You are on page 1of 6

FIL 18: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT PANITIKAN

Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga batayang kaalaman, sa mga lawak, uri at metodo sa pananaliksik sa
wika at panitikan na maglulundo sa paghahanda at paghahanap ng isang sulating pananaliksik.

Katuturan ng Pananaliksik

- Pagtuklas at pagsubok ng sang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na nangangailangang bigyan
ng kalutasan.
- Isang maka-agham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na
kinakailangang bigyan linaw, patunay o pasubali.

● Good
- Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng ibat-
ibang Teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa
klaripikasyon o resolusyon nito.

● Aquino
- Ang pananaliksik ay may detalyadong depenisyon. Ayon sa kanya ang pananaliksik ay isang
sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa
o suliranin.

● Manuel at Midel
- Masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon
upang malutas ang isang particular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan.

● Parel
- Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning
masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.

● E. Trece at J.W Trece


- Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin.
Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon
para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.

● Calderon at Gonzales
- Ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong proseso ng pangagalap, pagsusuri, paglilinaw,
pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan ng isang datos na nangangailangan ng
kalutasan sa suliranin.

● Kerlinger
- Ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbistigasyon ng
mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.

Uri ng Pananaliksik

● Descriptive Research
● Action Research
● Historical Research
● Case Study
● Phenomenology
● Applied Research
● Comparative Study
● Eksperimentong Pananaliksik
● Normative Study
● Etnograpiyang Pananaliksik
● Genetic Study
● Communication Research
● Behavioral Research

Katangian ng Pananaliksik

● Sistematiko
- Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.
- May sinusunod na proseso/hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin,
o ano pa mang layunin ng pananaliksik.
- Sistematiko ang pananaliksik sapagkat ito ay may sinusunod na proseso.
- Hindi ito nararapat na basta-basta lang ginagawa dahil gusto mo . nangangailangan ng maayos
na paghahanda, pagbabalangkas, pagpaplano at pagsasagawa upang ganap na matamo ang
inaasahang bunga ng mananaliksik
- May title defense, may final defense. Yung first draft ay hindi pwedeng maging final draft. Kase
kasama sa proseso ang pagtatama ng inyong papel. Diba andami pang pinagdadaanan ng mga
- researcher. Andaming beses na nagpapacheck ay ilang beses din piniprint yung paper. Bakit?
Kase hindi pa polido. Hindi pa error free yung paper ninyo. At lahat ng ito, ay kasama sa
proseso. Kasama sa sistema na kailangan pagdaanan ng researcher. At sa bawat proseso na ito,
wala dapat ligtangan, wala dapat lampasan, dadaanan lahat ito isa isa.
- Ganon din, lalot higit sa pinakang papel. Hindi ka maaaring gumawa ng chapter 5 kung wala
kang chapter 1. Kasi nasa chapter 1 ang conceptual framework. Yung kaluluwa ng papel ninyo.
So kung wala yon, kung walang pnagbabasehan ang thesis ninyo sa simula pa lang, hindi rin
kayo makakabuo ng konklusyon. Imposible yon kaya kinakailangan nating dumaan sa sistema.
Kinakailangan nating dumaan sa proseso.
- (pagmamasid, pagtukoy ng suliranin, pagbuo ng hinuha, pangangalap ng datos, pagsusuri
ng datos, paglalahad ng konklusyon)

● Empirikal (based on, concerned with, or verifiable by observation or experience rather than theory
or pure logic)
- Lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o
mapasinungalingan ang binuong hipotesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat.
- Ang mga datos na nakalap ay maaaring i-verify o isabjek sa eksperimentasyon. Ito ang ginagawa
kapag ang mga datos ay empirical sapagka’t base lamang sa obserbasyon at ekspiryens
(karanasan) ng mga ito.
- Empirikal ang pananaliksik sapagkat ang sangkot dito ay mga bagay o paksang nasusukat,
napagmamasdan, kayang i-quantify, at dumaan sa eksperimentasyon. Hindi maaaring gawan ng
pananaliksik ang mga di empirikal na konsepto kagaya ng mga supernatural na bagay tulad ng
multo, ang buhay pagkatapos ng kamatayan, at ang mga iniisip ng mga mentally retarded.
- Ang kayang iquantify ay yung mesurable. Ang hindi observable ay hindi kayang iquantify o
measurable

