You are on page 1of 7

FIL 3 REVIEWER WITH ANSWERS

1. Uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay. Ito ang pangungusap na tinanggap ang

kanyang kayarian.

-Datos

2. Ito ay isang mataas na paraan ng pagsulat na siyang nangangailangan ng datos, nagbibigay-

interpretasyon, pagbuo ng sariling pananaw mula sa teorya o konsepto.

-Pananaliksik

3. Isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-

oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo

ng prediksyon, at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.

-Pananaliksik

4. Ayon sakaniya, ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, at kritikal na

imbestigasyon ng mga prosposisyong haypotetikal.

-KERLINGER (1973)

5. Ang pananaliksik ay kinakailangang maging matapat sa pamamagitan ng tumpak na tumpak

na pagkilala ng mga katunayan at impormasyon, ito rin ay nangangailangan ng dokumento

ng mananaliksik.

-BARRACEROS (2002)

6. Isang sistematikong proseso ng pagtatanong na binubuo ng mga katanungan, problema o

haypotesis, pangongolekta ng datos, analisis, at interpretasyon ng datos.

-DAVID NUNAN (1988)

7. Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t

ibang Teknik at paraan batay sa kalikasan, kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa

klaripikasyon o resolusyon.
-GOOD (1963)

8. Ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagisisyasat o

pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, gawain, problema, isyu, o aspekto ng kultura at

lipunan.

-ATIENZA (1996)

9. Ang katangiang ito ay inaasahang hindi magkakaroon ng pagbabago sa mga barayabol o

datos na pinag-aralan. Ang pagmamanipula sa baryabol ay magdudulot ng hindi balido

(invalid) na resulta.

-KONTROLADO

10. Kailangang sa pananaliksik na maging balido na kung saan ang mga patunay o ebidensiya ay

kayang depensahan at naipapaliwanag. Ito ay nabubuo ng dalawang konsepto: internal na

baliditi, kapag ito ay kayang bigyan ng resulta sa tumpak na interpretasyon: at eksternal

baliditi, kapag ang resulta ay nailalahat gamit ang populasyon, sitwasyon at kongklusyon.

-BALIDO

11. May pagkasunod-sunod o hakbang sa pangongolekta at pag-aanalisa ng impormasyon.

-SISTEMATIKO

12. Hindi nangangailangan ng sariling saloobin at interpretasyon ang pananaliksik.

-OBHEKTIBO. LOHIKAL AT WALANG KINIKILINGAN

13. Ito ay nakabatay sa iyong obhektibong pagsususri ng karanasan gamit ang pandama o

senses, ito rin ay ginagamit sa pagbuo ng kaalaman o impormasyon.

-EMPIRIKAL

14. Sa paraang ito ang pagsasagawa ng pananaliksik ay kailangang dumaan muna sa masusing

interpretasyon na walang bahagi ang may pagkakamali ayon sa paggamit ng tamang

estadistika at analitikal na pagbibigyan ng interpretasyon.


-MAPANURI

15. Kinakailangan nitong paglaanan ng sapat na panahon, ulit ulitin ang mga nakalap na datos

kung hinakailangan upang maging mabisa ang isinasagawang pag-aaral.

-PINAGTITIYAGAAN O HINDI MINAMADALI

16. Anong uri ng baliditi ang kayang bigyan ang resulta ng tumpak na interpretasyon?

-Internal Baliditi

17. Gumagamit ang mananaliksik ng silid-aklatan kung saan nagagamit sa paghahanap ng mga

impormasyon ukol sa pinag-aaralan, ang mga sanggunian ay makakatulong sa pananaliksik.

-BIBLIYOTEKA (AKLATAN)

18. Ito ay isang matematikal na kompyutasyon na ginagamit ng lohika. Ito ay nagbibigay ng

numerical ayon sa katotohanan tungkol sa buhay at isinasalin sa makabuluhang pahayag.

-ESTADISTIKA O STATISTICS

19. Sa pamamagitan nito, nahuhubong ang mananaliksik sa paglikha ng pormal na presentasyon

at interpretasyon sa mga konseptong nais ilatag sa pag-aaral.

-WIKA

20. Ito ang katangian ng iyong iniimbestigahan sa pag-aaral.

-BARYABOL

21. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba’t – ibang gulang at iba pang

katangian sa magkaparehong panahon.

-KROSS -SEKSIYONAL

22. Ang pangkalahatang estratehiya na pinagsama-sama ang mga bahagi at proseso ng

pananaliksik na kung saan naaayos sa lohikal na pamamaraan.

-DISENYO NG PANANALIKSIK
23. Ayon sa Dictionary (2011) ito ay detalyadong balangkas kung paano isinasagawa ang

imbestigasyon. Kadalasang nilalaman nito kung sa paanong paraan mangangalap ng datos

ang mananaliksik.

-DISENYO NG PANANALIKSIK

24. Nakapaloob sa disenyong ito ang pagiging sistematiko at empirical na imbestigasyon,

inilalarawan din sa disenyong ito na laging ginagamitan ng estradistika at pagsukat.

