kapag
siya ay bumalik at makita agad na ipapaslang ito.
● NARRATOR: Sa kabila lahat ng nangyari ay nakapagtago pa si Romeo, at kaniyang
naisipan na puntahan si Juliet upang ipaalam na hindi muna sila magtatagpo.
Pinuntahan niya si Juliet kung saan sila huli nagtagpo.
● ROMEO: (pumunta kay Juliet) Oh aking Juliet, sana mapatawad mo ako, hindi muna
tayo magtatagpo, at ako’y aalis muna, pero pangako ko sayo ako’y babalik.
● JULIET: Hanggang kailan ka ba doon? (nalungkot) oh romeo, anong gagawin ko sa mga
araw na wala ka? hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.
● ROMEO: Alam kong napakahirap, mahal ko pero dapat natin tong gawin, lagi mong
tatandaan na ikaw lang ang iniibig ko.
● (tumahimik ang paligid, tila’y nalulungkot ang dalawa at nagyakapan ito.)

SCENE 6:

● NARRATOR: Nag iisip ng malalim si Juliet dahil ilang araw na ang nakalipas tila ay
nangungulila at naghihintay na si Juliet para sa pagbabalik ng kaniyang minamahal na si
Romeo. Nang biglang dumating ang Nars.
● NARS: Senyorita Juliet, kayo po ay pinapatawag ng iyong mga magulang.
● (Tumango na lamang si Juliet at agad na sumunod)
● DON CAPULET: Anak, Juliet, alam kong labis ang kalungkutan mo sa paglisan ng iyong
pinsan. Pero humanap kami ng paraan upang ikaw ay lumigaya, ikaw ay aming
ipapakasal.
● JULIET: ANO? Ipapakasal sa hindi ko naman mahal? hindi! HINDI MAAARI! ayokong
magpakasal!
● DON CAPULET: Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka!
● LADY CAPULET: Intindihin mo na lang ang iyong ama Juliet, para sayo rin to!
● JULIET: (umiiyak) HINDI NIYO NA AKO MAHAL!
● LADY CAPULET: (sinampal si juliet) bumalik ka sa iyong silid!
● JULIET: (tumakbo si Juliet sakaniyang silid habang umiiyak)

SCENE 7:

● NARRATOR: pumunta si Juliet sa simbahan para maikumpisal niya ang mga


nangyayari.
● PADRE LAURENCE: Batid ko ang iyong paghihinagpis, Juliet. Ngunit kailangan ko itong
gawin para ipakasal ka kay Paris sa darating na Huwebes.
● JULIET: Padre, gusto ko pong malaman kung maaari niyo ba akong matulungan upang
maitigil ang kasal namin ni Paris.
● PADRE LAURENCE: Pumayag ka sa kagustuhan nila, at inumin mo ang laman ng
boteng ito. Ikaw ay aantukin at makakatulog ng walang tibok ang puso at walang pulso.
Mamamalagi kang ganiyan sa loob ng dalawampu’t-apat na oras.
● JULIET: Gagawin ko po padre, salamat sa iyong payo.
● NARRATOR: matapos makilag usap ni Juliet sa prayle ay umuwi ito at kinausap ang
kaniyang magulang at sinabing papayag na siya sa kagustuhan ng kaniyang magulang.
● JULIET: Ama, Ina, paumanhin po sa mga nasabi ko at naging aksyon ko kahapon,
nadala lamang ako ng aking emosyon. Papayag na po ako sa kagustuhan niyong
ipakasal ako kay Paris.
● LADY CAPULET: Mabuti naman at napag-isipan mo ng maayos at pumayag ka rin sa
kagustuhan namin. Napakasaya namin para sayo anak.
● DON CAPULET: Mabuti naman kung ganon. Oh siya, magpahinga ka na sa iyong silid
at bukas na bukas gaganapin na ang kasal niyo ni Paris.
● NARRATOR: pumunta si Juliet sakaniyang silid at naghanda na para sakaniyang kasal
bukas

SCENE 8:

● NARRATOR: Kinabukasan ay nakabihis na si Juliet sa isang magandang damit para sa


gaganapin na kasal nila ni Paris. Nakaayos na ang dalaga at hinihintay na lang na
matawag siya ng kaniyang Nars upang magsimula na ang seremonya. Sa paghihintay
niya ay kinuha niya ang boteng ibinigay ng prayle sakaniya at pinagmasdan ito, siya ay
nakaramdam ng takot at pangamba ngunit sa kabila ng nararamdaman niyang ayaw
magpakasal ay ininom pa rin niya ito. Unti-unting bumigat ang mata ni Juliet at tuluyan
na ngang makatulog.
● NARS: (pumasok ito para tawagin si Juliet) Nako, senyorita, ikaw ay nakabihis na ng
magarang damit ngunit nakahiga ka pa rin.
● NARRATOR: hindi narinig ng Nars na umiimik ito, kaya’t dahan dahan niya itong
nilapitan at iniyugyog ito, ngunit hindi magising. Kinapa niya ang dibdib nito at
pinakinggan ang tibok ng puso ni Juliet, ngunit wala siyang naririnig.
● NARS: Senyorita? (patuloy na pagyugyog) TULONG! TULONG! ANG SENYORITA
HINDI GUMIGISING!
● (pumasok ang magulang ni Juliet)
● DON CAPULET: Anong nangyayari?! Bakit ka sumisigaw?? nasan si Juliet!?
● NARS: Don capulet, hindi po gumigising si Senyorita Juliet, wala pong tibok ang
kaniyang puso.
● LADY CAPULET: ANO??? nagbibiro ka ba?! hindi magandang biro ‘yan Nars! tumabi ka
dyan, ako ang titingin! (Tinabig niya ang nars at pinakinggan ang tibok ng puso ni Juliet)
● LADY CAPULET: JULIET ANAK KO! (naiiyak na sabi ni Lady Capulet) Tumawag kayo
ng doktor, BILISAN NIYO!
● NARRATOR: lumapit si Don Capulet sa mag-ina niya at tila’y napaiyak to sa pagkawala
ng kaniyang nagiisang anak na si Juliet. Ilang minuto lamang ay dumating ang doktor at
kinumpirma na wala na ngang buhay si Juliet. Labag man sa kalooban ni Don Capulet
ay agad na inihanda nito ang libingan ng kaniyang anak.

SCENE 9:

● NARRATOR: sa kabilang dako naman ay ipinaalam ni Baltazar ito sa kaniyang amo na


si Romeo ang pagkawala ng kaniyang asawang si Juliet.
● ROMEO: Sulat ba ito galing sa Verona? Wala bang ipinapadalang sulat ang prayle?
Kamusta ang aking ina at ama? At kamusta naman ang iniibig kong si Juliet?
● BALTAZAR: Mabuti naman ang iyong magulang at wala rin pong sulat na ipinadala ang
prayle, pero wag ka sana mabibigla dahil patay na po si Juliet, nakita ko siyang inilibing
sa tumba ni Capel.
● (nabitawan na lamang niya ang sulat dahil sa gulat nito)
● ROMEO: ANO!? totoo ba itong naririnig ko?! Teka ako’y aalis ngayon din. Ano ang
maaari kong gawin Baltazar?
● (pumunta si Romeo sa may butikaryo)
● ROMEO: Tao po!! (knock 3x) Tao po!!
● BUTIKARYO: Ano sayo, ginoo?
● ROMEO: Bigyan mo ako ng lasong nakamamatay, eto ang apatnapung dukado.
● BUTIKARYO: Meron akong lason dito, ngunit parusa ng batas sa mantua’y kamatayan
● ROMEO: Ang mundo at batas ay hindi mo kaibigan, tanggapin mo yan at wag mamalagi
sa hirap.
● BUTIKARYO: Oh siya, ilahok mo ito sa kahit anong tunaw at iyong inumin, pagkatapos
ay bigla kang mamamatay.
● ROMEO: Maraming salamat. (umalis na)

SCENE 10:

● NARRATOR: dumating si Juan at kinausap si Padre Laurence sa simbahan.