● Kontrolado ( kontrolin ang variable pero wag ang result)


- Nasa kamay ng mananaliksik ang buong proseso. (isang simpleng pagkakamali sa numero o
kinalabasan, it makes your study a lie) never control the result
- Siya ang nagkokontrol ng mga baryabol kung paano ito mamanipulahin o kaya naman ay kung
paano ito kakalkulahin ang mga numerikal na datos at serye ng impormasyon. Gayunpaman,
hindi dapat manipulahin ng mananaliksik ang resulta batay sa sariling kagustuhan. Anuman
ang lumabas ay dapat na lapatan ng angkop na interpretasyon at implikasyon.
- Ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong mabuti at ang
bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta.
- Konstant ang mga baryabol sa pananaliksik. Di dapat baguhin ito upang kung may pagbabagong
magaganap sa sabjek na pinag-aaralan ay maiugnay sa eksperimental na varyabol. Ito ay
kailangang gawin lalong-lalo na kung eksperimental ang pananaliksik.

● Obhektibo, lohikal at walang pagkiling


- Isang pagtinging walang “biases”, walang manipulasyon, lohikal na inihanay at walang pagkiling
sa kalalabasan. Ang resulta (finidings) ay kailangang totoong natuklasan sa mga sagot ng
respondente at interbyu ng mga kasangkot sa pag-aaral. Hindi dapat na baguhin ang resulta
upang panigan o kumiling sa isang panig o grupo.
- Lohiko ang pananaliksik sapagkat ang mga layunin nito ay sadyang pinag-isipan. Layon ng
pananaliksik na lumutas ng mga observable na mga suliranin kaya ang isang mananaliksik ay
nakapag-aambag ng mga bagong kaalaman, kagamitang panturo, mga teorya at praktika sa
kaniyang propesyon. (SMART)

● Analitikal at kritikal na pagsusuri


- Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo
- Kailangang suriin nang maingat ng mananaliksik ang mga nakalap na datos, o particular ang
mga sagot sa navalideyt na “questionnaire” o talatanungan upang mabigyan niya ng tamang
interpretasyon.
- Analitikal ang pananaliksik sapagkat kinakailangan ng matiim na pagsusuri at interpretasyon
ang mga malilikom na datos. Ito ay nakapaloob sa ikaapat na kabanata ng pananaliksik. Dito ay
inilalahad at dumaraan sa pagsusuri ang mga numerikal na datos at serye ng mga kwalitatibong
impormasyon na nalikom mula sa malawakang pangangalap o dat gathering. (RESULTA AT
PAGLALAHAD/ PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS)
- Kritikal ang pananaliksik sapagkat mula pa lamang sa pagtukoy ng suliranin hanggang sa
puspusang pagrerebyu ng literatura, pamimili ng pamamaraang gagamitin, at pagsusuri ng mga
datos, lahat ay dumaraan sa matiim na pag-iisip. Hindi dapat manipulahin ang datos ayon sa
kagustuhan ng mananaliksik na lumabas sa pag-aaral. Kapag nagsinungaling o minanipula ang
isang datos, maituturing na kasinungalingan ang buong pag-aaral.