-KWANTITATIBONG PANANALIKSIK

25. Ayon kay BABBIE (1990) ang estratehiyang ito ay nakatuon sa kwantitatibo o deskriptibong

bilang ng atityud, opinion, at kalakaran ng isang populasyon sa pamamagitan ng pag-aaral

ng sampol ng nasabing pangkat.

-SARBEY NA PANANALIKSIK

26. Sa disenyong ito nakapaloob din ang KROSS – SEKYUNAL na paraan na siyang gumagamit ng

talatunugan o estrukturang interbyu sa pangangalap ng datos.

-SARBEY NA PANANALIKSIK

27. Ayon kay Keppel (1991) ang disenyong ito ay tumutukoy sa espesipikong treatment na

nakaiimpluwensiya sa kinalabasan.

-EKSPERIMENTAL NA PANANALIKSIK

28. Sa paraang ito masususbok ang hypothesis tungkol sa sanhi at bunga.

-EKSPERIMENTAL NA PANANALIKSIK

29. Sa disenyong ito inilalarawan ang phenomena at mga pilosopiya gamit ang mga pandama sa

ating katawan. Sa paraang ito dito makikitaan ng masusing obserbasyon na labas sa sariling

opinyon na nakahalaw sa pinaniniwalaang konsepto o pananaw.

-KWALITATIBONG PANANALIKSIK
30. Ito ang estratehiya na kung saan nangangalap ng datos, ang mananaliksik ay maninirahan sa

natural na setting o lunan sa mahabang panahon na may kaugnayan sa isinasagawang

pananaliksik. Layon sa pag-aaral na ito na malaman ang pang- araw-araw na pamumuhay,

gawi, ugali ng komunidad at aktuwal na pakikisalamuha ng mananaliksik sa kanyang pinag-

aralan.

-ETNOGRAPIYA (ETHNOGRAPHY)

31. Sa paraang ito ang mananaliksik ay humahalaw sa pangkalahatang teorya ng isang proseso,

aksyon o interaksyon, salig sa pananaw ng mga kalahok kasama sa prosesong itong ang

maraming pangangalap ng impormasyon at pagsasala sa mga ito.

-GROUNDED THEORY

32. Ang mananaliksik ay naghahanap ng impormasyon sa programa, pangyayari, gawain o

proseso ng isa o marami pang individwal. Ang paraan na ito ay nangangailangan ng malaking

oras sa pangongolekta ng mga impormasyon.

-CASE STUDY

33. Sa estratehiyang ito ang mananaliksik ay nagtatanong ng kahalagahan ng karanasan ng tao

tungkol sa phenomena. Ang pag-unawa sa buhay na karanasan ay isang marka ng

penomolohikal sa isang pilosopiya, gayundin sa metodo at amg pamamaraan ay nakabatay

na sa maliit na nabilang.

-PENOMOLOHIKAL NA PANANALIKSIK

34. Ang estratehiya naman na ito ay ang pagtatanong kung saan pinag-aaralan ng mananaliksik

ang karanasan ng bawat kalahok sa pamamagitan ng pagkukuwento sa buhay. Dito rin

nakikita ang paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa naratibong paraan.

-NARATIBONG PANANALIKSIK

35. Ito ang paraan ng pinagsamang kwantitatibo at kwalitatibong pamamaraan sa pananaliksik.


-HALONG PARAAN (MIXED METHOD)

36. Estratihiya na kung saan palalawakin ng mananaliksik ang kinalabasan ng isang pamamaraan

sa isa pa.

-SEKWENSYAL NA PINAGHALONG PAMAMARAAN

37. Dito pinagtagpo ng mananalikasik ang kwalitatibong datos upang makapagbigay ng

komprehensibong analisis sa problema ng pananaliksik. Ang paraaang kwalitatibo ay

tumutugon sa proseso habang ang kwantitatibo naman ay sa produkto o kalalabasan.

-SABAYANG HALONG PARAAN

38. Ang mananaliksik ay gagamit ng lente ng teorya o oryentasyon sa pag-aaral ng kasarian, uri

at pangkat ng disenyo na naglalaman ng kwantitatibo at kwalitatibong datos.

-TRANSPORMATIBONG -HALONG PARAAN

39. Ano ang walong katangian ng pananaliksik?

-Kontrolado, Balido, Emperikal, Obhektibo, Mapanuri, Pinagtitiyagaan, Kwantiteytib o

Kwaliteytib, at Sistematiko

40. Ano ang apat na kasangkapan sa pananaliksik?

-Bibliyoteka, Wika, Kompyuter at Estadistika

41. Ano ang dalawang halimbawa sa kwantitatibong pananaliksik?

-Eksperimental na Pananaliksik at Sarbey na Pananaliksik

42. Ano ang limang halimbawa sa kwalitatibong pananaliksik?

-Case Study, Grounded Theory, Penomolohikal na Pananaliksik, Etnograpiya, at Naratibong

Pananaliksik

43. Ano ang tatlong uri ng halong paraan?

-Sekwensyal na pinaghalong pamamaraan, sabayang halong paraan at transpormatibong

halong paraan

You might also like