You are on page 1of 1

PANANALIKSIK

Ano ang Pananaliksik?


- Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap at pagsusuri ng mga impormasyon tungkol sa
isang paksa o problema. Ito ay ginagawa upang malutas ang mga suliranin, magsubok ng mga teorya, at
lumawak ang kaalaman. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng malikhain at kritikal na Gawain.

Ang mga katangian ng pananaliksik ay maaaring sumasaklaw sa mga sumusunod :

 Sistematiko: Ang pananaliksik ay may sinusunod na hakbang upang masiguro na maayos at


organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain.
 Kontrolado: Ang pananaliksik ay dapat kontrolado upang hindi magkaroon ng pagbabago sa mga
baryabol na nakapaloob dito.
 Empirikal: Ang pananaliksik ay dapat napapatunayan sa pamamagitan ng pagmamasid o karanasan
kaysa sa teorya, at nakabase sa mga inilahad na pinagkunan ng mga datos.
 Mapanuri: Mahalagang katangian ng pananaliksik na ito ay dapat mapanuri upang masiguro na tama
at wasto ang interpretasyon ng datos.
 Obhetibo, Lohikal at Walang Pagkiling: Ang mga datos at interpretasyon ng mananaliksik ay dapat
obhetibo at lohikal at walang pagbabagong ginawa dahil ang pananaliksik ay dapat walang
kinikilingan.
 Gumagamit ng mga Kwantetibo at Estadistikal na Datos: Mga datos na kwantetibo at estadikal ay
mahalaga upang masukat ang kahalagahan ng iyong pananaliksik.
 Orihinal na Akda: Ang iyong pananaliksik ay dapat sarili mong tuklas at hindi paglalahad lamang ng
tuklas ng ibang mananaliksik.

Mayroong apat na pangunahing uri ng pananaliksik: qualitative,quantitative, mixed-method,


at action . Ang bawat isa ay may sariling layunin at pokus. Narito ang mga kahulugan ng bawat uri:

 Qualitative Research: Ito ay nakatuon sa pagtuklas ng mga isyu, opinyon, at karanasan. Gumagamit ito ng
induktibong pangangatwiran upang makabuo ng mga konklusyon tungkol sa isang partikular na paksa.
Kadalasang ginagamit sa mga larangan tulad ng sikolohiya, sosyolohiya, antropolohiya, at edukasyon.
 Quantitative Research: Ito ay nakatuon sa pagsukat at pagbibilang ng mga bagay. Gumagamit ito ng
deduktibong pangangatwiran upang subukan ang mga hypothesis tungkol sa kung paano gumagana ang
isang phenomena. Kadalasang ginagamit sa mga larangan tulad ng ekonomiya, negosyo, epidemiology, at
pisika.
 Mixed-Method Research: Pinagsasama ng mixed-method na pananaliksik ang parehong qualitative at
quantitative na mga pamamaraan upang makakuha ng mas mahusay na pag-unawa sa isang partikular na
paksa. Kadalasang ginagamit sa mga larangan tulad ng marketing, pampublikong patakaran, at
pangangalagang pangkalusugan.
 Action Research: Isinasagawa upang malutas ang isang partikular na problema o mapabuti ang isang tiyak na
proseso. Karaniwang ginagawa ito ng mga organisasyon o grupo sa halip na mga indibidwal. Kadalasang
ginagamit sa mga larangan tulad ng negosyo, edukasyon, at gawaing panlipunan.

Mayroong apat na pangunahing bahagi ng pananaliksik: Suliranin at Kaligiran, Metodo ng


Pananaliksik, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos, at Paglalahad ng Resulta ng
Pananaliksik . Narito ang mga kahulugan ng bawat bahagi:

 Suliranin at Kaligiran: Sa bahaging ito, nakapaloob ang mga sumusunod: Rasyunal, Paglalahad ng Suliranin,
Kahalagahan ng Talakay, Batayang Konseptwal, Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral.
 Metodo ng Pananaliksik: Sa bahaging ito, nakapaloob ang mga sumusunod: Disenyong ng Pananaliksik,
Respondente, Instrumento ng Pananaliksik, Tritment ng mga Datos.
 Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos: Sa bahaging ito, nakapaloob ang mga sumusunod: Pagsusuri,
Interpretasyon.
 Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik: Sa bahaging ito, inilalahad nang isa-isa at malinaw ang mga naging
kasagutan sa bawat suliranin o tanong o layunin na iyong binigay sa simula ng pananaliksik.

Ni: Ruth Angela Miranda

You might also like