● Sayklikal
- Sayklikal ang pananaliksik sapagkat ito ay may siklo o cycle na sinusunod. Parang bilog ang
daloy ng mga proseso nito. Ang pananaliksik ay nagsisimula sa suliranin at humahantong sa
rekomendasyon kung saan maaaring humugot ng mga panibagong suliranin.
- From problem - solution- recommendation and then problem again (study habits ng grade 5, tas
grade 6 naman)

● Orihinal na akda na matiyagang isinasagawa at sinusulat sa iskolarling pamamaraan


- Likha at sarili ng manunulat ang kanyang riserts na kinuha ang mga result mula sa mga
pangunahing sorses at mga sanggunian o hanguang first hand. Mahaba ang panahong inilalaan
dito sapagka’t ang pagpapasagot ng mga “survey form” sa mga respondente ay hindi medaling
- Gawain lalo’t higit ang pagreretriv ng mga ito. Itinatala ng maayos at isa-isa ang mga nakuhang
sagot at mga ginagawan ng interpretasyon. Isinasangguni sa mga istatistisyan at isinusulat,
nirerevisa saka sinusulat muli kapag iniharap na sa mga tagasuri, panel o evalweytor para sa
ilang karagdagang impormasyon, suhestyon, rekomendasyon at koreksyon (grammar at iba
pang linggwistik component).

● Kwantiteytiv o istatistikal na metodo*


- Numerikal ang presentasyon upang masuri ang kantidad ng mga nakasaad na datos.
- Gumagamit ng mga istatistikal tritment sa pag-aanalays ng mga bilang upang ipakita ang
kahalagahan, gamit at kung bakit ito (tritment) ang gagamitin sa riserts. Mahalagang iispesifay
kung sampung porsyento, tatlo sa sampung mag-aaral; sampung tanong bawat respondente
(distribusyon). Isang pagtiyak/pagtaya sa tamang bilang na malinaw na maiintindihan sapagkat
kwantifayabol.

● Akyurasi ng imbestigasyon, deskripsyon at obserbasyon*


- Isang siyentipikong paglalahad ang isinasagawa sa riserts. Kailangan ang katumpakan, akyurasi
sa pagsasabi ng natuklasan. Walang hinuha, agam-agam at alinlangan sa sinasabi.
- Ang katibayan, ebidensya ay bunga ng isang siyentipiko at sistematikong pag-aaral.

● Metodikal*
- metodikal ang pananaliksik sapagkat may tiyak na metodo o hakbang itong sinusunod. Sakaling
lampasan o hindi gawin ang isang hakang ay maaaring masakripisyo ang buong pananaliksik.
Halimbawa, kapag hindi isinagawa ang pagrerebyu ng kaugnay na literatura at pag-aaral, ang
gap o puwang na pupunan ng pananaliksik ay hindi matutukoy nang maayos.
- (dapat magbasa ng rrl at rrs para matukoy kung may exixting na na research na tulad ng
gagawin mo. Kung meron na, hindi na siya useful. Useless na kasi inulit at ginaya at malamang
pareho lang ang kalalabasan ng iyong pananaliksik.)

● Replikabiliti*
- Ang pananaliksik ay maaaring ireplikeyt subalit hindi maaaring kopyahin nang lubusan. Ang
replikasyon ay maaaring pagkakahawig lamang ng ilang baryabol ng pananaliksik. Halimbawa,
inaral ng isang mananaliksik ang tungkol sa aswang lore sa albay. Maaaring itong ireplikryt sa
pamamagitan ng pag-aaral din ng parehong baryabol sa lalawigan ng catanduanes.

● Siyentipiko*
- May scientific method (observation, identifying the problem, testing hypothesis, formulating
hypothesis, experimentation, hanggang makabuo ng conclution)
- Ito ay may mga hakbang na sinusunod mula sa pagtukoy sa suliranin hanggang sa paglalahad ng
mga konklusyon.
- Siyentipiko rin ang pamimili ng mga respondante at sampol ng respondanteng kakapanayamin
o bibigyan ng talatanungan.
- Siyentipiko ang pananaliksik dahil may isang bagay tayo na pinag-aaralan o sinasaliksik. May
mga tanong tayo na gustong masagot o mabigyang linaw.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Malinaw na ang bunga ng pag-unlad, pag-asenso o modernisasyon ng isang bansa ay ang pananaliksik.
Ito ang pangunahing daan sa paghubog ng kinabukasan ng bawat mamamayan at tagapaghatid ng pagsulong
sa isang bansa.
Katunayan, ang pananaliksik ay isang mahalagang sangkap sa buhay ng bawat tao. epektibong batayan
ito sa larangan ng promosyon o pag-angat sa estado sa trabaho; ito rin ang pangunahing dapat isumite ng isang
mag-aaral sa kanyang kurso o asignatura, at daan din sa modernong pamumuhay ng tao. Samakatuwid, walang
makakaiwas sa pananaliksik.
Napakahalaga ng pananaliksik hindi lamang sa mga mag-aaral kundi sa iba’t-ibang uri ng tao. Saklaw
nito ang napakaraming benepisyo para sa ikabubuti ng pamumuhay ng tao sa iba’t ibang larangan. Ginagamit
ang pananaliksik upang:
a. Maging solusyon sa suliranin
b. Makadiskubre ng bagong kaalaman, konsepto, at impormasyon
c. Makita ang kabihasnan na umiiral ng isang bagay
d. Umunlad ang sariling kaalaman ng mga mag-aaral
e. Mapalawak na kaalaman ng mga mag-aaral.

