You are on page 1of 27

PANANALIKSIK

Your best quote that reflects your


approach… “It’s one small step
for man, one giant leap for
mankind.”

- NEIL ARMSTRONG
PANANALIKSIK

- isang organisado at sistematikong pamamaraan sa paghahanap ng katugunan sa


mga katanungan.
ORGANISADO

- sumusunod sa balangkas at metodolohiya


- isang planadong Gawain at hindi basta-bastang isinasagawa
-nakatutok at limitado lamang sa ispesipikong saklaw ng pananaliksik
SISTEMATIKO

- isang tiyak na hanay ng mga hakbangin ang kailangang isagawa upang ito ay
maisakatuparan.
- may ialng mga bagay sa proseso ng pananaliksik na kinakailangang lagging
isinisagawa upang matamo ang higit na angkop na resulta.
PAGHAHANAP NG KATUGUNAN

- ang katapusan ng lahat ng pananaliksik


- katugunan ng haypotesis o kahit na kasagutan sa simpleng katanungan lamang
- tugong negatibo na natuklasan ng mananaliksik ay mabuting opurtunidad upang
maipakita ang kahalagahan
- magiging mahalaga ang mga mungkahing inihahain upang mapabuti ang
pagseserbisyo o kaya ay mapahusay ang produkto
Ang mga KATANUNGAN ang sentro ng pananaliksik:
- kung walang katanungan anomang natuklasan ay walang bisa, sapagkat walang
pinaglalaanang tanong na dapat sagutin.
- nakatutok sa mahalagang katanungan na kapupulutan ng kapakinabangan
- Nagbibigay ng pokus, direksyon, patutunguhan at kabuluhan ng isang
pananaliksik
- isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na pag-iimbestiga ng mga
walang katiyakang pananaw na nauukol sa iniisipna ugnayan sa natural na
phenomena. (Kerlinger, 2000)
DISENYO AT LAPIT SA PANANALIKSIK
- dapat maintindihan na may magkaibang tinatahak sa pagtuklas ng kaalaman
ang magkaibang disenyo na hindi dapat pagbanggain sapagkat usapin ito ng iba’t
ibang katangian ng mga disiplina at erya ng paksang pinag-aaralan.

- esensyal ang dalawa sa pagtuklas ng mga kaalamang panlipunang nag-uugat sa


mga penomenong umiiral sa bawat espasyo at panahon.
KUWANTITATIBONG PAG-AARAL
- obhektibo na masusukat at malilikom ang datos gamit ang mga kasangkapan
tulad ng estadistika.
- napakahalaga ang panukatang gagamitin sa proseso ng pananaliksik na binubuo
bago ang pangangalap sa datos.
- deduktibo ang prosesong pinagdadaanan sa pagbuo ng disenyo dahil ang
pangunahing layunin ay matiyak at malilinaw na makalap ang mga detalye ng
empirical na panlipunang daigdig at maipahayag ang mga natuklasan sa
pamamagitan ng numero.
KUWALITATIBONG PAG-AARAL
- subhektibo na masusukat sa pamamagitan ng mga alternatibo sa numero tulad
ng simbolo, imahen, salita, deskripsyon at iba pang maaaring representasyon ng
isang penomeno.
- induktibo ang proseso sa pag-aaral dahil nalilikha at nasusukat ang mga
konsepto kasabay ng pangangalap ng datos.
-nakatuon sa isang masusing obserbasyon, pagsusuri at paglalaraawan sa mga
nabubuong balangkas ng mga datos.
Proseso ng pagkakaiba ng mga disenyong
KUWALITAT KUWANTITAT
Theory
IBO IBODeduction

Patterns Hypothesis

Observations/
Induction Data
ILANG TALA SA PANIMULANG
PAGHABI NG DISENYO

METODO NG PANANALIKSIK – ay malalaman lamang matapos mabuo ang


paradigma o balangkas ng pag-aaral.

PARADIGMA – kabuoang Sistema ng isip na kinapalooban ng mga


pangunahing hinuha, katanungan, modelo at pamamaraan sa pag-aaral.
ONTOLOHIYA – tumutukoy sa anyo at kalikasan ng mga bagay na Makita
natin sa panlipunang reyalidad.
Gabay na Tanong:
* Ano ang nalalaman o alam na ng mananaliksik hinggil sa paksa?

