You are on page 1of 5

Villacruz, Mark Vincent Rei

BSCIEBIO III-22
Suring Teknolohiya

Social Media: What you already and what lies ahed

ni Jing Garcia

Sa isang artikulo mula sa pahayagan ng Manila Times na inilathala ni Jing Garcia


inihahayag ang pagbabagong nagdala at dulot ng social media, inilahad ang simula nito kung
saan sa panahong 1950s-60s unang umusbong ang paggamit ng telebisyon pati na rin ang mga
kritisismo na kaakibat nito, hanggang sa panahong 2000s kung saan ginamit ang midya upang
paraan ng pakikipagtalstasan, pagkukuhanan ng balita at maging aliwan na sa kasalukuyang
panahon ay mas naging higit pa.

Nailahad sa teksto ang epekto ng lumalawak na sakop ng social media sa nakararami,


iilan dito ay korelasyon ng paggamit nito sa pagtaas ng social anxiety, depression, cyberbullying,
maging ang pagkalantad ng sensitibong paksa na hindi akma sa edad ng kabataan. Sa kabilang
banda, ang paglawak ng social media at pagsakop nito sa kasalukuyang panahon ay nagdulot ng
madaling pamamaraan upang mailahad ang saloobin, opinyon, at maging mga aral ng bawat
indibidwal na gumagamit nito, sa pamamagitan nito, lumawak ang batayan ng kaalaman ng
mamamayan. Sa kadahilanang rin ito, mahihinuha sa teksto ang maaring dulot pa ng social
media sa kinabukasan, iilan dito ang pagiging malaking salik nito sa pagbuo ng lipunan, ang
malaking epekto nito sa mga darating na eleksyon, at pagsakop ng globalisasyon sa pamamagitan
nito.

Bilang estudyante ng kasalukayan, mahihinuha dito ang mabuting dulot ng social media,
sa laganap nitong anyo, pinepresenta nito ang pagkakataong pagyamanin ang sarili at ang bayan
gayong ang impormasyon sa panahong ito ay madali na lamang makuha at maibahagi; sa
kadahilanang rin ito, mahihinuha na ang paggamit ng social media ay may kaakibat na
responsibilidad, responsibilidad ng mga mamamayang maging maalam sa matinong balita at sa
paglaganap nito.

Ang social media ay hindi na maiialis at panghabang buhay nang nakatatak sa kamalayan
ng bawat isa, hinihingi nito ang responsableng paggamit at pagpapakalat ng impormasyong
maaring makasira o makabuo ng indibidwal o ng lipunan, at bilang isang mamamayang Pilipino,
ito ay atin ding dapat sundin at tandaan.
Reference:

Garcia, J. (2021, October 11). Social media: What you already know and what lies ahead. The

Manila Times. Retrieved July 1, 2022, from

https://www.manilatimes.net/2021/10/11/tmt-anniversary/social-media-what-you-

already-know-and-what-lies-ahead/1817785

You might also like