● Nagpapayaman ng kaisipan
- Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa walang humpay na pagbasa , nag-iisip,
nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon.
● Lumalawak ang karanasan
- napapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa mundo ng pananaliksik dahil sa marami
siyang nakasalamuha sa pagkalap ng mahahalagang datos, pagbabasa, paggalugad sa mga
kaugnay na literatura.

● Nalilinang ang tiwala sa sarili


- tumaas ang respeto at tiwala sa sarili kung maayos at matagumpay na naisakatuparan ang
alinmang pag-aaral na isinagawa.
● Nadaragdagan ang kaalaman
- ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman kaninuman dahil nahuhubog dito ang
kanyang kamalayan sa larangan ng pananaliksik.

Layunin ng Pananaliksik
- Preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao

1. Makadiskubre ng bagong kaalaman.


- Hindi gumagawa ng research na nagawa na o napag-aralan na dati
2. Maging solusyon sa suliranin
- Ang researh ay may problema kaya nga lagi pinag-iisip ng problema
3. Umunlad ang sariling kamalayan sa paligid.
- Umuunlad sa pamamagitan ng pangagalap ng ideya o karanasan ng iyong respondante
4. Makita ang kabisaan ng ginagamit na pamamaraan estratehiya.
5. Mabatid ang lawak ng kaalaman sa isang partikular na bagay.

Mga Layunin ng Pananaliksik

May malaking kahalagahan ang pananaliksik sa tao. Sinasabi nina Constantino at Zafra (1997: 7-8) na
may mga layunin o motibasyon upang makagawa ng pananaliksik at ito ay ang mga sumusunod:

1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.


- Nagbibigay ng bagong sigla at kasiyahan ang makatuklas ng bagong impormasyong hindi alam
bago pa gumawa ng pananaliksik.
2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
- Pwedeng tingnan ang isang ideya mula sa ibang anggulo, perspektiba at pananaw kaysa dati ng
paraan ng pagtingin ng iba rito.
3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.
- Maraming bagay ang pinagtatalunan, pinag-uusapan at pinagkakainteresan sa komunidad, sa
mga institusyon, at sa bansa.
- Hal. lockdown
4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay na
totoo o makakatotohang ideya.
- Ang ganitong paksa ng mga pananaliksik ay naghahamon sa mga tinatanggap at ipinapalagay na
totoong ideya at siyang interes ngayon ng mga mananaliksik. May malaking kahalagahan ang
pananaliksik sa tao.
5. Magpapatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon, paniniwala,
palagay o pahayag.
- Balido o totoo ang isang ideya kung ito'y mapapatunayan o mapasusubalian ng mga
makatotohanang datos.
6. Magbigay ng historikal na perpektiba para sa isang senaryo.
- May mga ideyang makabuluhang tingnan o suriin sa hinahirap o kinabukasan nito. Ngunit sa
pagtukoy at pagsusuri dito ay kailangan ang pananaliksik sa kasaysayan nito.
- Pag may nahukay na kung anuman, ginagawang ng research para malaman ang history nito.

You might also like