You are on page 1of 3

PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga


totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano
ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang
karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga
panukala (teoriya) o mga pamamaraan o (sistema), at sa
pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga
napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri,
sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-
kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong
ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong
paraan, dapat itong nakapagpataas o nakapagdaragdag ng
kaalaman hingil sa isang hindi nakikilalang bagay na
ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan. Isang
sistematikong paghahanap sa mahahalagang impormasyon
hingil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang
maingat at sistematikong paghahanap ng mga esensyal na
impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o
suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon
ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay
mahaharap siya sa isa pang esensyal na gawain ang
paghahanda ng kanyang ulat pampananaliksik.
Mga Hakbang sa Pananaliksik

You might also like