*Ano ang nariyan na, maaaring alamin o natuklasan?


EPISTEMOLOHIYA – batay sa ugnayan ng tumutuklas/mananaliksik at
kanyang pag-aaralan.
Gabay na tanong:
* Paano masasabing alam mo na ang nalalaman?

* Paano mo malaman ang nalalaman mo?


METODOLOHIYA – pamamaraan na ginagamit upang makalap at masuri ang
mga datos sa isang pag-aaral.

- sistema ng prinsipyo o tuntunin na kinapalooban ng tiyak na pamamaraang


gagamitin upang masagot ang mga katanungan sa pag-aaral.
BALANGKAS: Proseso ng paglikha ng
disenyo particular sa kuwalitatibong uri

PANANAW -
MUNDO

PARADIGMA

METODO
LAPIT O APPROACH

1. POSITIBISTA (Positivist Social Science)


- panlipunang realidad ay mayroong pattern at tuntunin batay sa Sistema ng
pangkalahatang batas.
2. INTERPRETATIBO (Interpretative Social Science)
- binibigyang-diin ang pag-unawa sa pang-araw-araw na pagdanas ng tao sa
isang partikular na panahon kung saan ang pag-aaral ay dapat nakatuon sa
panlipunang aksyon na may layon.
3. KRITIKAL (Critical Social Science)
- kinikritik ng lapit na ito ang positibista at interpretatibo na lapit dahil sa tanging
tuon ng mga nabanggit ay pag-aaralan ang tao at mundo na walang aksyon/pagkilos
o transpormasyon.
- ginagamitan ng instrumento sa pagsusuri tulad ng class analysis at diyalektikal na
materyalismo.
- ang reyalidad ay tinitingnan na patuloy na nililinang ng mga panlipunan, politikal
at kultural na salik, kabuoang isinusulong ay panlipunang pagbabago at paglaya.
NAGTATAGLAY NG SUMUSUNOD
NA KATANGIAN:
1. RELAYABILITI (Realibility) – ang pagkakaroon ng parehas na
resulta/kinalabasan sa mga pagkakataon na ang isang pananaliksik ay inuulit,
gamit ang parehong metodo/pamamamaraan, instrumentasyon para sa parehas na
populasyon.

2. BALIDITI (Validity) – ang asamsyon (assumption) o proposisyon para masabi


kung ito ay tama o mali, tumutukoy sa kaangkupan ng isang pananaliksik.
3. AKYURASI (Accuracy) – tinutukoy sa antas ng pagkakaugnay-ugnay ng
pamamaraang pampananaliksik, mga kagamitan at instrumentasyon.

4. MAY KREDIBILIDAD (Credible) – gumamit ng pinakamabuting hanguan ng


impormasyon at gumagamit ng pinakamabisang pamamaraang pampananaliksik.
5. PANLAHAT (Generalizability) – ang kinalabasan ng pananaliksik ay
maaaring gamitin sa mas malaking bilang ng populasyon.

6. EMPERIKAL (Empirical) – isinasagawa nang maingat at maagham.


7. SISTEMATIKO (Systematic) – walang pananaliksik ang maaaring isagawa nang biglaan o
basta-basta, may panuto/pamamaraan na kailangang isagawa, bawal ang “short cut” sa gawaing
pananaliksik.

8. KONTROLADO (Controlled) – maraming salik ang maaaring makaapekto sa kinalabasan ng


isang pag-aaral.
Halimbawa:
PURE SCIENCE madaling makontrol ang baryabol tulad ng lakas, bilang at iba pa – ginagawa
ang pananaliksik sa laboratory – iba-iba ang resulta.
SOCIAL SCIENCE – kalagayan ng kalikasan ang kadalasang isinasagawa.
PAGTATAYA: (Pangkatang Gawain)
Direksyon: Ipaliwanag at gawan ng limitasyon ang pag-aaral batay sa pamagat
ng pananaliksik.
Pangkalahatang Paksa (PP) :
Ang K+12 Program at Epekto Nito sa mga Guro
Nalimitahang Paksa (NP):
SALAMAT!

You might also like