● PADRE JUAN: Kapatid ko, hindi ko naipadala ang sulat mo para kay Romeo, sapagkat
hindi kami ipinalabas. Kaya’t ang bilis ng pagtungo ko sa mantua’y napigil agad. Narito
pa rin saakin ang sulat para kay Romeo.
● PADRE LAURENCE: Nakuu! Ihanda mo ang aking gamit at ako ay pupunta sa libingan
ni Juliet.
● NARRATOR: dali-dali naman sinunod ng prayle ang utos ng kapatid. Pupunta ito sa
libingan dahil tiyak ito napaparoon ang binatang si Romeo at magigising na ang dalaga
pagkatapos ng ilang oras.

SCENE 11:

● NARRATOR: sa libingan ni Juliet ay naroroon si Paris nagdudusa sa pagkawala ni


Juliet. Hindi nagtagal ay dumating rin si Romeo, akmang papasok na si Romeo ngunit
siya ay hinarang ni Paris.
● PARIS: Anong ginagawa ng isang lapstangang kagaya mo rito?
● ROMEO: Pupuntahan ko ang aking asawa sa kaniyang libing.
● PARIS: Aba! hindi ako papayag na makakasama mo si Juliet, dadaan ka muna saakin.
● NARRATOR: matapos ng kanilang usapan ay agad sumugod si Paris kay Romeo. Di
nagtatal ay nag lalaban ang dalawa at napaslang ni Romeo si Paris. Nakita ng kasama
ni Paris ang nangyari at agad na nagsumbong sa mga Capulet. Habang si Romeo ay
nakalapit na kay Juliet.
● ROMEO: Asawa ko! Bakit sa iyo pa ang nangyaring kapalaran na ito?! (malungkot si
romeo) Kung gayon ako ay pupunta sa iyong piling at tayo ay magsasama habang
buhay aking mahal. (hinalikan ang noo ni Juliet at tska ininom ang lason) Mahal na
mahal kita, Juliet. (ininlm ang lason) Paalam buhay na malupit, magsasama na kami ng
aking minamahal!
● NARRATOR: pagkaraan ng ilang oras ay nagising si Juliet, at nakita niya na wala ng
buhay at kamalay malay si Romeo.
● JULIET: Ano ito?? Lason? Oh, mahal ko, ako ay iyong patawarin sapagkat hindi la ako
patay. Ngunit handa akong mamatay para sayo, makasama ka lang habang buhay.
(kinuha ang patalim at sinaksak ang sarili, at hinawakan ang kamay ni Romeo) mahal na
mahal kita Romeo.
● NARRATOR: dunating ang prayle sa libingan ni Juliet upang sabihin ang katotohanan
kay Romeo, ngunit sa pagdating nito ay dalawang bangkay ang humarap sakaniya. Sa
hindi katagalan ay dumating ang mga kawal at dinakip si Padre Laurence, nakita rin nito
ang bangkay nina Romeo, Juliet at Paris at ipinatawag ang pamilyang Capulet at
Montague upang maipaalam ang nangyari.
● PRINSIPE ESCALUS: Ano na naman ang mga pangyayaring ito? Ikaw ba ay may
kinalaman dito Padre Laurence?
● PADRE LAURENCE: Sa katunayan ay alam ko ang lahat, sila ay nag-iibigan at
nagpakasal ng palihim saakin. Ako ang nagbigay kay Juliet ng lason na pampatulog
nang sa ganon ay makuha siya ni Romeo upang sila ang magsama. Hindi ko
inaasahang hahantong sa ganito.
● PRINSIPE ESCALUS: Sa ngayon ay wala na tayong magagawa, sila ay nagmamahalan
na ng tahimik. Tayo ay magpatayo ng estatwa bilang simbolo ng kanilanh
pagmamahalan.
● NARRATOR: mula noon ay nagkaunawaan na ang dalawang angkan, naging matuwisay
na ang kanilang buhay. Naitayo na rin ang estatwa nina Romeo at Juliet sa Verona
bilang sinbolo ng kanilang pagmamahalan.

You might also like